Chapter 1 - New Student

37 11 4
                                    

Chapter 1 - New Student
Ryer John Relliho Pov.

*yaaawwnn*

"Bro, puyat ka nanaman?" tanong sakin ng katabi ko na si Ron isa sa barkada ko.

"Yeah, another nightmare." seryoso na sagot ko at kinusot kusot ang mata para hindi makatulog.

"Haha don't tell me sya nanaman." Si Yla na nasa harap ko at nagme-make up.

"Common bro, 3 years are past hindi mo pa din sya makalimutan." si Nikko naman ang nasa left side ko at nakapalumbaba na nakatingin sakin.

Narinig ko naman ang pagtayo ng dalawa ko pang barkada na nasa likod ko.

"Grabe din ikaw bro, minahal mo talaga yon."Si Jasper na bigla umakbay sakin sa likod.

Yeah! Minahal ko yon.

Kaya nagi-guilty ako.

"Move on na kasi, baka mabaliw ka nyan." si Ron ulit na natatawa pa.

"Yes baby, nandito naman ako para sayo." Sabat naman ni khris na obsessed sakin, dahil pag may lumalapit na babae sakin ay bigla nalang nya sinasampal.

"Yun ohhh!"

"Team Khris!"

"Hahaha, go Khris."

"Yieeeee vote talaga ako kay Khris."

"Hahaha! Oo nga bro si khris nalang, bagay naman kayo."

"Binakuran na nga ni Khris si Ryer e, wala ng makalapit na babae d'yan dahil kay Khris no."

Katyawan samin ng mga barkada ko, nakakairita sila.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako magkagusto kay Khris maganda naman ito sexy, mayaman din katulad ko, matangkad, makinis ang balat, maputi... Pero hindi ko talaga sya gusto. Ayoko sa ugali nya.

I prefer a sweet and shy type of girl just like her.

*Bell Ring*

"Tsk! Aga naman mag bell ngayon." iritang sabi ni Nikko.

Mabilis nagsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase pati na rin si Jasper at Khris na nasa likod ko.

Nilalaro laro ko ang ballpen na hawak ko habang iniintay ang Professor namin.

Witch DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon