Daphne's POV
"Sige, alis na ako ahhh.." paalam sa akin ni Blaze nang nasa pinto na siya.
Kumaway nalang ako sa kaniya. Hindi na siya maagang umaalis. Nakakasabay ko na siya sa breakfast na dati ay hindi.
At yung Katie na yun, Secretary niya daw huh!
Malanding secretary siguro, oo na aaminin kong nagseselos ako pero hindi ko iyun sasabihin kay Blaze dahil nahihiya ako at saka walang kahulugan din ang pagseselos kasi, kasi pilit lang ang nangyari. Wala ako sa tamang pag-iisip ng pinirmahan ko iyun.
Nanonood lang ako ng TV kapag wala na akong magawa, minsan nangangamusta kina mama at kuya at kina Cyn at Mitch pero kay Jonathan ay minsan nalang siya. Nagkaroon ng ilangan ng umamin siya sa akin.
Napatingin ako sa mga pader kung saan nandoon ang mga paintings ni Blaze, sabi niya ay hilig niya ang pagpipinta pero ngayon ay hindi ko na siya nakikitang nagpipinta. Gusto ko pa namang makita kung paano siya magpinta.
Napatingin ako sa mga bawat paintings na nakasabit. Halos lahat ay isang babae lang at lahat ng iyun ay hindi ko alam kung sinadya ba o hindi pero namumukhaan ko ang sarili ko.
At ang pinakahuling painting ay isang bata siguro at parang may inaabot sa baba. May kasama ang bata pero nakatalikod yun kaya yung batang babae lang talaga ang kita ang buhok. Nakaharap ito at may inaabot kasi nakalahad ang kamay niya sa baba pero nakatayo silang pareho nung kasama niya.
Ganun lang ang nangyari sa akin sa mga oras na nagdaan, tumitingin sa paligid dahil malaki ang mansion ni Blaze kaya maraming kwarto, ang sala nga ay pwedeng magpatayo ng bahay sa sobrang laki at ang pinto ay ibang klase dahil sa sobrang ganda ay aakalain mong parang palasyo ang papasukin mo.
Ilang oras din akong ganun dahil wala namang magawa ay nagdesisyon nalang akong magluto ng adobong manok, tinulungan ako ni Manang Celia sa pagluto dahil hindi naman ako ganuun kagaling pero kung may isang bagay sa pagluluto ang nai-perfect ko ay ang pagluluto ng adobong manok. Yun lang talagang putahe ang kaya kong lutuin.
Marami ang niluto para lahat ay makakain ng tanghalian. Napatingin ako sa orasan ng makita kong maaga pa parang magtanghalian. Napaisip ako kung dalhan ko kaya si Blaze pero kompanya niya yun, I mean ay kaya niyang magpakuha nalang ng pagkain sa Secretary niya--kay Katie.
Ang isiping may nagbibigay ng pagkain kay Blaze ay parang gusto kong magbugbog. Naglagay ako ng ulam sa malaking tupperware at kanin sa isa pang tupperware, nagdala rin ako ng dalawang plato at kutsara.
Tinanong ko ang isa sa mga guards kung may isa kanila na marunong magmaneho at alam kung saan ang kompanya ni Blaze. Halos lahat ay alam kaya pumili nalang ako sa kanila. Habang nasa biyahe ay iniisip ko na kung magugustuhan niya ba ito?
Siguro kasi luto ko ito, kasi kapag hindi niya nagustuhan ay iiwan ko siya...charrr, ang lakas kasi ng kapit niya.
Paano kapag kumain na siya? Hmmm..bahala siya dapat sabayan niya ako, hindi pa ako kumakain kaya...
Nasa harap na kami ng kompanya ni Blaze kaya lumabas na ako, binuhat ko ang mga dala ko. Gusto pa sanang tulungan ako ni kuya ay hindi na, kaya ko toh....
Pumasok na ako at agad kong tinanong ang floor kung saan nandoon si Blaze.
"Ma'am, strictly pong pinapasabi sa amin ni Mr. Frederick na hindi kami magpapapasok ng kung sino-sino lalo na at wala naman po kayong appointment."
Napakunot ang noo ko ng pinasadahan niya pa ako ng tingin at ang dala ko rin bago umiling.
Aba...makakakita to ng mga star sa taas ng ulo niya kapag ginawa niya pa iyun.
"Ms, kailangan kong puntahan ang ASAWA KO kasi sabay kami kakain ng tanghalian at saka nagluto ako para sa amin ng ASAWA KO.."
Kita ko ang gulat sa mata niya at kalaunan ay bigla siyang tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko.
"Ms kung sino ka man ay nakakatawa ang biro mo, siguro nga ay kasal si Mr. Frederick pero miss paano kami maniniwala sa iyo dahil maraming babae na ang gumawa ng tactics mo....guard!!" sigaw nung babae kaya napatingin ako sa likod ko ng makita kong alertong nagsilapit sa akin ang mga guards.
Agad akong naalarma kaya agad kong kinausap ang babae.
"Binalita ang kasal namin diba, i-search mo! Daphne Alexis Monteverde Clarkson-Frederick.."
Agad kong sabi sa babae, halos nakatingin na sa amin ang mga tao rito.
Hinawakan ang braso ko ng mga guards at hinihila na ako palabas.
"Guards!" sabi ng babae at nakataas pa ang kamay niya habang nakatingin sa cellphone nito. Agad na binitawan ako ng mga guards at tumingin sa akin ang babae
"P-Pasensiya po Mrs. Frederick, samahan ko na po kayo sa office ni Mr. Frederick, uy ikaw buhatin mo yung dala ni Mrs. Frederick!"
"No, kaya ko ito, sabihin mo nalang sa akin kung saang floor ang office niya.."
Agad namang sinabi sa akin nung babae kung saang floor ang office ni Blaze bago ako hinayaang pumunta doon.
Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng pinto ng office ni Blaze, marami pa akong pinagtanungan bago ako nakapunta dito.
Ang awkward naman kung kakatok pa ako kaya agad na akong pumasok.
Nakasalubong ko doon ang isang babaeng busy sa kakatingin ng mga papeles at parang hindi pa ako namalayan. Napatingin ako sa malaking mesa at may plate na nakagay doon.
Ang pangalan ni Blaze at ang position niya sa kompanya.
Bakit wala rito si Blaze?
Napatingin ako sa babae na ngayo'y nakatingin din sa akin at nakakunot ang noo.
"Sino ka?"
"Amm...hinahanap ko si Blaz--Mr. Frederick kasi ano..."
Napahigpit ang paghawak ko sa dala ko.
"Miss, tinatanong kita kung sino ka? By the way, ako ang Secretary ni Mr. Frederick kaya ngayon, miss sino ka huh?"
"Ikaw si Katie.." banggit ko sa pangalan niya. Kita ko ang gulat sa mukha niya, tumayo ito at lumapit sa akin bago siya nagsalita.
"Miss kong maid ka ni Mr. Frederick ay dapat sa mga assistant mo yan binigay yang dala mo at saka maraming pagkain dito, sige alis na!!!"
"No! Hindi ako aalis, nasaan si Blaze?!"
"Abat tinawag mo sa pangalan ang amo mo?!"
"Oo pake mo ba?!"
"You!!"
Sasampalin na sana ako ni Katie ng may magsalita sa harap namin.
"Anong nangyayari dito?!"
Blaze......
BINABASA MO ANG
CS4: My Possessive Husband
General FictionClarkson Series 4.. DAPHNE ALEXIS MONTEVERDE CLARKSON Beautiful... Sexy... Rich.... Party girl... Ganyan siya ilarawan ng mga kaibigan niya at ibang mga tao. Pero sa pamilya niya ay siya nalang ang naiiba. Lagi siyang sinasabihan na..'Kailan ka mag...