Player + Addict = Friends.

62 2 0
                                    

Yanna's POV.
|26 Req.|     |99+Msg.|    |99+Notif|

WHAT? Nag-CR lang ako ah? Well. Famous ako eh. Haha. Ano una kong titignan? Ahm... anoooo? Ah. Okay. Notifications.

|113 Notifications|
   • Delaine Panganiban, Mari Anne and 562 others like your profile picture
 
   • Arvin Beat likes your cover photo
  
   •  Kate Peji likes a photo you are tagged in
  
   • Andrei Ocampo invited you to play Clash of Clans
____________________________________________

                View More Notfications

Sus. Mga walang kwentang notif lang pala. Wala ako sa mood magbasa ng mga messages ngayon. Kaya para hindi masabihan ng suplada. Haha. Friend Request nalang.

|26 Friend Requests|

**Scroll**

**Accept sa kilala**

Pero wait! Something caught my attention! Who is this?! Parang familliar yung name. Hmm.

Kenneth Louis Carbonnel     |√|    |×|

Hmmm. Bahala na. Haha. Accpeted!

Kenneth Louis Carbonnel     |Friends|

Parang kilala ko talaga yun eh! Ay teka! May ibang character na kayong kilala, pero ako hindi pa. So unfair! Kaya magpapakilala na ko :).

I'm Georgieyanna Samantha Ledesma. Well, yung name ko is Georgeyanna kung basahin. Ewan ko ba. Masyadong maarte ang mga magulang ko sa pangalan namin. Yes. Namin, may kapatid kasi ako. Dalawang Kuya. Saka ko na sila ipapakilala sa inyo. I'm 17 yrs old. 1st year college. Facebook addict ako simula nung mauso ang FB. Haha. Isa akong anak ng dalawang mayamang nilalang. Di ko alam kung paano sila nagkakilala kasi pareho silang busy na tao. But still, we are a happy family.

Hay. Nakakatamad naman dito sa bahay. Ah! Alam ko na! Sa VJ ComShop nalang ako magfe-facebook. Para maingay-ingay. Haha. VJ! Here I comeeeee!

Ken's POV.

"Baog ka!"

"Talo ka na! G*go ka!"

"Umuwi ka na di ka na mahal ng nanay mo!"

"Puck Lord daw siya! Baog naman sa mid!"

"Panalo na ko!"

Yan ang maririnig mong mga salita sa mundo ko. Ang mundo ng DOTA!

Kenneth Louis Carbonnel isang dakilang DOTA player ng Mineski! Huh! Odiba? Mineski yun boyyyy! 15 palang ako ng natuto ako mag DOTA. At ngayong, 17 na ako. Di maikakailang, expert na ako! Lagi akong nandito sa VJ ComShop dahil palagi namang walang tao sa bahay. Una, wala akong kapatid. Pangalawa, yung Daddy ko, laging nasa company. At yung mommy ko. Nasa heaven na siya. Ito yung naging libangan ko tuwing naalala ko si Mommy. Haha. Funny, but it's true.

Kanina nga pala. In-add ko yung babaeng laman ng Puso ko. Yung babaeng complikado ang pangalan. Si Samantha, I used to call her Sam. Ang haba kasi ng pangalan niya. Tch. Dun ako magsisimula para pormahan siya. Mamaya nga pagkatapos ng Game ko magbibigay ako sa kanya ng flowers. Pero pa-secret lang.

Oo na! Aamin na! Ako na duwag. Crush ko na siya simula pa nung Kinder kami. Ang tagal na no?

Pero nubg nag highschool na dinala ako ni Dad sa America. At dun nagtapos ng highschool. Kaya baka nakalimutan na ako ni Sam. Sana hindi.

O ayan na! Round 3 na ng DOTA namin. Magsisimula na daoat kami ng biglang...

"May vacant pa po bang computer?" Lahat kami napatigil! Ang Facebook addict at Famous na si Yanna/Sam! Lahat ng lalaki at kahit babae napatigil sa ginagawa nila at napatingin kay Sam. Bakit ba naman hindi? Eh saksakan ng Ganda ang puti pa! Tapos matangkad! Agaw atensyon talaga! Kahit nga yung nagbabantay ng VJ eh napanga-nga.

Yanna's POV.

"Uhm. Ehem. Excuse me but, I'm not really comfortable with this. May vacant po ba?"

Susme! Nga-nga ang mga tao dito. So ano to? Titigan tayo dito? Pantanga lang eh? Ano? Hayy! Ano baaa! Ganito ba talaga dito. Pasensya. Perstaym ko eh, di naman ako nainform na nilalapa pala mga dayo dito.

"Meron naman Ms...?" Sabi nung nagbabantay.

"Yanna." Sagot ko sakanya.

"Okay. Ahm. PC 14 Yanna."

"Okay! Thanks!"

Naglakad ako papauntang PC 14. May katabi akong lalaki na nagdo-dota. Pero tahimik lang siya.

Pero he look so familliar. Hay. Ewan.

Mag-oopen nalang ako ng FB ko.

**Scroll**

**Like**

**Scroll**

"Kenneth Louis Carbonnel! Talo ka na!"

Huh? Kenneth Louis Carbonnel? Yung nag-add sakin? Andito siya?

"Babawi ako g*go ka! Purol!" And worst katabi ko pa. Siya ba yun?

Kenneth Louis Carbonnel?

Bakit ang gwapo?

***
A/N: Hiii! Please support my 2nd story. Sana magustuhan niyo. Thanks.

Dota Player + Facebook addict = Complicated RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon