Sampu

14 1 0
                                    


Oh kay bills! Araw ay naging sampu
Bawat segundo'y buwan ng mga puso
Walang ibang hinahangad sa'yo
Makasama ka sa paggising at pagtulog ko

Nais ko lang na iyong tingnan
Kahit ganito lang ang nakakayanan
Ikaw ang aking kayamanan
Saglit binubuo ng tayo'y magkapalagayan

Sana naman wag ka nang kabahan
Ikaw lang ang babaeng pag-aalayan
Ng lahat ng aking nakaraan
At ng buong kinabukasan

May mga dasal man ako noon
Palagay ko'y dumating na, at ikaw yun.
At sana dumating na ang pagkakataon
Luluhod at ibibigay ang singsing na nasa kahon.

Mga Tugma ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon