Chapter 6

27 0 0
                                    


I was leaning on the railings here in the balcony while drinking my favorite Glenfiddich wine.

Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko siya.

"I'll find you soon, hinding hindi ka makakatakas sakin".

Sumimsim ako ulit ng wine "Akin ka lang", Dagdag ko.

I will kill all the pests that get in the way of my plan to get you.

You're so heartless Nathalia. Well, who cares? Killing is my source of energy.

"Madame, nandito na po siya", Agad akong napangiti sa narinig ko.

Good boy!

Sabrina:

Nandito kami ngayon sa hallway malapit sa classroom ni Amanda hinihintay namin siya buti na lang at may emergency ang professor namin kaya maaga kaming na dismissed.

"Antagal ng bruhang yon nakakainip na", pagrereklamo ni Denzel.

Dumiretso kasi kami rito at kanina pa talaga naghihintay.

"Wag ka ngang mag-inarteng bakla ka", saway sa kanya ni Ellie.

"Duh!, gutom na kaya ako hindi pa tayo naglulunch"

"Palagi ka naman talagang gutom", inisnoban lang siya ni Denzel.

"Pwede ba manahimik na kayo"
saway ko sa kanila.

"Ms. Harden, Ms. Son, and Mr. Lorett why are you here!?", napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Ms. Shawn ang pinakamasungit na professor na nakilala ko dito sa Lextor University.

"Correction, it's Ms. Lorett", siniko ni Ellie si Denzel na hindi namalayang si Ms. Shawn ang tinarayan niya.

Kaya pagkalingon niya nagulat siya at agad na napayuko "Sorry po Ms. Shawn!".

"Hindi ko mapapalampas ang inasal mo Mr. Lorett", diniinan pa ni Ms. Shawn ang salitang Mr.

Tinignan ko si Denzel at bakas sa mukha niya ang kaba. Napatawa ako ng bahagya na kinataas naman ng kilay ni Ms. Shawn.

"Do I need to repeat my question Miss Harden?",

"Sorry po maam, may hinhintay lang po kami", panghihingi ko ng tawad.

"Bago lang ba kayo dito at hindi nyo alam ang rules ng skwelahang toh", Nagkatinginan kaming tatlo nila denzel at ellie.

"Pasensya na po Maam", panghingi ko ulit ng tawad.

"Bawal ang mag standby sa hallway every class hours nagkaamnesia ba kayo!"

"Sorry po talaga maam hindi na po mauulit", si Ellie namn ngayon ang nanghingi ng tawad.

"Siguraduhin niyo lang na hindi na to mauulit", tumingin ako sa likod ni Ms. Shawn at nakita kong lumabas si Amanda.

"Yes Maam", Ellie at denzel

Ba't ngayon pa siya lumabas kung kailan nahuli na kami ni Ms. Shawn.

"Naiintidihan mo ba ako Ms. Harden?", napalingon uli ako kay maam at tumango.

Umalis na siya at tumingin ulit ako kay Amanda na papaliko na, kaya hinila ko agad sila Denzel at Ellie pag alis ni Ms. Shawn.

"Amanda!"

          

Mabilis kaming naglakad para mahabol siya.

"Amanda!, teka lang!", tumigil siya at lumingon sa direksyon namin.

Napacross arms siya at nakataas ang kilay niya.

"What do you want?", pagmamaldita niya samin.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Busy ako at wala akong ganang
makipagchikahan sa inyo", tatalikod na sana siya pero hinawakan ko siya
"Tungkol kay Geneva", natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya.

"Wa-wala akong p-panahon d-diyan", nauutal niyang dahilan kaya nagtaka ako sa kinikilos niya. Napansin ko rin ang marka sa may kaliwang palupulsuhan niya.

Aalis na sana siya pero hinawakan siya ni Denzel "Tatanungin ka lang naman namin Amanda", nagpupumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Denzel.

"Umamin ka nga Amanda may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Geneva?!", prankang tanong sa kanya ni Ellie.

Napatigil siya at yumuko hanggang sa bigla na lang siyang umiyak.

"Bakit Amanda?", Nag-aalalang tanong ko sa kanya, tiningnan niya kami at bago magsalita pinahid niya ang mga luha niya.

"Sumunod kayo sakin", sinundan namin siya papunta sa likod ng school.

"Ano bang itatanong niyo sakin?", makikita mong malungkot at natatakot ang mga mata niya kahit pilit niya itong tinatago.

"May sinabi ba sayo si Geneva bago siya mawala?", huminga siya ng malalim at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Nung araw na yon bago pa siya mamatay, may ka text siya sa cellphone niya, tinanong ko siya kung sino at sinabi niyang boyfriend niya. Lumipas ang ilang minuto nagpaalam siya sakin na magkikita raw sila, kaya pinabayaan ko na lang. Na-nagulat na lang ako nang mabalitaan kong wa-wala na siya", umiyak siya ulit kaya pinatahan siya nina Denzel at Ellie.

"Kung boyfriend niya yung kakita niya bakit sinabi ni Dax na babae raw ang kaaway ni Geneva sa Cr at posible ring suspek sa pagkamatay niya", tumingin ulit siya sakin.

"Isa rin yang dahilan kung bakit ako lilipat ng paaralan dahil ako ang sinisisi nila". Hindi talaga ako mapakali sa marka sa palapulsuhan ni Amanda kaya hindi ko mapigilang tanungin siya.

"Hhmm Amanda may relo kabang sinusuot sa kaliwang kamay mo?" Mahinahong tanong ko. Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"Ah etong marka sa may wrist ko?, na-nakuha ko to nong kinompronta ako ng mga friends namin ni Geneva or should I say ex friends. Ako kasi ang pinagbibintangan nila", muli siyang humikbi pagkatapos sabihin yun.

Medyo hindi ako kumbinsido sa paliwanag niya pero mas nangingibabaw ang awa ko sa kanya ngayon. Alam kong spoiled brat din si Amanda pero kahit gano'n hindi niya deserve ang mga nangyayari sa buhay niya walang sino mang deserving na mangyari to.

"Hindi mo kailangang umalis Amanda tutulungan ka naming linisin ang pangalan mo", umiling siya sa sinabi ko.

"You won't understand unless you're in my situation Sabrina", hindi agad ako nakasagot.

"I'm sorry, I thought everything would be alright, my bad" panghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"It's okay sabrina at salamat sa tulong at malasakit niyo pasensya na rin pala sa ginawa namin sa inyo ni Geneva", panghingi niya ng tawad, kahit papaano nagawa niyang ngumiti.

"Wala yon Amanda, pinapatawad ka na namin", Denzel

"Past is past never discuss blessed in disguise rin ang nangyari kay Geneva at nagkabati tayo, sumalangit nawa ang kaluluwa niya", Ellie

She's Into A Blood Sucker Where stories live. Discover now