Kabanata 13

4 0 0
                                    

____________________

XIII - Too

____________________

I did not know how the call ended without my sister or cousin interrupting but I was thankful though. Lumabas ako ng kwarto at nakita silang nanonood pa rin. I just watched some movies with them to end the night.

Nagising ako sa pagyugyog sa akin. I saw Mommy telling me to get up. Kinusot ko ang mga mata ko bago napaupo.

It's already been a week since we arrived and we did not go anywhere else other than stay in lola's house or just play some sports at a nearby court. Minsan ay niyaya kami ng mga kaibigan ni Agot na maligo sa ilog. Pinayagan kaming pumunta roon at magliwaliw pero hindi nga lang ang maligo dahil hindi na raw gaanong malinis ang tubig.

Jeroboam and I had been in contact during the past days. My friends have also been texting and are always asking why I am not online for chats and videocalls.

I checked my phone, hoping that I received a message from him. I texted him about Agot's plans today and I was not able to wait for any reply yesterday because I dozed off to sleep while still watching with Ahira and Agot. Iniwan lang nila akong dalawa sa may sala at doon na ako nakatulog. Ngayon nga lang ay kagigising lang dahil kay Mommy.

May isa ngang mensahe roon. I immediately opened it.

Jeroboam:

Enjoy and take care.

That was his text. I just typed a greeting and sent it to him.

Ngayong araw ay pupunta kami sa bayan para mamasyal at kumain sa katatayong coffeshop na pagmamay-ari ng pamilya ng kaibigan ni Agot. Pinayagan kami dahil may ibinilin rin silang bibilhin at sakto namang pauwi mula sa Baguio ang mga kapatid ni Agot kaya may kasama kami sa pag-uwi.

Iyon nga ang ginawa namin. The coffeshop is located in a new commercial center. Hindi pa occupied ang mga commercial spaces dahil under construction pa pero bukas naman ang unang dalawang palapag at may mga shops na rin. Ito ngang coffeshop ay katabi lamang ng branch ng isang kilalang bread company kaya sakto lamang sa mga mamimili dahil kung wala man silang magustuhang tinapay sa coffeeshop ay puwedeng tumingin sa bakeshop. Kung wala naman silang gustong inumin na sineserve sa bakeshop ay pwedeng sa coffeeshop. Well, iyon ay kung wala na namang corkage fee na ipatutupad.

Nagliwaliw lang kami sa plaza matapos kumain sa coffeeshop. A lot of teenagers are playing sports games which is good because it just shows that the plaza's facilities are really used. May silbi ang tennis court, basketball court, volleyball court, at bicycle area nila. Napapatingin ang mga naroon sa amin, nagtataka siguro dahil sa bagong mukhang nakikita. May iilan pang batang nasa children's park na kumakaway at bumabati.

"Ngayon lang yata ako natutuwang umuwi ang dalawa," sabi ni Agot nang naghihintay na kami sa istasyon ng bus para kay Aegeus at Alastair.

Natawa ako sa sinabi niya. May mga naplano na kasi si Agot na gagawin namin sa unang araw palang ng pag-uwi namin nina Mommy pero hindi pinahintulutan dahil wala raw ang mga pinsan naming lalaki na dapat kasama namin. Kaya ngayong nakauwi ang dalawa ay matutuloy ang mga naantalang plano ni Agot.

"May pasalubong?" agad kong tanong pagkababa pa lamang ni Aegeus sa bus.

Tumawa agad siya. "'Yan pa unang tanong mo kahit kararating ko lang? Ukinana!"

"Hoy, bakit mo minumura 'yang pinsan natin?" sabat ni Ephraim na pababa pa lamang sa bus.

Gulat akong napabaling sa banda niya. Ang alam ko ay sina Aegeus at Alastair lang ang uuwi. Kasama pala siya!

Athaliah's Redemption (Ortega Series 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt