Third Person POV's
"Bakla! Ngayon ang Exchange Teacher Day ngayon!" Excited na kwento ng kaibigan . Ang Exchange Teacher Day ay isang pagdiriwang kung kailan ang mga guro ay magpapahinga ng isang araw at ang papalit sa kanila ay ang mga top 15 student ng University .
"Okay .." Walang ganang sagot ni Althea, Masama ang pakiramdam niya dahil hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa kaniya ina at kay Zeke . "Bakla? Bakit ang putla mo? Meron ka bang sakit?" Tanong ng kaniyang kaibigan .
Hindi pwedeng malaman ng kaniyang kaibigan ang kalagayan niya ngayon lalo na ang kaniyang kapatid kaya kailangan niyang ilihim ang sitwasyon niya ngayon.
"Hindi, Medyo masama lang pakiramdam ko ngayon ." Bigla siyang sumubsob sa kaniyang upuan at gusto niya munang matulog subalit .. "GoodMorning Class!" Agad siyang nagising sa boses na narinig niya dahil kilalang-kilala niya ito.
"Si Grey Perez pala ang teacher natin sa Algebra .. Ang Swerte natin ."
"Pati sana si Zeke Potter maging Teacher natin no?"
Si Zeke ay ang top 1 ng university nila at si Grey ang top 2 Kalat-kalat ang balita na mortal silang magkalaban kung ibabase sa kanilang status sa university . Pero matalik na magkaibigan sina Grey at Zeke kaya hindi nila iniisip ang Balita na iyon.
Biglang nagkaroon ng enerhiya si Althea dahil ang Student Teacher niya ngayon sa pinakapaborito niyang subject ay si Grey Perez na matagal na niyang gusto.
"GoodMorning Class, Im your teacher for today ." Sinulat niya ang kaniyang pangalan sa White Board. "Class . Our Lesson for today is about Synthetic Division." .. Nakatingin lang si Althea kay Grey buong subject .
Hindi siya nakikinig sa buong lesson dahil kay Grey lang nakatuon ang kaniyang paningin . "Okay . Class Is there any question?" Halos nagtaas ng kamay ay ang mga babae .
Gusto tanungin ni Althea kung may girlfriend ba siya? Meron ba siyang mahal? at marami pang iba kaso nahihiya siya at alam naman niya na kailangan lang magtanong tungkol sa pinag-aralan .
Hindi alam ni Grey kung kanino siya unang sasagot sa mga katanungan "Ok . Donella . What is your question?" Ngumiti muna ng pagkalapad-lapad si Donella bago magtanong . "Sir? Meron ka bang girlfriend? o kaya gusto?"
Nagulat si Grey sa tanong ni donella "Pasyensiya na pero hindi ko masasagot ang mga tanong tungkol sa personal kong buhay . Tungkol lang sa pinag-aralan ang pwede niyong itanong ." Pagkatapos niyang sabihin ito ay lahat ng mga babae ay ibinaba na ang kanilang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...