DESTINY'S POV
Masama ang pagmumura 'di ba?
Pero nakakainis lang kasi eh. T*ngina talaga!
Humanda sa'kin ang magnanakaw na iyon kapag nagkita kami. Pagsisisihan niyang ipinanganak siyang may bayag!
Hayst.
Ako na siguro ang pinakamalas na tao sa buong mundo hanggang Mars. Bagong salta lang ako dito sa Maynila tapos ito pa ang nangyari.
Kawawa ko naman. Kailangan ko yata ng yakap ni Jungkook babes.
Ay, oo nga pala. Nasaan na ang mga gamit ko?
Mag-rewind muna tayo—
Nang kinuha ng magnanakaw ang cellphone ko...
Tumayo ako at sinubukang agawin sa kanya ang cellphone ko. Tama ba? Nakalimutan ko na kasi eh. Parang ikaw, nakalimutan na niya. Charot!
Pagkatapos...ano nga ba?
Naghabulan kami palabas ng bus at...
Watdapak?!!
NAIWAN KO SA BUS ANG MGA GAMIT KO!
Napasigaw ako sa inis.
Oo na, ako na ang shunga. Alam kong pinagtatawanan ninyo ako.
Eh, kung kayo ba ang nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin niyo?
Una, ninakaw ang cellphone ko. Ngayon, wala na rin akong wallet kaya mahihirapan akong makahanap ng apartment na maaari kong tuluyan. Hindi naman ako makakatawag kay mama dahil nga wala akong cellphone.
Kaya kailangan ko ng tulong niyo, ano ba ang dapat kong gawin?
A. Maglakad pauwi sa Batangas
B. Pumunta sa Police Station at humingi ng tulong
C. Ibenta ang katawan ko para magka-pera para makabili ng bagong cellphone
D. Habulin si kuya gwapo na pipi na pornstar na ipinaglihi sa Colgate at magmakaawa na manatili sa bahay niya
Ang hirap naman palang pumili. Parang exam namin sa EsP, multiple choices nga pero halos lahat ng sagot ay tama.
Uhm...
Sige na nga, kahit labag sa loob ko, ito ang madaling gawin.
Fighting!
"Hoy kuya! Ay, Zyden nga pala!"
Buti na lang at hindi pa siya nakakalayo. Ako daw ang mabagal, eh mas mabagal pa nga siya sa'kin.
"Zyden, yoohoo!!!"
Kahit alam ko namang nakatalikod siya, tumalon-talon ako at kumaway.
Pero hindi niya yata nakita.
"Zyden!!!"
At sa wakas, tumigil siya sa paglalakad.
Ginawa ko na itong pagkakataon para tumakbo palapit sa kanya.
"Ikaw na naman?" Bungad na tanong niya sa'kin nang makita ako.
"Bakit? May angal?" Panggagaya ko sa kanya.
"Oo, ayokong makita ka ulit."
"Ouch!" Hinawakan ko ang dibdib ko at hinimas-himas. May laman naman kahit flat. Hehe.
"Ang sakit mo namang magsalita. Ang gwapo mo sana." Pabulong kong sambit.
"Anong sabi mo?"
"W-wala, ang sabi ko, mabuti na lang at naabutan kita."
Katahimikan.
Walang kwenta talagang kausap ang isang 'to.
"Anyways," tumikhim muna ako. "Pwede bang makitira sa inyo?"
"Hindi kami tumatanggap ng pulubi sa bahay—"
"Pwede akong maging maid ninyo. Promise, magaling akong magluto." Pagputol ko sa kanya.
"Wala kaming maipapasweldo sa'yo—"
"Okay lang basta may matutuluyan ako pansamantala." Muli kong pagputol sa kanyang sinasabi.
Sinamaan niya ako ng tingin.
At dahil palaban ako, nakipagtitigan ako sa kanya.
"Hindi ka namin kilala."
"Pwes, magpapakilala ako." Nakangiti kong pahayag.
Tumayo ako nang matuwid, kamay sa bewang, stomach in at chest out.
"Kasing ganda ng pangalan ko ang salitang tadhana," napatigil ako. "Ang baduy pala ng pangalan ko hehe. Ako si Destiny Sirene Montalban! All the way from Batangas, I'm proud to say that I am confidently beautiful with a heart. Thank you!"
"Oka—"
"Hephep! Hindi pa ako tapos," huminga ako nang malalim. "Kim Namjoon, Kim Seokjin, Jung Hoseok, Min Yoongi, Park Jimin, Kim Taehyung, Jeon Jungkook, BTS!!! SARANGHAE!!WOOOHHHHH!"
"Kung ganyan ka kaingay, maghanap ka na lang ng ibang matitirahan."
Hala, aalis na siya ulit. Hindi pwede!
"Parang awa mo na huhu," lumuhod ako sa harapan niya.
Syempre, dapat pang-Oscars ang acting ko. Mas convincing.
"Gagawin ko ang lahat, kahit maglaba ng brief mo, patirahin mo lang ako sa bahay niyo." Maiyak-iyak na sabi ko.
"Bahala ka diyan."
Aba! Ang tigas ng puso nito ah! Matigas rin kaya ang ano niya?
"Sige na, pleaseeeeeee!"
"Tumabi ka na, nagmamadali ako."
Pinapahirapan mo talaga ako? Grrrr!
"Tulong!!! Tulungan niyo ko! Sinasaktan niya ako, aray!" Nilakasan ko talaga ang pagsigaw ko. 'Yung tipong mapapalingon ka talaga kapag narinig mo.
"Tumahimik ka nga!"
"Tulonmmmnnhpppphhhh!"
Hindi ko na nagawang sumigaw pa dahil nakatakip na sa bibig ko ang kamay niya.
"Sige na, pumapayag na ako."
Tama ba ang narinig ko?
Pumapayag na siyang makitira ako sa kanila? YESSSS!!!
Tinanggal na niya ang kaniyang kamay sa aking bibig.
"One week lang ang ibibigay ko sa'yo, huwag kang abusado."