MARIE
ANG bilis lang nang pag-lipas ng araw dahil hindi naman ako masyadong natutuwa sa mga nangyayari sa loob ng classroom.
Paano ba naman kasi, napapansin ko na hindi naman pala talaga mabait yung adviser namin.
Ako lang ba nakakapansin?
Nung mga nakaraang araw kasi medyo hindi na kami pinapansin at lagi kaming pinagagalitan.
"Ang bwisit pala ni Sir hano?" Rinig kong bulong ng nasa likod ko.
"Oo nga eh, sa una lang mabait." Sang ayon naman ng isa pa.
Well, wala naman sanang makarinig non dahil hindi lang sila ang mananagot for sure, kasama rin kami.
Buti pa yung adviser nila Illa, sobrang bait at napakahilig magpatawa.
"May quiz kayo bukas about kay Icarus and Daedalus." Paalala ni Sir Henry bago niya kami pinalabas ng room.
Napapansin ko rin, hindi kami kaagad pinapalabas ni Sir dahil magagalit muna siya or may mga ipapaalala sa amin.
"Tangina naman kasi nung Zenry na 'yon." Ito kaagad ang naabutan ko nang makalapit ako kila Illa na naka-upo sa bench ngayon.
Alam ko na kung bakit 'to nag-aalburoto, dahil sa sing-sing niya na kinuha ni Zenry.
"Hayaan mo na, tutulungan kita." Sabi ko naman sa kanya kahit na medyo nahihiya ako kay Zenry dahil hindi naman kami masyadong close.
"Salamat, Yannie."
Para naman mabawasan yung nasa isip ni Illa, inaya ko silang kumain sa labas, syempre libre ko.
"Sobrang dali lang ng quiz kay Icarus and Daedalus, Yannie." Sabi ni Illa.
Nabasa ko naman na yung kaunti kaya napa-tango na lang ako sa sinabi niya.
"Sa tingin niyo, sino ang unang magkaka-jowa sa ating lahat?" Biglang tanong ni Liam. "Pwera lang kay Xie syempre."
Napa-tingin naman ako kay Illa na ngayon ay natahimik lang.
Walang sumagot sa tanong ni Liam.
Luh.
Natahimik tuloy.
"Feeling ko si Illa." Makaraan ang ilang sandali ay sagot ni Blythe.
"Luh." Medyo namumula pa si Illa.
Hmmm. "Ako rin." Dagdag ko sa sagot ni Blythe na mas lalong ikinapula ni Illa.
Siguro may napupusuan na 'to.
Nakita ko naman na nagka-tinginan sila ni Liam at sabay na natawa.
Baliw.
"Baka nga, kalabaw." Sagot ni Illa na tumatawa pa rin hanggang ngayon.
Napakamasiyahin nito. Napailing na lang ako. "Pero wala ngang halong biro, feeling ko si Illa."
"Baka ikaw, papasa mo pa sakin ha, Marie." Nakangisi ngayon si Illa sa akin.
Aba. "Hindi kaya, wala namang gwapo sa room eh." Depensa ko.
"Oh really?" Paninigurado niya. "Hindi ko naman tinatanong."
Oo nga 'noh?
Talaga nga naman, Marie. Ang tanga tanga mo.
"Malay mo naman sa mga kaklase ko diba?" Ani Illa.