Hinahatid ka sa sakayan mo pauwi. Kasi ayaw niyang mapahamak ka. Kung pwede nga lang, ihatid ka niya sa bahay niyo para sigurado.
Handa kang ipaglaban sa mga taong hahadlang sa inyo. Yun bang “you and me against the world ang dating.”
Ipapakilala ka sa pamilya niya. Sweet yun kasi kapag pinakilala ka niya, para na rin niyang sinabi na gusto ka niyang makasama at makasundo mo ang family niya dahil mahal na mahal ka niya.
Hahawakan ang kamay mo kahit pasmado. Hindi siya choosy. Basta importante, mahawakan niya ang kamay mo.
Magbabayad ng pamasahe mo kahit ayaw mo. Normal daw kasi sa lalaking magprovide. At nakakatapak ng ego kapag tinanggihan mo.
Kapag natatakpan ng buhok mo ang mukha mo, hahawiin niya.Kasi gusto niyang makita ng maayos ang mukha mo.
Yayakapin ka pag umiyak ka. Para tumahan ka na at malaman mong safe ka na.
Kasasakay mo pa lang ng jeep/tricycle, itetext ka na ng “ingat ka” Just to make you smile.
Aasarin ka, tapos pag naasar ka na, sasabihing “ang cute mo.” Trip lang. Pero sweet pa rin.
Magtetext ng unexpected “I LOVE YOU”. Para lang maalala mong may nagmamahal sayong tulad niya.
Tatawagan ka kahit hindi siya naka-unli call para lang kamustahin ka o i-update ka sa mga ginagawa niya. Para hindi ka magduda sa kanya.
Proud na ilagay sa Facebook na IN A RELATIONSHIP siya sayo.Para malaman ng mga dati niyang friends ang tungkol sa inyo.
Magpopost sa Wall mo ng mga sweet messages. Para pagbukas mo ng FB mo, pangalan agad niya ang makikita mo.
Ginawa niyang wallpaper ang picture mo. Para araw araw pagbukas niya ng cellphone niya, ikaw agad ang maaalala niya
Pag may ganito kang boyfriend, wag mo nang pakawalan. Bihira na ang ganyan.