25

169 9 1
                                    

The students grew in me, already. "So, Grade 10 Sapphire in my final demo. We decided, na ang section nyo ang gagamitin for that day. Is that okay?" I asked with british accent.


"Yes, Princess Ma'am!" napatawa ako sa sagot nila. 


"Sige, that's it for today. Goodbye, class." inayos ko ang nga gamit ko saka sila tumayo para yumuko.


"No need to that na, goodbye class." I said. Ganyan ang mga nangyayari sa buong linggo ko, today is Saturday. I decided na magbalik-loob sa painting. Ngayon, ay nakahanda na ang mga gamit ko para sa painting session for today in my room.


Nag-breakfast muna ako before umakyat ulit. Naligo ako saka nagbihis ng isang jogging pants at isang sando na pinatungan ng  sweater.


"Ah, grabe. Patay na ang aircon, malamig pa rin."


Nagsimula akong mag-sketch ng portrait ng isang artista. Mahirap mag-sketch lalo na kapag ganitong inaasikaso ko ang final demo ko next two weeks, saka ang mga paintings ko. 


Sa mga nakaraang linggo, naging excuse ko ang paggawa ng mga visual aids ko para makalayo kay Chance, grabeng torture yan, for life! Hindi ko alam pero sa mga araw na nabalik sya rito at tinu-turn down ko sya, makikita mong nasasaktan sya, I mean, as his friend di ba? 


Tapos, ako lang ang kasama nya rito na halos kilala na sya.  Pero, kapag inaccept ko sya, paano naman ako? Ubos na ako, mas mauubos pa. 


I'm... saving myself. 


"Almost is never enough, so close to being in love. If I would have known that you wanted me.. the way I wanted you.And maybe we weren't in two worlds apart, but right here in each other's arms. But almost, we almost knew what love was. But almost is never enough,"


"Ah, grabe." napa-stretch ako for a second. "Oh, si Papa. Anong oras na ba?" napatingin ako sa orasan, "alas dos na ng hapon, hindi pa ako nakain ano kayang meron--"


Sinagot ko ang tawag, "Hello, Papa?"


[Anak, busy ka ba?]

"Ho? Bakit ho? Hindi po, Pa." sinabayan ko ng kain ang pagka-usap kay Papa. [Yung Mama mo kasi, inatake sa puso. Nandito kami sa hospital, kailangan ko muna ng magbabantay sa nanay mo, anak]


Nang marinig ko yon, parang gumuho ang mundo ko. Ayaw yata sa akin ng universe, mafia siguro ako nung past life ko kaya sunud-sunod na kamalasan ang nangyayari sa akin.


"Pa.. punta na po ako, pasend na lang po ng location."


[Sige, anak, salamat. Kailangan din kita ngayon..] my Papa seems to breakdown. Hindi pwedeng ako rin. Kailangan kong maging matatag sa kanila.


Hindi na ako nagpalit, tumakbo ako agad palabas ng bahay. "Kuya, ako nalang po magda-drive." kinuha ko ang susi saka sumakay sa kotse. Hindi sya nakasagot agad kaya pinaandar ko na agad yung kotse. Literal na naka-pambahay ako pati ang ang tsinelas ko. Kinakabahan ako sa biglang ganon ni Papa. 

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon