Chapter 3

12 1 0
                                    

wanna die?

Kagat kagat ko ang ballpen ko habang hilot ang sentido dahil hindi ko maintindihan ang binabasang inventory ng Seongcham branch. For this month, short ng two hundred thousand ang items nila, tatlong buwan na ako dito at ito ang first time na may ganitong kalaking shortage sa inventory ng branch na ito. Iniwan ko ang koreanang pharmacist sa counter dahil may customer na lumapit, gumilid ako habang binabasa ang excel sa ipad nang mapansin ko ang kasamang bata ng customer na nakatingin sa akin.

I smiled briefly at the boy, mukhang matanda ito ng kaunti sa anak ko.

"annyeong!" bati ko dito pero hindi ito ngumiti pabalik, hinigit lang nito ang manggas ng tatay niya saka ako itinuro. Natutop ko ang nguso ko  sa kahihiyan sa bata.

"Appa! She's that girl on samcheon's phone!" sabi ng bata in hangul na kaunti ay naintindihan ko. Basic hangul lang ang natutuhan ko sa tatlong buwan dito dahil madalas naman sa mga nakaksalamuha ko ay marunong mag english o nakakaintindi naman, sa mga matatanda ko lang malimit gamitin ang korean language at hindi rin naman ako nakikipagusapan sa iba maliban na lang sa trabaho.

Bumaling din sa akin ang tatay niya at katulad ng bata tumititig din ito sa akin. Samcheon is unclein english. Sinong uncle naman ang tinutukoy ng batang ito?

"Oh sorry, my son must be mistaken. My older brother has a Filipino girlfriend he must mistook you as her" paumanhin naman ng tatay nito na nginitian ko na lang saka ako nagpaalam.

Naubos ang maghapon ko sa Incheon branch, mabuti na lang at nabalanse ko. I tracked all the record ng ipinasok na invoices saka ko nakita ang error. Nadoble ang pasok sa tatlong purchase order, kulang na ako sa oras ngayon kung i-pull out ko pa saka ipapasok ulit kaya babalik na lang siguro ako para gawin iyon. 

Naguunat ako na lumabas ng pharmacy, tatambay muna ako sa 7eleven dito habang hinihintay si Ernie. Ang sisteret ko nakatagpo na naman ng lalaki in broad daylight, wholesome daw ang date nila kaya wag daw ako mag-alala dahil sigurado daw siyang susunduin niya ako. Kahit doubt akong maalala niya pa akong sunduin kung mauwi sa kababalaghan ang date nila.

nakatira kami ni Ernie sa isang 2 bedroom apartment dito sa seoul, sabi niya dito daw siya nakatira noon bago sila lumipat sa pilipinas. Akala ko saktong yaman lang sina Ernie, iyon pala hindi lang pharmacies ang business nila hawak ng mga kapatid ni Ernie ang film industry at shopping malls pero itong pharmacies nila ang pinakamalaki kaya iyon ang hindi binibitawan ng tatay niya. Wala pa daw sa kanilang magkakapatid may babagay na pumalit sa pwesto niya.

Umikot muna ako sa loob ng 7eleven para makakuha ng makukutkot bago ako dumirecho sa refrigerator para kumuha ng cold beer. Dito lang ako natuto mag-beer dahil ito ang amdalas na beverage lalo kapag may get together bukod sa soju at kugn minsan pinaghahalo pa ang dalawa. Sa labas ay may table na pwede kong okupahan, sa tabi ko ay inilapag ko ang malaki kong tote bag, nagmamasid lang ako sa pilgid ng marinig ko ang music galing sa screen ng store.

Si Yong Gyu ang laman ng commercial habang iniispray niya sa mukha niya iyong asul na spray bottle para maging glass skin. Iniwas ko ang tingin doon saka ko nilagok ng mabilis ang beer na hawak ko. Nasanay na akong madalas lumitaw sa TV ang mukha niya, ganoon kasi talaga siya kasikat, naalala ko pa noong unang gabi ko commercial niya agad ang una kong napanood ng buksan ang TV, magdamag akong umiyak noon kaya kinabuksan mugto ang mga mata ko. Takang taka nga si Ernie sa akin noon, ang idinahilan ko na lang ay dahil sa malungkot ang ending ng movie na pinanood ko. 

Simula ng duamting ako dito, lagi akong cautious dahil baka makita ko siya saka ko lang na-realize na sa sobrang sikat niya imposible na magpakalat kalat siya sa daan. At isa pa, baka nakalimutan na din ako noon, kumbaga summertime love story. After ko siya ihatid wala na siyang paramdam sa akin, natatakot naman akong i-message siya sa accoutn niya dahil baka hindi naman siya ang gumagamit noon maging katawa tawa pa ako. Naghihintay din akong tawagan niya o kaya padalahan ako ng email pero wala talaga. 

I groaned. Kaysa naman isipin ko pa siya ulit, tinawagan ko na lang ang anak ko. Kakalabas lang din siguro niya from Kumon. Hindi naman nagtagal ay sinagot na nga ng anak ko ang tawag, nasakop ng mukha niya ang screen ng cellphone ko.

"Mommy! May shtar ako! I anshered cylinder kashi dun sa mukang baso na butas yung pwet!"

masayang balita sa akin ni Axel, nakitawa naman ako sa kanya na naging distraction ko para maalala pa ang tatay niya.

"I miss you! Uuwi din ako mga after one thousand na sleep baby"

Ngumuso naman ito sa akin, ang cute niya tignan dahil naging guhit na ang mata niya

"Mommy shabi ni Mamita hindi daw counted yung afternoon naps? Pero hindi ako pwede hindi mag-shleep!?"

Natigil lang ang masaya naming kwentuhan ng anak ko dahil sa busina ng isang SUV sa tapat ko. NApabalikwas ako sa gulat "Ya! Jugulle?!" Sigaw ko sa itim na SUV, hindi naman ito umalis o nagbaba man lang ng bintana kaya lalo akong sumimangot. Koreans are very nice pero yung iba talaga may toyo din eh. Hindi ko na lang din pinansin, kinuha ko na lang ang tote bag ko at bumalik na lang sa loob ng pharmacy para doon na lang maghintay.

ang tagal naman kasi makipaglandian ni bakla!

Why Dreams Should LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon