Chapter 16

185 15 7
                                    

I was too stunned to react kaya nakaalis na siya't hindi pa rin ako nakakapagsalita. Kumurap-kurap ako nang makabawi.

Nagkatinginan kami ni Chi at matapos ang ilang segundo'y sabay kaming bumaling sa pinto na tila sabay naming naisip ang susunod na gagawin.

I already opened the door halfway nang maabutan niya ako.

"I'm sorry, Ma'am. Congressman Joaquin's orders were clear. Wag ka raw munang papasukin," kinakabahang ani ni Chi.

Sa gilid ng aking mata'y kita kong nakatingin sa amin si Joaquin. Hindi siya kumontra sa sinabi ni Chi and even sat down on his chair to work as if nothing was happening in the door of his office.

Hindi ko na nakayanan. I gaped at her in disbelief as I turned to Joaquin who was still ignoring me.

"I-Ibig ko pong sabihin na ang sabi ni Sir na wag daw munang magpapasok ng kung sino sa opisina niya."

I tried to find words to assert my right to be here pero kahit anong daang makita ko'y palaging may harang. Ngayon ko lang na-appreciate ang privilege kong makapasok at makalabas rito kahit kailan ko gusto.

I guess Henessy must've been very believable when she told Joaquin about what I said to Julianna.

Natigilan ako dahil sa naisip na iyon. Paano niya nalamang may napag-usapan kaming ganoon? E kami lang naman ni Julianna ang nag-uusap doon?

"I'll escort you out na po," wika ni Chi.

My hands fell to my sides when I accepted that there was no way out of this. Wala na akong paraang makapasok dito gayong alam niyang ginagamit ko lamang siya.

Nanghihina akong bumaling sa loob. I managed to catch Joaquin's eyes pero agad naman niyang ibinalik ang tingin sa mga papeles.

Bumaba ang tingin ko sa kapeng binili ko sana para sa kanya.

"Let her in, Chi."

My head bobbed up in attention because of what he said. Sa apat na salitang iyo'y bumalik ang pag-asa sa aking katawan.

"Sir?" pagkaklaro niya.

"Papasukin mo," wika ni Joaquin, hindi pa rin sinasalubong ang aking mata.

Chi curiously looked at the both of us na tila nakikiramdam sa paligid kung bakit bigla na lang nag-iba ang utos ng boss niya. I was as confused as she was.

"Pasok na po," mahinang sabi ni Chi at siya na mismo ang nagtulak sa pinto. Pagpasok ko'y isinara niya na rin ang pinto so I was left standing there as I stared at Joaquin, frowning at his papers.

I decided to act like Henessy didn't happen. If I raise the topic about what she said then there's a big chance na tuluyan na talaga akong pagbabawalan dito. Mas mainam na magkunyari na lang akong wala akong nalalaman.

It's what I'd do if I find out that a journalist has been taking advantage of my kindness when she's actually been snooping around the entire time.

A very bad way to put what I've been up to in the past few months but it was the truth.

Ibinaba ko na muna ang gamit ko sa sofa bago maingat na lumapit sa mesa niya. "Binilhan kita ng kape," mahina kong sinabi as I set the cup on his table.

Hindi siya umimik kaya bumalik na lang rin ako sa aking upuan. I scanned through my emails as I sipped on my own coffee.

Nagdaan ang oras at hindi niya pa rin ginagalaw ang kape. Pumasok na muna ako sa CR para umihi at nang makabalik ako'y wala na ang kape sa mesa niya. It was already on the trash can beside his table.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon