Fetus inside the jar
*******************
Nasa loob kami ng room namin. Wala kasing mga guro ang pumasok dahil may meeting sila sa AVR kaya pabor samin ngayon."Guys, ano kaya kung magkukwento tayo ng mga kababalaghan"
Excited na saad ng President namin, si Jasmine sabay palakpak sa mga kamay nito.
"Oo nga naman, guys tutal wala namang teachers ang papasok. "
Sang-ayon ni Shanaia. Lahat ng mga kaklase ko sumang-ayon na rin. Iilan lang kaming nasa sulok at nagbabasa ng libro The Invisible Man by H. G. Wells.
"So, sino ang gustong maunang mag share ng kuwento? "
Tanong ni Jasmine na umupo pa talaga sa unahan.
"Ako"
Tugon ni Brylle. Si Brylle ang taong mahilig magkuwento ng kung ano ano. Lahat kami nakaabang. Tiniklop ko ang librong aking binabasa.
"Pamilyar naman siguro kayo sa nangyari sa akin noong elementary pa tayo diba? "
Panimula niya. Tumango naman kami. Tumayo siya sa harapan at nagpatuloy sa pagkuwento.
"Elementary ako non nang marinig ko ang usap usapan ng mga teachers na may nakita raw silang fetus inside the jar. "
Napasinghap ako nang malakas. Nagtatakang lumingon sila sa akin at ibinalik ang atensiyon kay Brylle.
"Narinig ko na nasa laboratory ang bagay na iyon dahil sa curious ako kung ano ang hitsura non. Plinano ko lahat, nagdala ako ng tubig at flashlight. "
Lahat ng atensiyon namin nasa kanya lang. Tumayo ako para mag ibis ng tubig.
"Nang nasa laboratory na ako, wala akong nakitang mga apparatus kundi mga jars na maalikabok na may lamang seeds ng mga prutas. "
Tumayo ang balahibo ko sa katawan sa aking narinig. Nagpatuloy si Brylle sa pagkukwento, ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa slocks nito.
"Inilibot ko ang aking paningin at nahagip ng aking mga mata ang puting jar na nasa pinakasulok na bahagi. Tanging liwanag lang nang flashlight ang nagsasaboy ng ilaw. Kinuha ko ang jar at doon nakita ko mismo ang fetus. Nang hinawakan ko na ito, nakaramdam ako nang kakaiba, ramdam ko ang lamig ng ihip ng hangin sa loob. I stood there aghast because of the strong feeling I have. "
Nanginginig na salaysay ni Brylle. Alises and Jessa are hugging each other. You can really see their faces in fear.
"I run as fast as I could but even if I run like a tiger binalot pa rin ako ng takot. "
Umangat ang tingin namin kay Brylle nang huminto ito sa pagsasalita.
"Yakap yakap ko ang jar, pababa na sana ako sa 2nd floor nang may maramdaman akong may mabigat na nakadagan sa aking likuran. Huminto ako para lingunin ang nakadagan sa likuran ko. Nangimbal ako sa takot nang malaman ko kung sino ang nasa likuran ko. Ang babaeng sinasabi nilang nagpakamatay dahil iniwan ito ng boyfriend at sumama sa iba"
Nakaramdam ako ng kaba sa susunod na pangyayaring sinasabi niya.
"Bigla nalang akong nahimatay, paggising ko nasa laboratory na ako"
"Pa-paano ka napunta doon? "
Tanong ni Cryzza habang nakayakap kay Jehan ramdam kong natatakot na rin sila.
"Yun ang hindi ko alam"
Umiiling na sagot ni Brylle. Nagkatinginan kami ni Jasmine ngumisi ito sakin. Makikita mo sa mga mata ni Brylle ang takot. Labis ang nararamdaman kong kaba dahil sa panahong nasa loob siya ng laboratory nandoon ako. Nakabulagta siya sa sahig habang yakap ang jar na may lamang fetus.
Namuo ang mga luha sa mata ni Jasmine nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil ang may ari nang jar na iyon ay kilala niya mula ulo hanggang paa.