"Mukhang masaya ka ata?" tanong ko kay Sofie na nakangiti habang tulala "Hoy Sofie!" sigaw ko sa kanya dahil mukhan hindi niya ako narinig.
"Ay hoy Sofie!" gulat na sabi niya "Ah ano? May sinasabi ka ba, Ria?"
"Wala. Sige mag muni muni kana diyan!" hinayaan ko nalang siya at mukhang ang lalim ng kanyang iniisip.
"Hey guys, nag-aaya si Tristan na mag hang out raw with his friends." pag-aaya ni Sofie.
Naging close nadin sila ni Tristan pero mukhang friend lang 'yong tingin niya kay Sofie, kaso 'tong si Sofie ewan ko nalang. Hindi ko parin ina-accept 'yong unggoy na 'yon napaka annoying kasi kaya bahala siya sa buhay niya. Minsan nasa Cafe siya pero wrong timing kasi on duty kami papakilala niya raw sana saamin 'yong friend niya. Minsan lang siya pumunta rito dahil taga roon si Tristan saamin, nakuha siya sa doon sa Hotel na inaplayan namin dati.
"G ako!" excited na sagot ni Carmen. "For sure dami niyang pogi na friends." dugtong niya ulit.
"Ikaw, Ria?" tanong ni Sofie.
"Pass muna ako, hindi ko naman hilig mag bar e. Pakasaya nalang kayo." sagot ko naman.
"No! No! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." pamimilit ni Sofie.
"Wow! Salamat at nag tanong kapa ha?" irita ko namang sagot sa kanya.
"You're welcome." kinindatan niya nalang ako.
"Next time nalang ako sasama, uuwi kasi ako saamin kasi inatake raw si mama ng sakit niya ee." pag papaliwanag ko naman.
"Sayang naman. Sige Ria regards mo nalang kami kay tita." nalulungkot na sabi ni Sofie
Wala naman akong magagawa dahil mas kailangan ako ni mama. Siguro ilang years narin 'yong nakalipas noong last na punta ko ng bar kaya hindi narin na sundan pa. Ewan ko rin nga bat ako pumunta non, broken I think? Haynako. Next week end raw kasi 'yong hangout sabi ni Sofie kaya umuwi nalang ako saamin.
"Baka naman po kasi mama kinakain niyo 'yong mga bawala sa 'yo."
Umuwi ako ng bahay para matignan ang kalagayan ni mama. Gusto kong mag resign nalang sa trabaho para maalagaan si mama kaso ayaw niya akong patigilin. Si Ella kasi may pasok na kaya tuwing hapon at week end niya nalang din nababantayan si mama. Wala din naman kaming sapat na pera para kumuha ng personal nurse. Haaaay.
"Iniinom ko naman 'yong mga gamot ko anak, siguro dahilan narin ng pagtanda ko 'to." pagpapaliwanag ni mama.
"Eh ang bata mo pa ma. Bukas ng umaga mag walking tayo para ma pawisan ka paminsan minsan, ma." Tumango nalang si mama at nagpahinga na muna.
Maggagabi na kaya ako nalang 'yong nag prepare ng dinner. Si Ella naman ay busy sa ginagawa niyang homework.
"Kain na tayo." pag-aaya ko sa kanila.
Pagkatapos namin kumain, ako nalang muna ang nagligpit para naman mabawasan 'yong trabaho ni mama.
"Ma bukas ha? Walking tayo." pag re-remind ko kay mama.
"Wuy sama me!" biglang singit naman ni ella.
"Edi magising ka ng maaga." pang-aasar ko sa kanya kaya nag okay sign nalang siya.
Kinaumagahan, dumiretsiyo nalang ako sa kwarto ni mama para tawagin siya.
"Ano ma, tara na po?" sumunod nalang si mama at kinatok ko narin si Ella.
YOU ARE READING
Courted by a Cafe Manager
Short StoryMaria Victoria M. Hermosa Ria is a simple girl who wants a peaceful life. She is working as a Call Center Agent at Central Callers. She thinks that this is her way to provide the needs of her family since she is the oldest child. But then one day, s...