Chapter 26
_________________________________________
"Cleo, let's go." Tumayo si Kuya nung nagsitayuan na ang mga tao.
Andito kami sa airport ngayon. Two days ago Travis left the country, medyo nalungkot nga ako. Pagkatapos nung umalis na si Travis binisita ko sina Walter at Cristine. She's doing fine.
Tumayo na rin ako at kinuha ang aking maleta na puno ng pasalubong. Kahapon bumili kami ni Kuya ng mga pasalubong. Ang dami kaya naming dala ngayon halos tatlong bagahe para pasalubong. Buti nga nakabackpack lang kami ni Kuya kasi babalik naman kami sa New York. Plus may damit pa kaya kami sa bahay at sa condo ko rin.
I was falling in line with Kuya while fiddling my phone, I texted Travis na boarding na kami.
Cleo:
I'm going home :)
It was just a simple text. I smiled and kept my phone inside my sling bag. Kuya on the other hand, he looked bored. Parang ayaw niya ring umuwi, hmm. I guess were even huh? I suddenly felt suspicious. Busangot ang mukha niya, I've never seen him like this. Like ever.
"Do you have a problem?" I asked him. Napalingon siya sa'kin saglit at umiling.
So cold brother. Tsk.
"Spill it," I said in a voice full of concerned
"Shut up," nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman ganito ka snob si Kuya sa akin. Hindi ko alam bakit ngayon na aalis na kami magsusungit na siya.
Tahimik siya hanggang nakaupo kami sa loob ng eroplano. Bumaling ako sa kanya, hindi niya man lang ako titignan. Siya naman kasi ang palaging concerned sa akin pero ngayon I think the tables have turned. I narrowed my eyes at him, looking for a possible answer to my question pero wala akong nakita.
"Kuys!" Niyugyog ko siya, napalingon siya sa'kin. "May problema ka ba?" My forehead creased.
"Wala," he lied again!
Kita ko kasi sa mukha niya na parang ayaw niyang bumalik. Kung sinabi niya lang sa akin na ayaw niyang bumalik edi sana hindi na namin tinuloy 'to!
"If you say so," I rolled my eyes and opened the window to look what's outside.
The whole trip Kuya was so so silent. Parang gusto ko ngang lumipat ng upuan kasi wala akong kausap. Kung pwede lang kausapin ang mga flight attendant malamang ginawa ko na 'yun! Nung nagchange planes kami sa Qatar tahimik parin siya but sometimes naririnig ko siyang nagmura. Hindi ko alam bakit.
Nung nasa loob na kami ng eroplano I heard him curse again, napalingon ako sa kanya.
"Minumura mo ba ako?" I asked.
Hindi niya man lang ako liningon. Nanatili siyang nakayuko at nakatakip ang kanyang mukha sa hoodie ng jacket niya.
"Fuck this woman if she ever shows up." He said in a soft voice enough for me to hear.
"Kaya ba ayaw mong magpakasal?" My tone was serious.
"Fuck this life." Ang dami niya pang sinabi kaya hindi na ako nagtanong tanong pa.
I just remained silent baka kasi kapag buksan ko ang bunganga ko I might make it worse so I chose to shut up. I listened to music and it relaxed me a bit, dahil doon nakatulog ako.
Nagising lang ako dahil sa ingay ng mga tao at sa speaker. Binuksan ko ang bintana at nanlaki ang mata ko, andito na kami! Niyugyog ko agad si Kuya, I heard him utter a curse before deciding to stand up.
Nang nakalabas na kami, dala dala ang mga maleta nakita ko agad ang tumatalon na si Minnie. Hindi na ako nagdalawang isip kundi tumakbo patungo sa kanya.
"Oh my god! I missed you so much, babe!" Minnie exclaimed and hugged me tighter. Napatingin ako kay Mickey, I gave him a smile and a peace sign.
"Aray!" Napadaing ako nung kinurot niya tagiliran ko.
"Kwentuhan mo ako bukas." She whispered at tinulak ako. Napatingala ako sa paligid at nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang pamilya ko.
Napatingin ako kay Rio na may bandage ang kilay. Sina Dean at Laurence. Si Ate Larra na nakangiti sa akin. Si Jirah na umiiyak. Then I saw two blank spaces on the right side. Bumagsak ang aking pisngi, sad to say wala sila Kim at Dannah. I suddenly felt suspicious about those two dahil sa sinabi ni Min parang naglilink ang lahat.
"Cleo!" Maligayang bati ni Jirah sa akin. I welcomed a her a hug. Nilingon ko si Ate Larra, she smiled at me.
Gusto kong umiyak dahil miss na miss ko na ang mga pinsan ko at kapatid. Pero walang ni isang luha ang lumabas.
"Ate!" Bati ko kay Ate Larra at niyakap siya. She even cried at 'yon din ang dahilan na lumabas na ang luha sa aking mata.
Kinalas ko ang yakap at pinunasan ko ang luhang tumatakas sa aking mata. Bumaling ako kina Dean at Laurence, I smiled at them and gave them a hug. Ang sa kanan si Dean ang nasa kaliwa si Laurence, I missed their dirty mouth. Kasi nung nandoon ako sa New York wala akong narinig na fruits fruits galing kay Kuya man lang.
Mas lalo akong umiyak nung nakita ko si Rio. I hugged him softly dahil alam kong may sugat pa siya. I cried in his shoulder habang siya tumawa.
"Ugh! Ate you're ruining my day!" Reklamo niya. Wow parang siya yung nanggaling sa US ah.
Tumawa ako at kinalas ang yakap. Napalingon lang sila sa likod ko nung dumating si Kuya Chase.
"Welcome back, we missed you." Sabi ni Ate Larra sabay yakap kay Kuya.
Lumapit muna ako kala Min at Mickey para makausap lang man sila. Minnie gave me a sweet smile habang si Mickey seryoso lang nakatingin. Ano bang problema sa lalaking 'to!?
"I miss you." I smiled at Mickey nung bumaling siya sa'kin. I'm not a flirty girl here I'm just being nice. I miss him naman.
Wala man lang sagot si Mickey sa'kin. He just smiled at tumingin sa banda kina Kuya Chase. I shook my head to erase what I was thinking. Nakatingin kasi siya kay... Jirah? Oh my god this is definetly not happening.
Napatingin ako kay Min, she smirked at Mickey. Hinila agad ako ni Min palapit sa aking mga pinsan. Ano na naman ang problema nito. Napalingon sa akin ang aking mga pinsan at kapatid. Nagtaas ng kilay si Kuya Chase. I smiled awkwardly at him.