Marion's POVTumingin ako sa likod namin at hinila sila Filie at Claudia para tumakbo, pero may mga taong naglakad papunta sa direksiyon namin sa likod nang sinubukan naming tumakbo.
"I mean no harm, all I need is her," sabi ng lalaking may pasimuno ng lahat at kalmadong naglakad papalapit saaming tatlo.
Pero bago pa siya makalapit ay hinila ko na sila Filie at Claudia para pumunta sa isa pang pasilyo kung saan pumunta si Jay. Habang tumatakbo kami at bumitaw na sa'kin sila Filie nang matisod ako at tumama ng malakas ang tuhod sa kongkretong sahig, dahil sa sintas kong nawala na sa pagkakatali.
Papalapit na ng papalapit ang mga tawanan at mga boses sa likuran namin. "Tulungan niyo ako! Bilis!" Sinigawan ko sila nang nakatulala lang silang nakatayo at nakatingin saakin. Ano bang ginagawa nila? Tumayo lang diyan magdamag hanggang maabutan kami ng mga mamamatay tayo na mga baliw na iyon?
Bakit hindi pa nila ako t-tinutulungan?
Sinubukan kong tumayo– hindi, pinilit kong tumayo nang hindi pa nila ako tulungan, pero tila mas masakit pa iyon sa tama ng bala sa tagiliran ko. Kalokohan! "Pambihira naman o!" Inis na sigaw ko at bumagsak ulit sa sahig na nanlulumo.Mas lumakas na ang tawanan at mga boses sa likuran namin kaya mas lalo lang akong kinabahan. "Ikaw ang kailangan nila Marion," sabi ni Claudia at hinawakan ang kamay ni Filie.
A-Anong ako ang kailangan nila? Wag nilang sabihing papabayaan nila ako ditong mag-isa!
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at hindi makapaniwalang tinignan sila. "Hindi nila kami papatayin kung makukuha ka nila, o dikaya ay pakakawalan na nila kami kung makukuha ka na nila," pagpapatuloy ni Claudia at malungkot na tumango naman si Filie sakanya.
"Hindi! Kahit mahuli nila ako ay papatay parin sila nang papatay!" Pilit kong paliwanag sakanila pero hindi na nila ako pinakinggan at sabay silang nagpatuloy sa pagtakbo, habang ako naiwanang mag-isa sa pasilyo.
T*ngina! Mga makasarili! Hindi ko na din naman sila kailangan! Mura ko sa isip ko habang patuloy na gumagapang paalis umaasang hindi nila ako makuha at patayin, pero tila wala sa tabi ko ang swerte nang maramdaman kong may humawak sa kanang paa ko at hilain ako papalapit sa kanila, nang mahila na ng tuluyan ay hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.
"Sawakas! Nahuli 'rin kitang babae ka!" Ani ng lalaking naka-maskara at parang demonyong tumawa kasabang ng mga alipores niya sa likuran. Bakit ba nila kami pinapahirapan ng husto? Ano ba'ng kailangan nila saamin?! Wala akong natatandaang ginawang masama sakanila, ni hindi ko nga sila kilala!
Natigilan ako nang may marinig akong pamilyar na tawa mula sa likod nila, nang mapatingin ako sa gawing iyon ay napaawang ang labi ko sa gulat.
H-hindi p-puwede! Hindi maaari!
Pati narin siya ay nagawa akong pagtaksilan ng ganito? Hindi ko namalayan na nag-uunahan na palang kumawala ang mga luha sa mata ko."Ano Marion? Anong pakiramdam mo? Salamat at natamaan kana ng karma mo," sabi niya at ipinag-krus ang magkabilang braso.
Nag-igting ang panga ko nang nagawa niya pang tumawa sa kabila ng nagawa niya.
"Taksil, traydor, peke, walang kwenta, walang pakiramdam, whatever you call it," aniya na lumapit sa'kin at hinawakan leeg ko ng mahigpit hanggang sa magirapan na akong huminga.
"H-Huwag, Jim! B-Bitawan m-mo a-ako h-hindi na a-ako mak–kahinga.."
A/N
Hahaha buti nawala na writers block ko dahil sa pagbabasa ng mga horror books LOL ewan ko ba.
❤️ please vote/ comment/ share! ❤️
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...