Buti nalang at sabado ngayon kaya heto ako nasa bahay nila ange.
May nais lang kasi akong malaman at kakausapin ko ang lola niya tungkol doon.
"Oh iho? Bat ka naparito?" tanong ng Lola ni ange
"Nandiyan po ba si ange?"
Sana wala....
"Wala iho, umalis siya" wika nito
"Lola kayo po kasi ang pakay ko" wika ko
"Ano iyon iho?" Nakangiti nitong sambit
"Sana po hindi niyo masamain pero, Ano pong meron at bakit ayaw saakin ikwento ni ange ang tungkol sa magulang niya?" tanong ko
"Alam mo ba hijo ang saya ko dahil nakabalik muli ako rito sa bahay na ito n kasama ang aking apo" sambit nito at umupo katabi ko, hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya ako naman ay hinawakan rin ang kaniyang kamay
"Hindi pa po ba nakakapunta rito si ange?"
"Hindi" malungkot na sabi nito
"Bakit po?"
"Dahil sa kaniyang magulang, home schooling lang siya, tila nakakulong sa palasyo ang peg niya hahaha"
"Kulong?" eh ano iyong lagi ko siyang nakikita sa park tuwing kami ay napasyal roon?
"Oo hijo, ang ginagawa niya lamang ay mag-aral ng mag-aral dahil iyon ang gusto ng papa niya, simula kasi nang namatay ang ina niya ay nag-asawa muli ang papa niya na kadahilanan kung bakit laging nakakulong sa bahay nila si Angeline"
"Binilog ng step mom ni angeline ang kaniyang papa kaya ang laging nasusunod ay ang stepbrother niya at ang step mom niya"
"Ano po ang ikinamatay ng tunay na ina ni angeline?"
"Habang pinapanganak si angeline ay hindi nakayanan ng kaniyang ina kaya't namatay ito, ilang buwan lamang nakalipas nang nakahanap nang mapapangasawa ang kaniyang ama"
"Bali po mas nakakatanda si angeline sa lalaki? Pero bakit--"
"Ayun rin ang akala ko nung una pero ang totoo ay, habang ipinagbubuntis si angeline ay may anak na pala sa labas si angelo pangalan ng papa niya"
"H-hindi ko po magets"
"Hahaha nako hijo, nang naging mag-asawa si Angelica at Angelo ay nahirapan sila sa pagbuo ng bata dahil may sakit pala si Angelica, ilang taon silang hirap pero hindi sila nawalan ng pag-asa hanggang sa nakabuo sila at iyon ay si Angeline pero, habang mag-asawa pa sila ay nangapit bahay si Angelo i mean nagtaksil siya hijo"
"Bali po sa ilang taon nilang pagiging mag-asawa na wala pa si angeline ay may anak na siya sa labas?"
"Oo hijo at siya ay si Leah, si Leah ay kaibigan ng ina ni angeline, gustong-gusto niya si Angelo kaya't inakit niya ito at nagpabuntis, hindi ko gusto ang babaeng iyon dahil nagtaksil siya sa kaniyang kaibigan, hanggang sa nabuntis siya sinabi niya iyon kay Angelo na itinanggi at itinakwil niya at iyon ang kuya ni angeline si Bryan, sinabi ni Leah na buntis siya kay Angelica pero hindi nito sinabi kung sino ang ama, naawa si Angelica kaya't pinatira niya ito sa mansion nila"
"Grabe po pala ang pagtataksil na ginawa nila sa ina ni Angeline"
"Oo hijo" sabay inom nito ng tubig
Sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng lungkot at awa para kay angeline, hindi niya ito deserve...
"Pero iho alam mo ba na nagtataka ako dahil kamukha ni bryan si angelica, malakas ang kutob ko na may tinatago pa si Leah kay angelica" sabat na wika ng lolo ni ange
"Po?" pagtataka ko
"Naalala ko kasi ay bago pa isilang si angeline ay may ipinagbubuntis na si angelica, pero nung ipinanganak niya ito ay sabi ng doctor na patay ang bata pero si angelica ayaw maniwala dahil bago daw siya mawalan ng malay ay may narinig siyang iyak ng bata" wika nito
Sa totoo lang naguguluhan ako sa takbo ng pamilya ni angeline, Andaming rebelasyong nangyayari, paano kung kapatid talaga ni angeline si kuya bryan?
"Dalawang taon ang agwat nina Bryan at Angeline, nang nabuntis si Angelica ay tumigil si Leah at umalis" wika ni lola
"Bakit pa po siya bumalik?" tanong ko
"Bumalik siya dahil alam niyang patay na ang ina ni Angeline, nagulat lang ako inuwi niya si Leah at Bryan sa mansion at sinabing 'Ma, Pa si leah bagong asawa ko po at si Bryan anak ko' sa gulat ay muntik na atakihin ang asawa ko at doon lang namin nalaman lahat, nagalit ang asawa ko at nangako kaming lahat ng mamanahin ay kay angeline mapupunta, na siya lamang ang ituturing naming apo" naiinis na sambit nito.
"Bamatay ang Ina ni angeline nang hindi alam ang kataksilan na ginawa sa kaniya" malungkot siyang ng ngumiti at pinahid ang luhang tumulo
"Hanggang ngayon ay hindi iyon alam ni angeline, ang alam lang niya ay hindi niya tunay na ina at kapatid si Leah at Bryan" wika ni lolo
"Bakit po siya kinulong?"
"Ganti? Galit na Galit ang mag-ina kay angeline dahil sa ginawa namin, lagi siyang sinasaktan, wala kami minsan sa mansion kaya nagagawa nila ang gusto nila"
"Alam niyo po bang tumatakas si angeline?" tanong ko
"Oo, alam ko rin ang mga naging karelasyon niya"
"Bakit po ganun? Hinihiwalayan siya lagi, minsan po kasi ay nakita ko na siya sa park"
"Lahat ng naging karelasyon ni angeline ay may dahilan at hindi nila ginusto na mahiwalay sa kaniya" sabay buntong hininga nito
"P-po?"
"Sa tuwing nagkakaroon ng karelasyon si angeline ay pina-iimbestiga agad ito ng step mom niya at pinagbabantaan na kapag hindi hihiwalayan si angeline ay mawawalan sila ng hanapbuhay"
"Ang akala kasi ni angeline ay hindi alam ng step mom at step brother niya ang ginagawa nito, pero hindi, kahit anong galaw ni angeline ay alam nila"
"Hijo, tulungan mo ang aking apo, ang gusto ko lang ay maging masaya siya at alam kong ikaw lang ang makakagawa nun" sabay ngiti nito
"P-paano po kung pagbantaan rin ako?" kinakabahang wika ko
"Hindi ko hahayaang galawin ka nila, nasaakin si angeline kaya wala silang gagawing kilos sa apo ko"
"O-opo, p-pinapangako ko po papasayahin ko siya!"
"Salamat hijo, at wag mo sasabihin sa kaniya ang sinabi ko ha? Gusto kong siya mismo ang makaalam ng lahat"
"Opo pangako!" ngiting wika ko
PAST.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
BINABASA MO ANG
WHEN HE FELL FOR ME
FanfictionSejun and Angeline Cruz was exlover. They broke up because of unexplain decision.. Angeline left and went abroad while Paulo trained and became a famous Idol. A few years later they meet again and they still love each other. Can the...