CHAPTER 27

124 2 0
                                    

Chapter 27:

Max's POV

Hindi ako makakapayag na habang kami nababaliw kakaisip kung sino ang gagawa no'n sa kanya ang suspect ay malayang nakakagala sa labas. Naiiyak ako sa galit

"S-sino?" Nanghihinang tanong ko

Napatungo si Ate Pixie at humigpit ang hawak sa kanyang mga kamay, nag-angat siya ng tingin, kitang-kita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"E-Edward"

Tila namintig ang tenga ko at paulit-ulit ang pangalang kanyang binanggit. Hindi na ako makahinga ng maayos at unti-unting nanlalabo si Ate Pixie sa aking paningin.

"PAANO!!!" Hindi ko mapigilang magalit.

All this time? Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa mga nasayang na oras. 'yong oras na sana'y nagdurusa na siya sa kulungan imbis na makagala at dumikit sa akin.

"Then ano? Ano nang gagawin natin? Tatawag na ba tayo ng pulis ano?" Frustrated kong tanong

"Hey Max, calm down." Malumanay niyang saad

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan

"How can I calm down huh?" Hinawakan ko ang balikat niya at niyugyog siya "Ate sige sabihin mo! Paano ako kakalma!? Paano ako kakalma kung yung taong pumatay sa mahal ko ay malaya doon sa labas! and worst! Yung taong 'yon ang nanliligaw sa akin!!!" Nanghihina ako.

I saw how her lips parted and how her eyes widened. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. I feel so disappointed.... Si Edward, siya ang dahilan ng lahat!!! Siya ang may kasalanan.

Napaupo si ate sa sofa at nanatiling nakatingin sa sahig na para bang nag-iisip at pilit na tinatanggap ang mga sinabi ko

"I have a plan" pagputol niya si ilang sandaling natahimik kami

"What plan?" Nakita ko sa kanyang mga mata ang galit, ang nais na makapaghiganti at ang hustisya.

"You said that idiot is courting you right?" She asked

Tumango ako pero naalala ko na hindi kami maayos kahapon

"But.... We're not in good condition yesterday" nakita ko ang pag-ngisi niya

"That's great!" Aniya sa masayang tono. My forehead creased.

Is it great that we're not in good condition? Don't tell me....

"Yes" nag-angat ako ng tingin sa kanya at sa akin siya nakatingin

"Ikaw ang manunuyo, ikaw ang maghahabol" aniya habang nakatingin sa may pinto

Napamura ako sa isip ko, seriously? Never ko pang nagawang maghabol dahil sila ang naghahabol.

"And once na makuha mo na ang loob nya, you'll make him fall in love with you." Aniya at tinignan ako

"I knew their plan" their?

"What do you mean?" She lifted up her right eyebrow

"Azi already told me 'bout that"

Agad akong natigilan. Si Azi? Iyon ba ang gusto niyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi?

"Sinabi na ni Azi sa akin ang narinig niyong dalawa sa room na iyon" aniya at nagtungo sa kusina. Sinundan ko lamang siya ng tingin

Wala naman akong narinig sa paguusap na iyon, hindi ko alam kung ano bang narinig ni Azi dahil nga ayaw niyang sabihin sa akin

Bumalik si Pixie na may dalang wine at juice. Sa akin niya iniabot ang juice at sa kanya ang wine


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon