LIAM POV..
"Good morning sir , may naghahanap po sa inyo "
" Sino daw "
"Kaibigan mo daw "
" sige papasukin mo na "
Nandito ako ngayon sa club na pag mamay ari ko .
Sa sampung taon lumipas pinursige kong maka pundar ng pinapangarap kong bar.
At ito nga natupad ko ng hindi umaasa sa magulang ko . Umalis ako ng bansa kasama si Shame pumunta kami ng states .
Hindi natuloy ang kasal dahil nagawan ko ito ng paraan , naki usap ako kay Shame na hindi ko siya papakasalan pero lahat ng luho nito ibibigay ko.
Bigyan lang niya ako ng sapat na oras para makapag hanap ng maayos na trabaho .
Pumayag ito ngunit may isang kahilingan .
Ito ang kailangan kong makipag sex sa kanya kapalit ng kalayaan .
Tsk .ganitong klase ba ng babae ang gusto ng parents ko para sa akin .
Hindi ako pumayag sa gusto niya , akala ko titigil na ito pero humirit pa kung ayaw ko daw makipag sex what if mag dinner nalang kami .
Pumayag ako sa gusto niya kaya yong mismo gabi na iyon umalis ako nakipag kita agad ako kay Shame .
Sa hotel niya ako dinala , halos pagsisihan kong pumunta pa ako ang buong akala ko dinner lang pero may binabalak pala itong masama .
Nilagyan niya ng pangpatulog yung wine na iniinom ko .
At nagising nalang ako kinaumagahan wala na akong kahit isang saplot at ganoon din si Shame hubo't hubad ito .
Sa mga oras na iyon gusto ko siyang sakalin sa ginawa niya pero pinigilan ko ang sarli , babae parin ito kahit papano.
Pero ng magising ito sinabi sa akin na wala na daw akong Pearl na babalikan at ipinakita sa akin ang isang picture .
Kaming dalawa ito ni Shame na magkatabi sa kama .
Halos makyat lahat ng dugo ko sa ulo sa sobrang galit , namalayan ko nalang ang sarili na sakal -sakal ko na si Shame kung hindi lang ito umiyak hindi ko ito bibitawan .
Simula noon lagi nang naka buntot sa akin si Shame .
Nang nasa states kami naghanap ako ng kahit anong trabahong kaya ko .
Naging waiter ako , aasistant , dishwasher at naging online seller lahat pinatos ko .
Gusto kong patunayan sa parents ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa .
Ni isang kusing wala akong hiningi sa kanila .
Nagsikap at natiyaga ako , at hindi tumagal nakapag patayo ako ng bar dito sa Pilipinas at naibibigay ko ang luho ni Shame .
Pera , condo at iba pa, ako ang nagbibigay nito kapalit ng napagka sunduan naming dalawa .
" anong ginagawa mo dito "
" kailangan ko ng pera Liam "
Anak ng kakabigay ko lang ng pera kahapon tapos ngayon wala na .
Padabog kong kinuha ang cheke at nilagyan ito ng amount.
Pagkabigay ko ng pera agad itong lumabas .
Naiiling na inayos ko ang mga alak dito sa bar counter .
Tanghali palang ngayon kaya wala pang tao .
Nang masiguro kong maayos na lahat nagpa alam ako kay Sanjo
May kailangan pa akong gawin .
Si Sanjo ang kanang kamay ko dito sa bar kapag may importante akong inaayos .
Mapapagkatiwalaan naman ito .
Paalis na ako ng bar ng biglang tumunog ang selpon ko .
Kinuha ko ito agad at binasa kong sino ang nagtext .
-okay na pre napuntahan kona punta nalang ako mamaya sa bar mo para mapag usapan natin -
Text mula kay Kael .
Pagtapos ko itong mabasa isinilid ko na sa bulsa ang selpon .
At pinuntahan ko na ang motor ko kung saan ito naka park .
Kailangan kitang makita ngayong araw .
" iho bumalik ka , lalo ka atang pomogi ah "
Natatawang ani aling Rose .
Nginitian ko naman ito at nagmano .
" kukunin mo na ba iho , sumaglit lang ako dito para sabihin sa iyo na bukas na alis ko papuntang hongkong kaya ito na ang mga papeles naka pangalan na lahat sa iyo . Wala ka nang poproblemahin .
" maraming salamat po sa lahat mag iingat kayo "
Nag usal ako ng pasasalamat sa kanya .
Malaking tulong ang nagawa sa akin ni aling Rose
Bale nabili ko itong paupahan niya at ito mismong paupahan kung saan ako nakatira noong nag aaral pa ako .
Ang bahay na ito na maraming magagandang alaalang nabuo.
Alaala namin ni Pearl .
Kaya sobrang espesyal sa akin ang bahay na ito .
Kaya ng malaman kong ipinagbebenta ito ng may ari hindi na ako nag dalawang isip pang bilhin .
At ngayon ibang iba na ang itsura nito . Hindi na simpleng bahay paupahan lang.
Pina ayos ko ito ay mas pinalakihan pa nagmukha na ito isang malaking bahay .
Bahay kong saan ko gustong bumuo ng masayang pamilya .
Lahat ng pinangarap ko, bahay , business at iba nakamit kona isa nalang ang kulang ang maibalik ang babaeng kokompleto sa buhay ko .
Siya nalang ang kulang , lahat ng mga bagay at pera na meron ako para sa kanya ito . Nagsikap ako para pagbalik ko may magiging maayos kaming buhay .
Bubuo ng isang malaking pamilya, siya , ako at ang magiging anak namin .
Sisiguraduhin kong hindi masasayang lahat ng pinaghirapan ko .
Dahil sa oras na ito malaya na ako .
Malaya ng ituloy ang pagmamahalan na naudlot .
Oras na para bumawi at sana hindi pa huli ang lahat .
Pearl , sana hindi pa huli ang lahat sa atin .
I'll do everything just to win your heart again .
A/N: May pag asa pa kayang mabuo ang pagmamahalang naudlot ?😂
YOU ARE READING
COURTING MY FUTURE ONE
Teen Fiction"LAKAS !MO MANLIGAW KA BABAE MONG TAO, HINDI KABA NAHIHIYA " Ganyan sila madalas sakin , lagi nilang sinasabi na babae ako kaya dapat ako ang nililigawan at worst hindi ba daw ako nahihiya . Bakit ako mahihiya ? Sa panahon ngayon hindi na uso an...