Patawad. Ina

2 0 0
                                    

Nawa'y patawarin ninyo ang aking ina
Kung nagpadalos-dalos man siya
Sa mga nasabi niya
Sana'y unawain ninyo siya

Hindi ko ginusto na kayo'y magkagulo
Sinabi ko lang naman ang mga nalalaman ko
Na akala ko'y totoo
Patawad, nagpadalos-dalos rin ako.

Akala ko'y hindi siya iimik
Akala ko, siya'y makakapag-isip
Ng tamang desisyon kung anong dapat gawin
Ngunit sumama lamang ang kaniyang saloobin

Patawarin ninyo ang aking Ina
Kung sa tingin niyong away ang gusto niya
Naglabas lang siya ng loobin
Ngunit ang isipin ang iba'y 'di niya nagawang gawin

Patawarin mo ako, oh aking Ina
'Pagka't 'di man kita nagawang ipaglaban sa kanila
Kung ako na itong nagpapaubaya
Na sinasabing tama nga sila.

Gusto kitang ipaglaban
Gusto kong ipaglaban na wala tayong maling nagawa
Ngunit ano pa nga ba ang ating magagawa?
Mas mabuting mapanatili natin ang kapayapaan sa madla.

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon