Kabanata 23

9 3 1
                                    


Warning: SPG

Kabanata 23

Happy birthday


Gaya ng sabi ko kahapon ay hindi nga ako pumasok ngayon.

Sumabay ako sa kanila mag-umagahan pero mabilis din akong umalis dahil halatang ayaw ni Phiel at ni papa na nandoon ako. Hinalikan ako ni Eillon sa ulo bago umalis.

Kung ikakapayapa nilang wala ako sa bahay edi aalis ako.

Ginala ko si Abelia sa mga parke pero gaya ko rin talaga ata siya dahil ayaw niya. Hindi ko na siya tinalian pero nanatili lang siyang nakaupo sa akin. Ayaw makihalubilo.

Ako lang daw kasi maganda kaya ako lang gusto niya ganon.

Pumunta kami sa department store at doon na nga siya kumawala. Madami siyang kinakalmot na laruan at ang dinidilaan niya ay binabayaran ko. Halos mapakyaw namin ang mga stuff toys doon.

May pinili din siyang lalaking manika at iyon ang pinakagusto niya. Paano ko nalaman? Dahil bitbit niya 'to paglabas at halos kalmutin niya ang nagpapunch sa may counter dahil ayaw niya ipahawak. Maharot.


"You liked it?" Tanong ko sa pusa kong hindi ako pinapansin ngayon at nakayakap sa lalaking manika niya. Wow. Pinalitan ako.


Kumain kami sa restaurant na pwede ipasok ang pusa. Hinayaan ko siyang dilaan lang ng dilaan ang manika niya. As long as she's happy. Why not.


"Mazikeen?"


Pumikit ako ng mariin. I don't want to hear that name today. What is it?

Pagpihit ko ay nakita ko si Zachary. Huh? Tito? What now?


"Hi, Zachary!" Kumaway ako. Inangat niya naman ang mga bitbit.


Ang dami namang dala nito. Wala ka bang bodyguards?


"Nice to see you here." He said. I laughed. Hehe. Not so nice to see you. Gusto ko ng kapayapaan.

"What's the occasion?" I asked him. Kahit na hindi ako interesado. I don't want to be rude.

"It's my son's birthday!" He exclaimed. Napatingin din sa amin ang ibang tao. Okay. For a dad, he's really excited. That's cute.

"Today?" Tanong ko. Hmm.

Sunod sunod siyang tumango sa akin. "Yes, and ---."

"Meow?" Sabay kaming napatingin kay Abelia. Pumatong ito sa lamesa ko, hinawakan ko naman ang ulo niya.

"That's your cat?" Tumango ako kay Zachary.

"She have great eyes." Hinawakan niya si Abelia at nag-akma namang kakalmutin siya nito kaya binuhat ko na agad ang pusa ko.

"I'm sorry. Hindi siya sanay." I said.

"Yes, I'm sorry too." He laughed. A fatherly laugh.


Ang swerte ni Zael...


"Back to what I was saying. You're invited." He grinned. Kinabahan ako doon. Masyadong malaki ang ngisi niya na kita ko na pati maputing gilagid niya.

"You're not planning anything, right?" Pinanliitan ko siya ng mata. Tumawa ulit ang matanda.

"No, no. I just want you there. The party starts at 7 p.m. Be there. Okay?" Tumango ako kahit na ayaw ko.


Did I just say yes?

Wow. Mazikeen. Akala ko ba ay gusto mo ng tahimik na araw?

Baka makita ko pa si Felicilda doon. Psh.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas dos na. I have five hours left. What should I do?

Iniwanan ko si Abelia sa playhouse para makapaglibot ng maayos. Anong magandang regalo sa kanya?

Malamig na simoy ng hangin ang naramdaman ko pagkapasok sa Free Paint Studio. Hindi ko alam anong ibibigay ko eh. Mayaman na siya. Kaya niya na bilhin ang lahat ng gusto niya kaya bibigyan ko nalang siya ng hindi nabibili.

Ako.

Just kidding.

Ang sarili ko naman ang inasikaso ko pagkatapos kong ayusin ang regalo ko. Everything is set. Ako nalang ang kulang.

It's now 6:30 p.m. Nakuha ko na si Abelia, ready na ang regalo. At magandang-maganda na ako. Nakaputing loose v-neck shirt lang ako at short shorts. I'm wearing a red converse too at nakatali ang buhok ko.

Wala namang sinabi si Zachary kung formal ba ang party o hindi. Maganda naman din ako. Bagay ang mukha ko doon at walang-wala ang suot ko dahil mukha naman akong mayaman.


"You look gorgeous!" Ani sa akin ng baklang humarang.

"Can I take your picture?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko doon.

"You look beautiful. Please?" Tumango ako at bahagya naman siyang lumayo sa akin.


Si Abelia ang hawak ko sa kanan at ang mga pinabili sa kaliwa. Pinakita ko ang panga ko at seryosong tumingin sa lente ng camera.

Bahagyang huminto ang mga tao sa kanilang ginagawa at napatingin din sa amin.


"Perpekto!" He shouted.

Curse of the WindWhere stories live. Discover now