1

483 2 0
                                    

10.KAIBIGANG ARTIFICIAL- Tinatawag itong artificial dahil hindi tunay. Samakatuwid isang peke! At tinatawag din itong "plastik". Nakow! Sila yung mga kaibigan na imbabaw lang ang drama. Pag nakaharap ay okay madalas kang purihin to the max at nagsasabing magaling ka, kahit hindi naman pero ito na talaga... pag nakatalikod na ay wala nang pakialam puro negatibo na ang sinasabi tungkol sayo.

9.KAIBIGANG TALANGKA -Ito naman ang uri ng kaibigan na may pag iisip na "crab mantality". Ito yung kaibigan na ayaw na nasasapawan. Natatakot silang mapag-iwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nag papahuli maliit man o malaking bagay pa yan sila ang no.1 fan mo at sila rin ang no.1 na hihila sayo pababa.

8.THE PARASITES- Sila ang kaibigan na kung tawagin ay "the blood sucker" parang linta kung kumapit. Sisipsipin nila katas at dugo mo pati libag mo hihimurin nila hanggang masaid ka. Eeww! Sila ang kaibigang lalapit lang sa oras ng gipit, nagiging malambing at nambobola kung kinakailangan at iiwan ka na sa ere pag nakuha na nila ang gusto nila.

7.BODYGUARDS- Ito naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Sila yung kaibigan na namimili ng pakikisamahan na kahit  magmukha ng alalay okay lang. Pero ang gusto nila ay yung mga maganda or gwapo, astig pumorma, mayaman, at sikat. Naiisip nila na pag nakisama sila sa mga    ganitong tao ay magiging "cool" na rin sila tsk galing noh!

6.KA-I-BI-GAN- Ito yung mga kaibigan na may "hidden desire" hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa don kung dumiskarte pasimple sila yung kaibigan na may lihim na pagtingin sayo na dadaanin ka muna sa simpleng pakikipag kaibigan pero sa huli manliligaw na pala.

5.THE MUSHROOMS-Ito naman ang kaibigan na may ugaling kabute singtigas ng bakal ang mukha at hindi man lang tinatablan ng kalawang present pag may "libre" sila ang mga kaibigang bigla na lang lilitaw pag may birthday,outing at kung anu-ano pang okasyon na may handaang bongga asahan mo pag tumama ka ng lotto! Hindi mag papahuli yan sa balato. Nakapila na yan as bodyguards. Zba matinde.

4.THE TRAITORS-Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Tinuring mo silang kaibigan pero hindi kanila tinuring kaibigan. Tss parang wala lang (ay anu daw)

3.BROTHERS/SISTERS-Sila ang kaibigan mo na tinuring mong kapatid dahil napamahal na siya sayo sila yung taong nakakatanda sayo at mapag kukunan mo ng matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan, game lagi at hindi boring kasama.

2.GOLDEN FRIEND-Ito naman yung kaibigan na sobrang tagal nyo ng mag kakilala maluma man ang panahon hindi ka parin kinakalimutan, mapapagkatiwalaan at kilalang kilala kana.

1.TUNAY NA KAIBIGAN-At last sila ang kaibigan na pinaka rare sa lahat. Totoong kasama at hindi mapagkunwari. Super hero kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo parin sila yung taong hindi nakakalimot kahit tumatanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nag papasaya sayo sa oras na malungkot ka. Magkaiba man ang bawst pananaw at prinsipyo sa buhay,nananatiling bukas parin ang wallet este ang isip upang makinig sa kahit anung drama meron ka. MABUHAY KA KAIBIGAN.

Oh, ikaw kaibigan sinu sino na ba dyan sa sampu ang naexperience mo? At kung sakaling ikaw nman alin ka ba dyan sa sampu.

ibat ibang uri ng kaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon