Jaki's POV
"Nag-trending kamakailan ang episode ng GGV na kung saan guest ang dating kinilala nating si Ate Girl Jaki, na ngayon nga'y isa ng sikat na dancer sa Europa. Maraming natuwa at nagtanong kung may pag-asa pa nga ba silang magkabalikan ng dati nitong---"
Pinatay ko na agad ang tv at napabuntong hininga na lang. Tahimik na sana buhay ko at maayos na ang lahat, pero parang nasira na naman.
"Ate, okay ka lang?" tanong ng P.A ko na si Hannah.
Taray ko di ba? May P.A na rin? Hahaha! Si Tom talaga ang nag-alok sa akin nitong si Hannah. Ayaw ko sana kaya lang naawa naman ako kasi kailangan din nya ng trabaho kaya pumayag na lang ako.
"Ahh, oo naman. Bakit mo natanong?" tanong ko.
"Eh bigla nyo po kasing pinatay yung TV, akala ko po ba gusto nyong manuod at magpahinga?" tanong nya rin.
"Di ko rin naman gusto ang mga palabas sa TV ngayon eh. Ang aga pa pala noh? Quarter to 7 palang... Bakit ba napakaaga kong gumising ngayon? Ano bang pwede kong gawin?" tanong ko sa sarili ko.
Matamlay lang akong nakatulala sa kawalan nang may bigla akong maalala. May bigla na lang pumasok sa isip ko. Sila Madc... Kamusta na kaya sila ngayon? Sabi sa akin ni Tom, madalas daw syang kinukulit nila dahil may hinala silang alam ni Tom kung na saan ako. Bago ako umalis noon dito, nag-iwan pa ako sa kanila ng sulat para magpaalam na nagpakalayo-layo na ako. Sabi rin ni Tom na sa apartment pa rin sila naninirahan.
"Ahmm... Hannah, dito ka lang, okay?" sabi ko.
"Bakit Ate? Saan ka ba pupunta?" tanong nya sa akin.
"May gusto lang akong bisitahin." sabi ko at akmang tatayo na ako ng magsalita sya ulit.
"Eh marami po kasing mga reporter sa labas nitong hotel at hinihintay kang lumabas." sabi nya na ikinalingon ko sa kanya.
What? Teka, paano? Pasekreto kami ditong nagcheck-in. Hayyy... Tao nga naman. At di ko rin sukat akalaing ganito ako kasikat dito.
"Hayaan mo na... Magdi-disguise na lang ako." nakangiting sabi ko at iniwan na sya.
Sa kabilang room sya natutulog at pumupunta lang dito kapag umaga at kung kailan ko sya kailangan. Naligo muna ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Dapat talaga pagdating na pagdating ko pa lang dito sila na agad ang pinuntahan ko, pero masyado akong busy kaya ngayon lang ako makakapunta sa kanila.
Simple lang ang suot ko at nag-cap at shades with face mask para di ako makilala. Paglabas ko pa lang ng elevator ay agad kong nakita ang mga tao sa labas ng hotel at halatang may hinihintay sila rito. Gosh... Paano na ako makakalabas dito? Siguradong mahahalata pa rin nila kasi tagong-tago yung mukha ko eh. May nakita naman akong grupo ng mga babaeng palabas ng hotel kaya pasimple naman akong sumabay sa kanila at nakalabas naman ako ng maayos. Agad akong dumiretso sa parking lot para kunin ang kotse ko.
Sana maabutan ko pa sila sa apartment...
Madc's POV
"Hoy mga babae, bilisan nyo na, late na tayo sa rehearsals oh! Yan kasi! Nagpakapuyat pa kasi tayo kagabi." reklamo ko habang nagmamadaling mag-ayos ng sarili.
"Baliw! Sino ba kasi nakaisip na halughugin ang buong social media para lang tingnan si Jaki?" balik na tanong ni Melvie sa amin.
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 2)
FanfictionThis is the continuation of Vicejack's Story... Ang akala ng lahat ay tuloy-tuloy na ang saya sa pag-iibigan nilang dalawa. Isang taon na silang engaged at pinaplano ng magpakasal sa sunod na buwan. Pero ang lahat ng ito ay nasira ng may mangyaring...