Ano ba ang pulitiko? Isa lang naman ang pumapasok sa utak ko kapag naririnig ko ang pulitika, syempre may pulitiko. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng institusyon sa Pilipinas iisa lang ang wala akong tiwala, pulitika. Nakakalungkot na sa dami ng tumatakbo para raw maglingkod sa bayan ay iilan laman ang pawang totoong may puso para sa bayan. Sa lugar namin, isang bayan na malayo sa kabihasnan, talamak ang labanan sa pamilya ng mga pulitiko. Patayan doon, patayan dito. Walang hanggang dinastiya sa mga taong sakim na nakaluklok sa pwestong pilit pinag-aagawan. Isang patunay na maraming naghahangad sa pwestong nasa itaas ngunit inaayawan ang nasa ibaba. Isa lamang naman ang katotohanang dapat nating tanggapin sa buhay na sakop ng pulitika, kung sino ang nasa kapangyarihan, naroon ang kasalanan. Walang makapagtatanggi ng katotohanang iyan sapagkat walang nakaupo na ninais tumayo para lamang matanaw ang mga taong nasa ilalim ng kanilang silya. Nakakadismaya, walang umuunlad na pilipino dahil sa kasamaan at kasinungalingan. Kaninang umaga habang sakay ako ng pampasaherong jeep. Binati ng driver ang nasa pinakahuling upuan ng jeep kung ito daw ba ay bayad na, ang isinagot ng pasahero ay hindi pa, maghintay ka. Nag abot ng isandaang piso ang pasahero at tinanong ng driver kung wala daw ba itong barya.Sumagot ang pasahero ng wala. Wala namang kapansin pansin sa ikinilos nya ngunit sa aking pagmamasid bago sya mag abot ng isandaan ay may hawak na syang walong piso na sapat na pambayad sa jeep ngunit isinoli nya ito sa kanyang bulsa ng binati sya ng driver kung nagbayad na sya. Wala syang maling ginawa, wala syang batas na nilabag ngunit kaakibat ng kanyang ginawa ang pagsisinungaling. Kung iuugnay natin ito sa pulitika, ilan na nga bang nakaupo sa pwesto ang may ginawang mali ngunit di napaparusahan dahil sinasabing hindi naman labag sa batas? napakarami ngunit patuloy tayong nagbubulagbulagan dahil sila ang nakaupo sa kapangyarihang tao din mismo ang nagluklok. Nasa atin ang pagbabago, nasa atin ang simula kung kaya't nararapat na bago bumoto ang isang mamamayan ay piliin nya ng mabuti ang kanyang iboboto dahil walang mawawala sa kanya sa malaking paraan ngunit unti unti syang inuubos ng maliit na pamamaraan ng mga pulitiko upang magkamal ng malaki sa kanilang pansarili at maduming intensyon.
