Uniform ng Harriam University nasa taas ang picture.. Don't mind the girl and thank you sa mga sumusuporta sa story ko!
**Kris POV.**
"Huhuhuhu! Ang pangit ko na!" Rinig kong sigaw ni Nicka sa loob ng kwarto..nasa sala na ako ngayon at inaayos ko nalang ang bag ko at naka uniform na ako ngayon "bes! Pangit na ba ako?" Tanong ni Nicka sa akin ng lumabas ito sa kwarto at tinawanan ko naman ito
"Matagal ka ng pangit! Ngayon mo lang narealize?" Biro ko dito
Kahapon kasi may dumating na lalaki dito at taga barber daw sya at nagulat naman kami na gugupitan nya daw kami at todo tanggi naman si Nicka kaso nasa rules rin pala yon kaya ito naka korean cut na kami at wala na ang hanggang ilalim ng tainga naming buhok
(Yong buhok nila katulad ng nasa pic ng lalaki)
Pero ok lang sa akin..ganda ko parin naman..lumapit na ako sa salamin at tiningnan ulit ang sarili ko..bagay na bagay sa akin ang uniform kasi matanggad ako.. white na polo with black necktie at short na above the knee, kaya kitang kita ang makikinis kong binti
'Maglaway sila!'
Tumingin naman ako kay Nicka at nakasimangot ito
"Hahaha wag kang mag-alala bagay naman sayo..at maganda ka parin" sabi ko dito
"Talaga? Maganda parin ako?" Tanong nito
"Oo naman! Hindi nayon mawawala.. kaso mas maganda nga lang ako!" Biro ko dito at hinampas naman ako nito
"Puti lang ang lamang mo!"
"Kaya pala pinipilahan ako!" Balik ko dito
"Edi ikaw na!" Inis nitong sabi at napatawa naman ako at sinakbit na namin ang aming bag
"Bakla tara naaa!! Lagi na lang ikaw ang huli!!" Inis kong sigaw kay Marco
"Maka sigaw naman to! Ano ako na sa kabilang baryo?" Inis nitong sabi
"Ang shogal mo naman kasi..tara gora na tayes!" Yaya ni Nicka at lumabas na kaming tatlo at inabot ko narin ang mga susi nila..humingi kami kahapon ng extra susi sa PO
Nagsimula nang maglakad yong dalawa at lumapit muna ako sa kabilang dorm baka kasi nandito pa ang Mr. Right ko..nilapit ko ang tainga ko sa may pinto
'Walang maingay!?'
Umayos na ako ng tayo at siguro wala naring tao doon dahil wala ng maingay at 6:40 narin naman 7:15 ang start ng klase at napatitig nalang ako sa pinto
"Hoy! Bakla tara na! Baka kausapin ka jan ng pinto!" Sigaw ni Nicka
"Nanjan na!" At tumakbo na ako papunta sa kanila pagkalabas namin ng dorm ay bumungad agad sa amin ang napakadaming tao at karamihan sa kanila mga YUMMMMMYY!
"ohh! tukso layuan mo kami!" Sabay naming sabi ni Nicka at nagkatinginan kami dalawa at nagyakapan
"Bes! Hindi ko kayang hindi sila sunggaban!" Sabi ko kay Nicka
"Huhuhuhu ako din bes! Baka himatayin ako mamaya sa kakapigil!" Sabi rin nito sa akin
"Kaya mo bang maging janitor bes?" Tanong ko dito
"Ayaw ko!" Sagot nito at may pa iling iling pa..umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ito sa dalawang balikat
"Ok bes! Kaya natin to! Tiis ganda muna tayo! Limang araw lang to..at pagdating ng sabado babawi tayo!" Sabi ko dito at tumango naman ito..bumuntong hinga naman kami "ready ka na ba sa tukso?"
"Ready na!"
"Lezzzgoo!" Sigaw namin dalawa at tuluyan ng lumabas
"Wait si Marco pala?" Tanong ko kay Nicka
"Ha? Oo nga no..nandito lang yon kanina sa tabi ko eh!" Sagot nito at nilibot naman namin ang paningin namin "AYON!" at napatingin naman ako sa tinuro ni Nicka..at ang gaga nakikipaglandian na at nakita naman naming nag shake hand ang dalawa
"Knowing each other palang sila" bulong ko kay Nicka
"Malamang! Kakapasok palang natin dito!" Banat nito sa akin
"So namimilosopo ka?" Tanong ko dito sabay sundot sa tagiliran nito
"Hahaha joke lang! Hindi na!" Sagot nito habang umiilag sa pagsundot ko
"Ha ano! ano!"
"Hahaha ayaw ko na!" Sigaw nito at tumakbo na ng mabilis at hinabol ko naman ito
"MARCO TARA NA!" sigaw ko dito habang tumatakbo.. nang mapagod na kami..Dumaan muna kami ni Nicka sa canteen at bumili ng tubig at nag retouch narin kami sa cr, tamang pulbo lang kami at kaunting lip tint baka masita kami eh.. si Marco naman ay nauna na sa room namin at alam mo kung sino kasabay? Yong kaninag lalaking kausap nya..
Inayos na namin ni Nicka ang gamit namin at lumabas na ng cr
"Ahhh!" Angal ni Nicka ng may bumunggo sa kanya paglabas namin ng cr at napatumba ito
"Nicka!" At agad na nilapitan ko ito
"Whhooo! Girls narinig nyo yon? Nicka daw oh hahahah may bago nanaman palang bakla dito!"
Inalalayan kong tumayo si Nicka at tumingin naman ako sa nagsalita at halata mo sa paggalaw nila na mga bakla ito
'Pati ba naman dito may kaaway kami!'
Sabi pa naman ni mommy wala kaming magiging kaaway dito..wala ngang girls may gays naman..at ang nakakainis pa hindi man lang nilagay sa rules na NO BULLY pero yong NO KISSING meron.. pero ok lang ano tingin nila samin nagpapa-api
Dahan dahan naman akong lumapit sa bumunggo sa kaibigan ko
"Hoy! Silikonadang bakla!" Tawag ko doon sa matabang bumunggo sa kaibigan ko "kita mong boyband yang katawan mo paharang harang ka sa daan! Kala mo naman kong sinong kagandandahan mukhang katol naman ang pagmumukha!" Banat ko agad dito at nagsihawakan naman sila sa kanilang dibdib at arting nagulat sila
"Boyband ka daw sis!" Sabi nong isa nyang kaibigan at sinamaan naman nila ako ng tingin
"Bakit? Totoo naman ah! Tingnan nyo nga yang kaibigan nyo! Sing taba ng baboy! Kulang nalang magsitanggalan lahat ng butonis nyan!" Sabi ko ulit dito
"Hoy! Umayos kang bakla ka! Kabago bago mo palang nagtatapang tapangan ka na!" Sigaw naman sa akin ni boyband
Nag cross arm naman ako sa harap nito "anong gusto mong gawin ko? Magmakaawa sayo? Lumuhod sa harap mo? Hahahaha KING-INA MO!" Sigaw ko dito..tinuro turo naman ako ni boyband sa mukha
"Magkikita pa tayo! Humanda ka!" Inis nitong sabi at nag walk out na silang apat may pa kembot kembot pa
"Sige maghihintay ako! Pero sana mag diet ka naman!" Sigaw ko dito at sinaman naman ako nito ng tingin at umalis na "hahahah buset na bakla na yon!..ano ok kana?" Tanong ko kay Nicka
"Hahaha ok na ako!" At nag ok sign naman ito "grabe ka kanina ha! Parang sasabog na sila sa inis lalo na yong matabang bakla" sabi nito
"Hahaha si boyband! Tangina sya eh! Tara na! Malapit na mag bell..malalate pa tayo dahil sa kanila!" At naglakad na kami papuntang room namin
Nang marating na namin ito ay agad na kaming pumasok at nakita naman namin si Marco sa may dulo at katabi nya yong lalaking kasama nya kanina pa at naglakad naman kami papunta doon at umupo kami sa unahan nong dalawa at katabi ko si Nicka at nasa may bintana ako..tumingin muna ako sa relo ko at 7:10 na malapit na mag start ang klase
Nakahalumbaba lang ako sa lamesa ko ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang kaakit-akit na lalaki...walang iba kundi si Dave ang Mr. Right ko
'Pakshit!'
Siniko ko naman si Nicka
"Ano ba? Bakit?" Tanong nito
"Lumipat ka dali!"
"Ha bakit?" Tanong ulit nito
"Basta lumipat ka-- dito! Dito ka sa unahan ko dali!" Sabi ko dito at tinulak tulak pa ito
"Buset kang bakla ka!" At umalis rin ito at napansin ko namang nililibot ni Dave ang paningin nya..naghahanap ng mauupuan
'Hehehe psst! Dito oh meren hehehe!'
At napansin nya nga ang bakante kung upuan at dahan dahan na itong naglakad palapit sa pwesto ko
'YESSS!'
Dahan dahan parin itong naglakad at bigla namang may sumingit sa kanya
"Ops! Dito ako hahaha..tol dito ka oh" sabi nong lalaking umupo sa tabi ko at tinuro nya naman ang tabi ni Nicka
'AHHHHH NOOOOO!"
inis ko namang tiningnan yong lalaking tumabi sa akin at ngumiti lang ito
"1 point hahahah" biglang sabi nito
"Ops! naunahan kita pre! Hahaha" napatingin naman ako sa nagsalita at alam kong kaibigan rin nila yon eh..naghanap nalang ulit si Dave at nakakita naman ito malapit lang rin sa pwesto ko..bakit kasi ang bagal nya
Napayuko nalang ako sa lamesa ko sa sobrang inis
"Hoy! Umayos ka ng--"
"Ugh! Wag moko kausapin! Sapakin kita jan eh!"
"Tsk! Taray!" Sabi nito at umayos na ako ng upo at sinamaan ito ng tingin at nilapit naman nito ang mukha nya sa akin
"Bat yon? Ang ganda mo parin kahit galit ka?" Tanong nito at bigla namang nang-init ang mukha ko
"S-shut up!" At yumuko ulit ako
------------
Boyband -- lalaking sintaba ng baboy
Thank u for reading my story!! Please don't forget to vote and leave comment...
And I Hope you like it...labya😊😘