6: part 3

819 79 1
                                    

"Kuya Heter?"

Tinitigan ni Heter ang binata sa harap niya mula sa magulo nitong lilang buhok na may pula sa dulo na sinisiksik niya sa balabal hanggang sa gulat na gulat na mukha nito.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Bilis ayusin mo yan baka may makakita sayo!"

Hinila ni Heter ang pinsan sa gilid at tinulungang mag ayos ng itsura.

"Anong ginagawa mo dito kuya? Si ate asan?"

Tanong ni Siargao habang inaayos ang damit niya. Pinitik lamang ni Heter ang noo ng pinsan bago inakbayan at sinabing:

"Andon sa silid, ng magising sya at hindi ka makita nataranta sya kaya ginising nya ako at pinahanap ka. Tara na nag aalala na yon."

Nag oh lang si Siargao bago nagpatianod sa kuya Heter nya papunta sa silid.

Nakalayo na sila ng muking nag bukas ang pinto qlat pumasok si Denzel na tila may hinahanap hanap.

Nang makarating sina Siargao at Heter sa tapat ng silid nila ay ang paikot ikot na si Heder ang sumalubong sa kanila. Nang maramdaman ang presensya ng mga papalapit na sina Siargao at Heter ay napatunghay ito.

Kunot noo itong lumapit sa dalawa bago ngumiti at pingot sa tenga si Siargao.

"Aray ate! A-araaay!"

"Sa susunod mag papaalam ka kung aalis ka ha? Hindi iyong basta basta kang umaalis. Pinag aalala mo ang mga kasamahan mo."

Matamis ang ngiti nito pero mahigpit ang pagkakapingot niya sa tenga ni Siargao. Sunod sunod na napatango si Siargao, hindi sya makaimik dahil baka hindi lang pingot ang matanggap nya pag nagkataon.

"San ka galing?"

"Sa labas lang po ate, nag papahangin lang."

"Huwag mo ng pagalitan Heder, ang mahalaga andito na sya. Malapit na tayo sa daungan. Mag si handa na tayo."

Hindi na umimik pa si Heder pero mas naging alerto naman ito at hindi inalis ang tingin kay Siargao.

Pagkadaong ng barko sa Pier ay sinalubong ang mga bigating bisita ng mga karwahe, isa sa bawat pamilya at isa para sa kanilang kawal at mga alipin.

Sa loob ng karwahe ng ibang pamilya, masaya silang naguusap at binibigyang lakas loob ang bawat isa samantala sa karwahe nina Siargao- yae na mas magandang wag ng alamin pa.

Pagkarating sa venue kung saan nag hihintay ang raja at hara ng luzon at ang owner ng akademya ng luzon, isa isang tinanggap ang bawat pamilya.

Nanalagi ang mga pamilya ng mga datu at at iba pang maginoo sa mga bukas na kubo sa baba ng entablado ng raja at hara ang kubo ng mga maharlika naman ay sa gilid ng red carpet.

May mga nagsasayawang mga katutubo sa red carpet bilang pagbati sa mga bisita.

"Maligayang pagdating sa palawan!"

Napatunghay ang lahat sa entablado ng magsalita si Headmaster Kiro.

"Sa ngalan ng Aming butihing may ari ng Akademya ng Luzon binabati ko kayong lahat. Ako po ang inyong lingkod na si Headmaster Kiro ng sekta ng mga Mandirigma. Sa araw na ito ako po ang mangunguna sa ating programa."

Bahagyang yumuko ito sa harap ng mga datu at lakan bago yumuko sa harap ng raja at hara.

"Sa oras pong ito, aking tinatawag ang pansin ng mga nakarehistrong kabataan upang pumila ayon sa pamilyang kinabibilangan ninyo at dadako tayo sa unang parte ng Selection- ang examination. Sa mga nakatanggap ng imbetasyon, nais po naming pumunta kayo sa Pavilion na matatagpuan sa likod ng mga kubo sa kaliwang bahagi, may naghihintay para sa inyo roon. "

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon