Sa mga lumipas na araw ay naging abala kami ni Jon. Siya ay panay ang ensayo dahil papalapit na rin kasi ang kanilang games. Ako nama'y busy rin dahil ilalabas na namin ang summer edition clothes namin.
Hindi ko alam kung pang-ilang tao na rin ang nakausap ko, I was busy today checking everything dahil ayokong may pumalpak.
"Ma'am, remind ko lang po mamaya na po ang final checking ninyo po for the pictures na ilalabas at ipiprint natin as billboards and pictures on our different branches," paalala ni Cynthia.
Tumango lang ako at lumabas na rin ito pagkatapos. Naupo muna ako sa aking upuan at sandaling tumingin sa view sa labas, I still have a long day to go. Mabuti nalang at may kakaonting oras pa ako upang magpahinga.
I was about to close my eyes nang nakarinig na naman ako ng pagkatok, napaayos ako ng upo at napayapa ng makitang ang assistant ko lang ito ulit, she is now smiling and holding some flowers.
Dahan-dahan niyang inabot sa akin ang bulaklak. It was a bouquet of roses. I reached for the card at halos tumalon ang puso ko ng mabasa ko ang nakasulat dito.
Princess,
Hope you're having a beautiful day, just like you. I miss you.
Keep safe always.
Jon.
Hindi na mawala ang ngiti sa aking labi at tila nawala ang pagod ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko upang maitext si Jon.
To: Jon
I have received the flowers. Thank you for making me smile.
Ganito madalas ang nagiging routine naming dalawa. Well, his effort is really overflowing lalo na't madalas ang pa-surprise effect nito.
Kahit madalas ay pagod na kaming dalawa sa kanya-kanyang gawain ay nagagawa parin naming mag-usap. So texting and video calls has been the ways we had to communicate on a daily basis.
Usually weekends na kami nagkikita so that the both of us can have some catching up time. Then kapag may extrang oras siya ay nasusundo niya ako sa trabaho at nakakapagdinner kami together, pero minsan lang yan mangyari.
I don't mind at all. Ayoko rin naman masyadong magdemand... and okay, nahihiya rin ako. I'm not just comfortable in the fact that hindi ko pa siya sinasagot pero marami na kaagad akong gustong mangyari, marami na kaagad akong hinihiling etc.
Itinabi ko na muna ang bulaklak at dumiretso na sa conference area. Ako nalang ang hinihintay pagdating ko kaya nakapagsimula na rin kami agad.
The different team heads started discussing and reporting kung gaano kami kaready sa ilalabas namin. I was just listening intently...
"Thank you guys, job well done, Miss A will soon send her picks," biglang sabi ni Brylle kaya't natigil ang pagtingin ko sa litratong nakaflash sa projector screen.
Nalipat ang atensiyon ko sa mga tao sa paligid ko. I came back to reality... I think the meeting is done. Nagtayuan na ang aking mga staff at nagpaalam sa akin. Kita ko ang pagtago nila ng pagkalito sa kanilang mga mukha.
I immediately tried to smile at them at pagkalabas nila ay doon ko lang naramdaman ang hiya. "Aish, what happened?" Bulong ko sa sarili ko.
At nasa harap ko ang sagot, Jon.
His pictures are flashed in the screen. It was the ones we took at Laiya. I think I was drawn too much from his pictures kaya nawala ako sa sarili... This is weird.
Napatakip nalang ako sa aking mukha ng marealize na sobrang tagal kong tinignan at tinitigan ang mga picture niya kanina. Wala akong magawa kundi umiling dahil hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. So unprofessional.
Nakalimutan ko saglit ang kahihiyan ko nang napatingin ako sa gilid at nakitang hindi nagsasalita ang kasamang si Brylle. Kanina pa ito tahimik, I was expecting that he would tease me right on this very moment.
"Bry, okay ka lang?" Tanong ko sakanya. Tumango lang ito at umambang bubuksan ang pinto upang makalabas na siya.
"Galit ka 'ba sa'kin?" Diretsang tanong ko at huminto ito.
Napansin ko kasi ang pag-iwas nito sa akin this past few days. Hindi niya ako kinakausap kung hindi work-related. And that's unusual of him. Unusual na hindi siya nangingielam sa buhay ko.
"Nope... Don't overthink," simpleng sagot nito at ngumiti. Lumabas na rin ito ng conference room nang hindi manlang ako hinintay. I need to talk to him regarding that, I think something's bothering him.
My day is not yet done. I was busy fixing my things ng may tumawag. Agad ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Jon.
"Hello? Pauwi ka na?" My heart jumped upon hearing his husky voice. Naalala ko nanaman tuloy ang mga pictures niya kanina, nag-flash muli ito sa aking isip.
"Gwapo mo," wala sa sarili kong nasabi at naarealize ko nalang ang kamalian nang narinig ko ang kanyang mga pagtawa.
"I-I'm now fixing my things. How about you?" Pagbawi ko bigla.
Hirap parin talaga akong sabihin sakanya yung mga bagay na supposed to be ay nababanggit ko kaagad. I want to compliment him, pero nahihiya ako. Gusto kong magrequest sakanya, pero nahihiya muli ako.
Inayos ko nalang muli ang mga gamit ko upang after ng tawag ay makababa na rin ako. Kinuha ko na rin ang make-up ko upang makapagretouch.
Napangiti nalang rin ako dahil panay parin ang pagtawa niya. "Thanks for the compliment, ikaw rin, you're beautiful," sabi nito ng makarecover na sa sinabi ko.
Napahawak ako sa aking mga pisngi... I want to see him so badly... I miss him.
"I miss you," diretsang sabi nito.
Nagulat ako't muntik ko na tuloy mabitawan ang cellphone ko. Heto ako't nahihiya at hirap na bumwelo sa mga gusto kong sabihin pero siya'y nagagawa niyang sabihin ito ng diretsahan.
Kung dati siya ang unexpressive, bakit ako na ang nahihirapan ngayon?
"I can't wait to see you again... I'm sorry I can't fetch you again," malungkot na sinabi nito.
He's always sorry that we can't see each other everyday. Alam kong gustong-gusto ni Jon na araw-araw kami magkita, kahit ako rin naman ay sabik pero hindi ko siya pinayagan.
Again, I don't want to demand him to be with me 24/7 lalo na't he's pursuing his passion. Ayokong maging distraction niya. Tsaka sa Manila pa ang trainings nito, masyado itong mapapagod sa biyahe if he will go to Bulacan every now and then to fetch me in my office.
I sighed, "Here you go again with the sorry line... Okay lang sa akin, Jon. I don't want to be a burden, you should focus first there."
"You're not a burden," seryosong sabi nito. I can imagine his cold eyes from here. "Pupunta ako diyan to prove you."
Ayan na naman siya, ayokong magkarason kami para mag-away so I'll try my best na wag na itong papuntahin, "Wag mo masyadong i-overwork ang sarili mo. I can wait... I waited for six years right?"
Matagal bago ito sumagot. For sure nakangiti na naman ito.
"Pero princess, I'm the one who is pursuing you... I was the one who wanted this. It won't work if mahihiya ka lagi. Kaya wag kang mahiyang sabihin ang kahit ano sa akin. Request everything, tell me everything you want."