Seven

1 0 0
                                    

Read at your own risk.






Binigyan nya ako ng isang shot ng Gold Label. Kahit nagtataka ay kinuha ko iyon sa kanya.

"Kamusta?" malamig na boses ang kumawala sa kanya.

"Better?" ngiting sabi ko at shinot ang binigay nya.

"High school ka lang diba?" tumaas ang kilay ko.

"Oo, bakit?" Takang tanong ko.

"Bakit alam mo yun? Bakit ang lakas mo mag inom?" natawa naman ako.

"Bakit? Pag high school bawal mag inom?" natatawang tanong ko.

"Too young for that" sabi nya. Hindi nalang ako sumagot sa kanya. Aminado akong mukha akong bata. Binigyan nya ako ng isang shot.

May hinila syang babae at mabilis nyang hinalakin iyon. Nagulat pa ako sa nagyari.Aalis na sana ako ng hinawakan nya ang pulusuhan ko.

"Stay"  sabi nya at muling nakipaghalikan sa babae.Bigla akong naramdaman ng inis! Bumitaw ako sa pagkakahawak nya, pero mahigpit ang pagkaka kapit nya.

"Bitiwan mo ako!"

"Stay" what the .. stay?! Ano ako aso? Pwersahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya. Gago, gustong tumigil ako doon. Anong gagawin ko doon? Manonood ng porn? Buset!

Inis akong napainom ng alak.

Kinabukasan! Sobrang sakit ng ulo ko, madami akong nainom. Ala sais na ng hapon ako nagising. Bumaba ako dahil nakaramdam na ako ng gutom!

Nadatnan ko si Greyn na bihis na bihis.

"Saan punta?"

"Secret" sabi nya at kinindatan ako.Pumunta ako sa kusina, walang pagkain! Magluluto sana ako kaso gutom na gutom na akoo!

Pumunta ako sa kwarto ni Ajah pero wala sya doon. Tangina naman oh, bumalik ako sa kwarto para mag toothbrush at kunin ang susi at wallet ko. Sa labas nalang ako kakain. Hindi na ako nag abala maligo dahil kakain lang naman ako mag-isa.

Naisipan ko nalang kumain sa karendirya. Pinark ko ang sasakyan ko sa tapat ng generic.

Madaming napatingin sa akin habang tumatawid. Masyado daw kasi akong maganda. Naka over sized shirt ako na kulay dilaw,short na maikli at jordan na stinelas, inipit ko lang basta ang buhok ko. So para akong pokpok. Magandang pokpok.

Nag order ako ng bicol express at dalawang kanin. May naririnig akong sumisit pero dedma, nalamon ako.

"Bakit ba nakasimangot ka?!"

"Tss, wala na to. Tinamaan na"

"Ate, isang menudo at dalawang kanin nga, salamat"

Napatigil ako sa pag nguya ng pamilyar sa akin ang boses na yun!

"Tumabi ka nga!" sigaw nya. Narinig ko ang ilan tawanan ng kaibigan nya.

Dahil wala naman ibang bakante kundi sa halera ko lang, tapat sa tindera. Wala sana akong balak magpakita sa kanya, pero mukhang impossible. Napatingin sya sa gawi ko.

"Mayee?" malumay na boses ang narinig ko. Biglang may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko!

Lumingon ako sa kanya na nakangiti. Bigla syang ngumiti at lumapit sa akin.


"Sorry!" sigaw nya. Kumot-noo ako. "Kagabi" dugtong nya, dahan dahan akong tumango.

"Okay lang, mukhang lasing ka na non eh" natatawang sabi ko. Naiilang lang syang umiwas ng tingin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forever Not ForeverWhere stories live. Discover now