Chapter 22

3.4K 68 0
                                    

Warning: R-18... Read at your own risk. I'm not confident of writing it because I don't know how but I tried :)

Chapter 22 

Tempted

It's been weeks simula nung mameet ni Zairon si Mama. Simula nun hindi na talaga tinigilan ni Mama si Zairon pag susunduin ako una pang nakaabang sa pagdating ni Zairon ay si Mama at pag hinahatid naman ako ni Zairon nakaabang na ulit si Mama at niyaya na si Zairon na sumabay na magdinner sa'min. Simula kasi ng umuwi si Mama sinabi ko na kay Zairon na uuwi agad ako para may kasabay si Mama kumain. But luckily pati si Zairon nakukulit ni Mama. Tinanong ko nga siya kasi baka nagtatampo na sa kanya sila Tita dahil hindi na sumasabay sa kanila si Zairon ang sinabi lang naman sa'kin ay sanay na daw parents niya na hindi sila kasabay magkapatid dahil nga minsan lang din naman umuwi si Zaira. 

At nandito kami ngayon ni Zairon hinatid si Mama sa terminal bago kami pumasok. 

"Bantayan mo yan si Nette, Zairon ah." tumango na lang si Zairon sa kanya habang nakangiti na parang natutuwa pa sa mga sinasabi ni Mama sa kanya. 

"Mama ako anak mo." sabi ko sa kanya kaya napansin niya naman ako. 

"Oo at kilala na kita kailangan ka talaga bantayan kaya sinasabihan ko na si Zairon." 

"Wag kayo mag-alala Tita ako bahala sa anak niyo, Mahal ko kaya yan." kinagat ko yung pang ibabang labi ko para pigilan yung kilig na nararamdaman ko ngayon. 

"Sige, at minsan naman kayong dalawa ang dumalaw sa'kin sa probinsya nakakapagod na bumyahe." pag-iinarte ni Mama. Pero tama naman siya ang tagal na din simula ng umuwi ako sa'min. Sana lang talaga merong time na hindi masyadong puno schedule ni Zairon para makapag leave ako. Kung sakali. 

"Don't worry Tita magugulat ka na lang nandoon na kami ni Chloe sa inyo." nakangiting sabi ni Zairon at natuwa naman doon ang magaling kung ina. Sana lang talaga magkaroon kami ng time na pumunta doon. If he's busy naiintindihan ko yun. 

Inantay namin na umalis yung bus na sinakyan ni Mama bago kami umalis ni Zairon papuntang office. 

"Sure ka ba dun sa sinabi mo kay Mama, Hon?" tanong ko kay Zairon habang busy siya sa pagmamaneho. 

"Going to your province? Of course we just need to find some time to go there. Kasi kung pupunta tayo doon gusto ko matagal at wala tayong iisipin na kahit ano just the two of us to the province where you grow up." napangiti na lang ako sa kanya at hindi sumagot. 

Dahil hindi ako sumagot sa sinabi niya binalingan niya ako ng tingin at ng makita niya namang nakangiti ako natawa na lang siya. Alam niya na pag ganito ako. Isa lang ibig sabihin kinikilig na naman ako sa mga sinasabi niya. Tuwing nagsasalita siya ng mga matatamis na salita nagkakaganun ako. Hindi sumasagot sa kanya pero nakangiti at nahulaan niya agad yun. 

"Okay? Kinikilig ka na naman." Natatawang sabi niya. Nawala ang ngiti ko. 

"Manahimik ka diyan." sabi ko sa kanya. Alam ko naman na yun wag niya na ipaalala at lalo akong nahihiya. Nahihiya na nga ako na makita niya kung paano ako kiligin sa mga sinasabi niya tapos ipapaalala niya pa ano ng mangyayari sa'kin niyan. 

We arrive at the company and as usual marami na namang mata ang nakamasid sa'min. Parang hindi na sila nasanay na makita kami ni Zairon na magkasama kaya napapatingin pa din sila samin. Kailan kaya sila masasanay at wag na kaming pagbulungan pa pag nakikita kami. 

Nakarating na kami sa floor ng office kaya naupo na ako sa upuan ko at si Zairon naman dumiretso na sa office niya. Inayos ko muna yung schedule niya ngayong araw bago pumasok sa office niya. 

Find Me Then (Then Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon