Chapter 8

0 0 0
                                    

Busy ako habang tinitingnan ang bawat tao na nakakasalubong ko.While trinity was busy dragging me papunta daw sa cafeteria.

Nagtataka ko naman itong tiningnan ng tumigil ito sa paglalakad.Nang sinundan ko ang tinitingnan nito, nakita kong may dalawang lalaki na nakaharang pala sa daanan namin.

"What do you need!?" Seryosong tanong nito rito.

"The girl beside you Queen, she's so beautiful.I was thinking if she is still beautiful kung nasa kama na kami!hahahaha!!"

Nasa kama!?Anong ibig sabihin ng lalaking ito?Naramdaman ko namang humigpit ang pagkahawak ni trin sa kamay ko.

"I was wondering too kung ano ang magiging mukha nyo kapag nakahiga na kayo sa sementeryo.Does is look awful? disgusting?Wanna know?"Bigla namang nandilim ang mga mukha ng mga ito.

" Akala mo ba matatakot mo kami sa mga pinagsasabi mo?You are just campus Queen,A bitch."

"Kaya ibigay mo nalang iyang magandang binibini Queen. Don't worry aalagaan namin sya."The one guy said.Para syang addict na nakikita ko sa mga movie.Tiningnan muna ako ni trin bago sa tumingin sa mga lalaki.

"Hindi lang ako basta campus Queen assholes.Kaya kong pagbabaliin yang mga buto nyo kung ayaw nyo pang umalis sa daraanan namin."Mahinang sigaw ni trinity rito.I can sense na galit na rin ito.

" Trin—"

"Magsisimba ako mamaya callie!" Agad na putol nitong saad.Napanguso nalang ako.Sasabihin ko talaga sanang kumalma lang ito, at nagkakasala na ito kay god.Mabuti naman at magsisimba kami mamaya.

"So what now!?Get lost!!!"Tiningnan muna nito kami ni trinity bago umalis.Nakahinga naman ako ng maluwag ng maka alis na sila.

" Ughh!!Ang sarap nilang ibaon sa lupa."Lumingon sakin si trin at tinitigan ako ng mabuti.Parang may inaalisa.

"Bakit trin!?"Mukha naman itong nakahinga ng maluwag.

"My angel callie.Makinig ka sa sasabihin ko ha?Wag mo silang intindihin ok?Lalong lalo na ang mga kagaya nila!"

"Opo!!"

"Mabuti kung ganun.Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nadungisan iyang inosente mong utak ng dahil sa mga tao dito."

Nandito na kami ngayun sa harap ng cafeteria. Ang masasabi ko lang ay...Ang ganda at ang laki pa.Napapikit nalang ako ng maamoy ko ang pagkain.

"Tayo na trin!!" Excited ko itong hinila papasok hindi alintana ang mga tao na agad tumingin samin ni trinity.

Ewan ko ba?Kanina ko pa napapansin na sa tuwing nakikita kami nito, nagbubulungan sila at inaalisa  mabuti si trin.Si trin ba o ako?

"Don't mind them!"Napansin kung tumigil na pala ako sa paglalakad.Nakangiti ko naman itong tinanguan.

Hinila nito ako papunta doon sa bakanteng mesa at agad na pinaupo.Ramdam ko parin ang mga titig ng mga estudyante kaya napakagad labi nalang ako.

"Dito ka lang callie okay?Bibili lang ako ng pagkain natin.Kapag may lumapit..." Binigyan nito ako ng isang bagay na hindi ko alam.

"Hipan mo lang yan okay?Wag kang makikipag usap sa hindi mo kilala.Babalik ako agad."Aalis na sana ito ng pigilan ko ito.Nagtataka naman akong nilingon nito.

"Carbonara.."Tumango naman ito at agad na umalis.Nakita ko naman na sinundan ng tingin ng mga estudyante si  trinity papalayo.

" Himala ata at dito yan kumain at hindi sa elite cafeteria! "Rinig ko mula sa kabilang lamesa.Pasimple ko naman itong nilingon.Mayroong tatlong babaeng kumain rito.

" Tama ka mae anne.At hindi pa yun, hindi man lang sya naging bitch ngayun.Looks like sinapian ata ng mabuting espirito ang campus queen natin."Sino ba ang pinag uusapan nila.Campus queen?Mukhang narinig ko na ito sa kung saan.

"Pero impossible naman iyun cara."

"Shhh lang kayo pero mukhang dahil yun sa babaeng kasama nya."Lumingon ito sakin.Nanlaki naman ang mga mata ko at agad tumingin sa harapan.Napahawak naman ako sa dibdib dahil sa kaba.Nahuli nya akong nakikinig sa usapan nila.

Tatayo na sana ako para pumunta rito at humingi ng tawad.Alam kong masama ang makinig ng usapan ng iba.Pero ibinilin sa akin ni trin na wag akong umalis dito.Masama din ang hindi sundin ang isang bilin.Anong na ang gagawin ko?

Napanguso nalang ako at wala nalang  nagawa kundi umupo uli.Pinagtuonan ko nalang ng pansin yung lamesa.

"Haaaa!!Nakakapagod."

"Trinityyy!!" Gulat kong tiningnan ito.Abala naman ito sa pag aayos ng buhok habang hinihingal.

"Oh ba't parang nakakita ka ng multo?Binilisan ko talagang bumalik dahil baka ano mangyari sayo."Mangyari?Bakit ano ba ang mangyayari sakin?

"Ito na yong pagkain mo.Dinamihan ko talaga para mabusog yung callie namin!Dali na!"

Excited ko namang hinawakan ang tinidor at pinaikot iyong carbonara na nasa harapan ko.Pero bago yun.

"Salamat po god sa pagkain.Amen!"
Isinubo ko kaagad pagkatapos.

"Ano masarap?"

"Hmmh!!Hmmh!!"Tumango tango naman ako ng parang bata.Mukhang nakahinga na rin ito ng maluwag at nakangiti na rin itong kumain.

"Announcement!!This is Ley Guivara,student council of this school.We have no class this afternoon because of sudden meeting.Thank you!"

"Ang galing trin!!"Nilinga linga ko ang paligid."

"Saan ng galing ang nagsalita na iyon!?Hindi ko manlang sya nakita."Ngumuso ito dun sa gilid.

"Sa speaker nang galing iyon callie."

"Ang galing lang."

Hinihintay na namin ngayun si tita.Ito ako ngayun kumakain ng lollipop at pinaglalaruan.

Natapos na rin akong libutin ni trinity sa school. Hindi pa namin tuluyang napuntahan ang iba dahil sa ang laki ng university.Pero okay lang kasi sabi ni trin sasamahan na daw kami ni ate sa susunod.

Lumapad naman ang ngiti ko ng huminto sa harapan namin ang kotse ni tita.

" Sumakay na kayo girls!!"sigaw ni tita.Binuksan naman ni trin ang pintuan at pina una akong pinapasok.Pumasok na din ito saka pabagsak na sinara ang pinto.May hinahanap si tita ng tuluyan na kaming makasakay.

"Hindi nyo kasama si Clariz?"

"Busy sya ma.May tinatapos daw na reaction paper.Hayaan nyo yun,masyado kasing oa pagdating sa grades.Kailangan daw magpakitang gilas."Agad nitong sinalpak ang headphone pagkatapos sumagot.

" Tita mamasyal po tayo?"Nakangiti naman itong tumango saka pinaandar ang sasakyan.

"Saan mo ba gusto mamasyal baby callie?"

"Sa simbahan po!!" Napagitla naman si trin na para bang narinig nito ang sinabi ko.

"Are you sure!?"

"Opo!Diba trin!?"

"Yeah!"Napabuga nalang ito ng hangin.

" Okay!Simbahan here we go!!"Masayang saad ni tita.Napa palakpak nalang ako sa saya.

My Girl Is An Angel:The ChangesWhere stories live. Discover now