Bitbit ko ang maliit na cake na binili ko para kay Emma. Pagpatak ng uwian ay agad akong lumabas para bumili ng cake para kay Emma dahil hindi nga ako nakapunta sa birthday n'ya.
Tinext ko si Mia na yayain si Emma sa promenade at antayin ako do'n.
Nakita ko silang apat do'n. Wala ang kupal kong ex. Buti na 'rin 'yun. Kanina ay tinext ako ni Mia na parang break na daw si Matt at si Chloe kasi wala 'daw si Chloe kagabi kala Emma. Hindi ko alam kung totoo ba 'yun.
At hindi ko alam kung bakit n'ya pa sinabi sakin e wala naman akong pake?
Nilapag ko agad ang cake sa harap ni Emma, nagulat s'yang napatingin sakin habang umuupo ako sa tabi n'ya.
"Sorry, ala una na kami natapos kanina kaya hindi ako nakahabol."
Binuksan ni Mia ang cake, napasimangot naman si Emma habang namumuo ang luha n'yang nakatingin sakin.
"Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba ng cake?"
Umiling s'ya at niyakap ako patagilid, "Na touch lang ako. Hindi mo naman kailangan bumili pa ng cake. Naiintindihan ko naman na mas mahalaga ang raket mo."
Tinapik ko ang braso s'ya at tumango, "Sige hindi na pala kailangan e," kinuha ko ang cake sa harap n'ya.
"Ana naman." hinampas n'ya ang braso ko.
"Ang arte mo nag birthday ka lang."
Tumawa sila Mia sa sinabi ko. Nanghirap naman sila Cj ng kutsilyo para hatiin ang cake para kainin naming lahat.
"Mukhang big time ka ngayon, Ana ah?" ngiting sabi ni Kiel.
"Malaki ang tip sakin kagabi." Ngiting sabi ko habang kumakain ng cake.
"Saan? Sa Club?"
Napatingin ako sa likod ng marinig ang boses na 'yun. Nakita ko ang nakangiting si Chloe sakin kasama ang dalawang pangit n'yang kaibigan sa likod.
"Baka naman, Ana. Libre naman jan, tutal malaki ang tip sayo kagabi." Malakas na sabi n'ya.
Sa laki ng promenade ay hindi lahat ay napatingin sa eksena n'ya, pero ang mga malapit samin ay napatingin sa eksena n'ya. Natahimik ang nakapaligid samin para pakinggan mabuti ang sinasabi n'ya.
Tumayo ako, napaangat ang tingin n'ya sakin dahil mas matangkad ako sa kanya. Tumaas ang kilay n'ya habang nakatingin sakin.
Aba ang tapang ah? Ang liit liit lang naman!
"Oo malaki ang tip na nakuha ko sa RESTAURANT na pinagtrabahuhan ko kagabi."
Tumawa s'ya at ang dalawang pangit sa likod n'ya, "Restaurant ba talaga? Or sa Club?"
Tumingin ako sa paligid at ngumiti, "Oo meron 'din sa Club kasi naging waitress 'din ako do'n."
Tumawa s'ya ulit at ang dalawang back up n'ya sa likod. Weak.
"Waitress? Akala ko pokpok ka katulad ng nanay mo?"
Napawi ang ngiti sa labi ko. Narinig ko ang sunod sunod na bulungan sa paligid namin. Naramdaman ko ang pag tayo nila Emma.
"Foul 'yun, Chloe." Rinig kong sabi ni Kiel.
"Para ka namang bata, Chloe!" singhal sa kanya ni Emma na hinawakan ang braso ko.
Inirapan ni Chloe sila Emma at tumingin sakin na nakangiti, "Oh, ano? Iiyak ka—"
Mabilis ko s'yang sinampal. Napasigaw ang mga tao sa paligid, nanlaki ang mata n'ya habang hawak ang- pisnge n'ya.
"Ang kapa—"
Sinampal ko ulit s'ya pera sa kabilang pisnge naman. Hinila ni Emma ang braso ko.