52. Betrayal

25.9K 1.5K 146
                                    

Hindi makapaniwala si Helena sa ginawa ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang kaba at pagkabigla.

"W-What are you doing?" naguguluhang sambit niya.

Nakatutok sa kaniya ang patalim ngunit hindi ito sa kaniya nakaturok. Bagkus ay walang tigil ang pagdugo ng kamay ko nang harangan ko ang patalim bago ito tumama kay Helena.

"I-I said, what are you doing Scarlet-"

Wala pa ring tigil ang pagtulo ng mga luha ko nang hugutin ko ang patalim sa kamay ko. Hinawakan ko ang kamay ni Helena at inalagay rito ang patalim.

"He's always watching me," mahinang sambit ko.

Sa kabila ng pagtulo ng mga luha ko ay nagawa kong ngumiti. Muling nagtama ang mga tingin namin ni Helena, at sa huling pagkakataon, naging tapat at totoo ako sa kaniya.

"Thank you for your offer... but maybe next time, Principal."

Bago magawang makasagot si Helena ay naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko. I immediately changed my arms into wings and started flying.

Agad akong lumipad pataas ng hindi lumilingon. Mabilis akong umalis sa mansyon ni Helena at sa Rosa town.

I'll end this all by myself... ako ang tatapos kay Papa.

Habang lumilipad ay hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Helena.

Kung hindi lang siguro ako lumaking isang mamamatay tao... kung napunta lang ako sa normal na pamilya.

If only I hadn't been S03.

Maybe I'm officially a Grim Reaper now and a student of Helena.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Ilang oras ang tumagal bago ko natanaw ang base. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod sa paggamit ko ng gift nang matagal.

Hindi ko mapigilang ngumisi. It's all thanks to Zail.

Cinancel ko ang gift ko nang matagpuan ko ang sarili ko sa harapan ng base. Tila bumigat ang paghinga ko nang pumasok ako rito.

Agad akong nagtaka nang walang mga batang sumalubong sa akin. Maski sina Liev o ang mga one digit codes ay hindi ko rin makita.

It's quiet... too quiet.

Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng pintuan ng isang silid. Ang silid na ipinagbabawal na papuntahan sa amin ni Papa.

Umangat ang tingin ko rito, sa hindi malamang dahilan—kinakabahan ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang malaking silid na walang kalaman-laman. Sobrang dilim ng paligid at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko.

"Oh! Welcome home, my child!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.

Unti-unting nagbukas ang mga ilaw at sumalubong sa akin ang mga kagamitan na hindi ko pa nakikita noon. This place looks like a laboratory.Bumungad na rin sa akin ang lalaking kinamumuhian ko sa itaas ng isang etablado sa gitna ng silid.

Nakangiti si Papa nang magsalita pero agad itong naglaho nang makita ako.

"Eh? Nasaan na 'yong ulo ni Helena?" tanong niya.

Napaismid ako sa bungad sa sambit nito sa akin. "Hindi ka man lang ba masaya na buhay pa 'kong nakabalik?" sarkastikong sagot ko.

Sumimangot sa sinabi ko si Papa at inalis nito ang tingin niya sa akin na para bang hindi na niya 'ko nakikita.

"Nasaan sina Liev? Ang mga bata?" tanong ko.

Hindi kaagad ako sinagot ni Papa. Mayroon itong ginagawa na kung ano sa taas ng entablado. As if he's experimenting or something like that.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now