Aquaeshia Alcantara

17 4 0
                                    

Aquaeshia Alcantara's POV

Ako si Aquaeshia Alcantara. Sabihin mo Akweysya. Akweysyaaa. AKWEYSYA ANG BASA HA? Okay Very Good!

"Nasan yung isa naming baby? Twins ang anak namin e. TasyooO BabeeEe? Yung isang anak naten?" Nagkibit balikat lang si Tasyo kaya mas lalo pa kong nataranta.

"Nurse, nasa tyan ko pa ba yung isa? Hindi nyo nakuha?" Tinawanan lang ako nung nurse kaya mas nataranta pa ko ulet.

Niwwww. Tunog ng pintuan at pumasok ang isang nurse na may kargang baby.

Sumungaw kaagad ang tears of joy sa mga mata ko.

"San mo dinala ang anak ko, nurse? Pinasyal mo ba sya ng walang pahintulot mula sakin?" Napansin ko ang palihim na pagtawa ni Tasyo sa gilid ko. Siniko ko nga.

"Aray ko. Naligaw sya, nakita ko." Halos mabingi ako ng lumakas ang pagtawa nya.

Laugh of joy kaya yang ginagawa ni Tasyo?

"Naligaw po ako sa ibang room kaya nalate ako. Sorry phowzx." Sarap nyang batukan matapos syang mag ala chichay. Kung di lang masakit ang tahi ko baka nagawa ko na yon sakanya.

"At alam mo ba kung san sya naligaw?" Tinignan ko ng masama si Tasyo. Masayahin talaga sya ngayon.

"Hindi ko alam. Nakita ko ba ha?" Alam ko na kung anong sinasabi nya sa isip nya. Na kj ako at wala akong sense of humor.

"Pakarga nga kay Baby. Hmm. Baby ako si Dada! Pew pew pe pew." Nakakabaliw palang maging tatay.

Inabot naman sakin nung nurse ang isa naming baby.

"Parehas silang baby boy, Aqua. Anong ipapangalan natin sakanila?"

Ano bang pwede? Hmm. Gusto ko merong bi at bo sa pangalan nila. Para bibo sila paglaki nila. Hihi.

"Kahit ano basta may bi at bo. Mag-isip ka."

"Bii at Boo?" Nanginang ang mata ko.

"Ang talino talaga ng Tasyo babe ko. Okay. Simula  ngayon Bii at Boo na ang pangalan--"

"Hindi. Ayoko. Gawin nalang nating nicknames nila ang Bii at Boo." Napanguso nalang ako sa sinabi nya. Ede wag.

"Okay ba kung Bobby and Billy? o kaya naman Devi and Yibo?" Kaya mahal na mahal ko ang taong 'to e. Dahil bukod sa sya na ang pinakagwapong nakita ng dalawang mata ko, sobrang talino nya din. Ang bright talaga ng Tasyo babe ko.

"Devi and Yibo para medyo kakaiba Tasyo babe. Gusto ko yon." Ngumiti sya sakin sign na payag sya. Yey!

"Bii at Boo. Andito na si Dada! Pew pew pe pew. Eeeengggg!"

"Teka, hindi pa sila tapos--Arghhh! Tasyo babeee!" Napatapok nalang ako sa sarili kong noo ng magtatakbo sila palapit kay Tasyo babe.

Kumarga sila sakanya at napatawa nalang ako ng mapasibangot sya.

"Amoy pupu ang twins ko. Bii at Boo balik kay Mame." Nakatakip sa ilong nyang sabi.

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon