Where’s Ason? Kakarating lang ng mga kamag-anak ni Madam Dina bago niya namalayan na nawawala si Ason. Kahit sina Aling Lorna at Mang Tiban ay hindi makapaniwala sa malagim na nangyari. She seems self-conscious in a way of answering their uncertainty question about 'What is really happening?'
Si Ason na rin ang nag-abalang sagutin ang mga katanungan ng mga pulis sa nangyaring insidente. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata nila Aling Lorna at Mang Tiban. Noon kasi’y nangako siya sa mga ito na aalagaan niya at hindi iiwan ang matanda ngunit anong nangyari ngayon? Simpleng pangako ay hindi niya natupad! Ang tanga niya! Dapat hindi na lang siya umalis ng gabing iyon! ‘Ang tanga mo Claire!’sigaw ng isipan niya. Sa dami nang nagdadalamhati sa pinakamamahal niyang Lola. Mas minabuti niyang lumayo at mag-isip-isip ngunit makakapag-isip ba siya ng matino matapos ang nangyari? Palakad-lakad lang siya sa kahabaan ng pasilyo ng hospital habang pinapalaya ang mga luhang pinipigilan niyang ilabas kanina pa.‘Why aint me? Bakit si Lola pa?'protesta niya sa isipan habang nakatingala sa kalangitan.
Nasisilaw siya sa sobrang liwanag bago niya nahagip ng tingin ang pamilyar na reboltong nakikita niya sa di-kalayuan. Kinusot-kusot ang sariling mga mata bago napatingin ulit sa direksyon na iyon. Tila hindi makapaniwala sa taong kanyang nakita. Pagkatapos ng maraming taon na lumipas ay makikita niya ito. ‘Tita Sophia!’ Pakiramdam niya’y tumatambol ang puso niya sa sobrang kaba ng nararamdaman niya. Lalo na nang makita niya si Ason at ang isa pang lalaki na hawak hawak ang Tita Sophia niya. Tila pinahihirapan ng mga ito ang Tita Sophia niya at mga pulis. ‘Bakit? A-anong nangyayari?’
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya naisipan na lumapit sa gawi ng mga ito. ‘Alam kaya ni Ason na Tita Sophia ko ang babaing nasa harapan nito ngayon?’
She moves fast closely to reach her particular point. At bahagyang natigilan kung magpapakita ba siya o hindi? Mas minabuti na lang niya na magtago sa isang poste at mag-obserba kung ano ba talaga nangyayari. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga pawis niya mula sa kanyang noo. Habang pilit na pinapakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
“Wala akong kinalaman sa mga ibini-bintang ninyo sakin! Hindi ko mga kilala ang mga taong pumatay sa matandang yun!”
‘Bakit nila pinag-bibintangan si Tita?’her mind protests while observing them in behind.’Ason! Wag ka maniwala sa kanila. Mabuting tao ang Tita Sophia ko! Siya ang Tita ko!’parang gusto niyang isigaw sa mga ito.
“Nakapag-confess na sila. At wala ka ng magagawa dahil ikaw ang tinuturo nilang master-mind!”assure's the policeman upsetly.
‘Hindi ko na 'to kaya!’himutok niya sa sarili habang nakikinig sa isang tabi. Dali-daling umalis siya sa may poste at walang-sabi-sabing sinampal ang pulis na nagsabing mastermind ang Tita Sophia niya sa pagkamatay ni Madam Dina. Gulat na gulat sina Ason sa ginawa niya. Kahit ang Tita Sophia niya ay nagulat sa bigla niyang pagsulpot.
“Cl-Claire?”si Ason
“Hindi kriminal ang Tita Sophia ko! Wala kang karapatang sabihin ‘yan. Wala kang karapatang sabihin ‘yan!”
Todo-todo ang paghampas niya sa dibdib ng pulis na iyon na iniiwasan ang ginagawa niyang pananakit dito.
“Miss----ano ba!”
As a surprised, she felt a strong strength that draws her arm and forced her to submit to it’s massive chest, unexpectedly. Tila pinapanatag nito ang kanyang kalooban upang hindi maging hysterical. Tumingala siya upang alamin kung sino ang pangahas na iyon. At hindi siya nakasalita nang makita ang mukha ni Ason at awang-awa sa ginagawa niya. Tila sinasabi ng mga mata nito na totoo ang mga pulis ngunit sa kabila niyon ay para bang mas inaalala nito ang ikinikilos niya.
“A-ason. Wa-walang ka-kasalanan si Tita Sophia. Wa-wala siyang kasalanan. Siya ang nag-iisa kong pamilya dito sa mundo. Wala siyang kasalanan Ason! Pakiusap, maniwala ka!”she looked leisurely to a women she value in her whole life.
“Tita Sophia! Sabihin mo, wala kang kasalanan di ba? Wala di ba?”parang baliw niyang tanong habang nakamasid lang sa kanya ang mga pulis at si Ason. Masisiraan siya ng ulo kapag may kinalaman ang Tita Sophia niya sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...