Kabanata 2

3 1 0
                                        

Sign this.

"Mom! Hindi ko naman sinadya eh."

Kanina pako nagpapaliwanag sa kanila, kay mommy ayaw niyang maniwala!

"That wasn't the first! And worst, may suspension slip ka na!" marahas na tugon ni mommy.

Tinubunan ko na lang ng kumot ang mukha ko. Tsk! Hindi ko naman alam na grabe pala yung ginawa namin. Wait, ano bang ginawa namin? Aside sa pagtambay do'n, eh wala na! Ano ba pinagmamalaki nila? Napagalitan pa'ko!

"I'll call your dad..." rinig ko si mommy.

Inalis ko ang kumot sa mukha.

"Mommy naman. Magagalit yon sakin!" sabi ko.

Umupo na ako para makaharap siya. Nakatayo siya sa harap ko. Nakamuwestra ang mga braso sa dibdib. Nakataas ang kilay.

"Aba syempre. Look, may nagawa ka ulit na kabalastugan. Sabi sakin nung professor sa Special Section, sumagot-sagot ka raw!" suminghap si mommy. Parang nagpipigil siya sa galit. "I've been protecting your name to them, Lorie. Sana naman, magtino ka." pumungay ang kaniyang mata.

Pumikit ako. Ano gagawin ko? I'll set aside my always routine? Ang kalimutan na ang tumakas? That's my freakin' life! At kahit sino, walang makakaputol don!

Iniwan niya na ako. Nagsalukbong ulit ako ng kumot. Siguro ay napagod si mommy kakakumbinse sakin. I'm hard to convince, honestly. Naaawa rin naman ako sa kanila eh. Gumagastos sila ng pera sakin for clearing my dirt. Pero hindi ko yon hinihingi sa kanila! I didn't beg to them for a help.

Nasuspension kami ni Malice ng isang linggo. Isang linggo talaga. Parang magkakasakit ako sa isipang hindi ako makakatakas ulit. Gusto ko pang magpunta sa ibang buildings! Tsaka, I'll miss my routine these, sa school. Papasok. Tatakas. Uwi sa bahay. Totally that cycle.

"Si mommy, sinumbong ako kay papa..." pauna ko.

Natawa si Malice sa kabilang linya.

"Baka sinagot sagot mo rin?" aniya.

Kumunot ang noo ko.

"No syempre. Inexplain ko lang sa kaniya ang totoo. I hate lying kaya. Charot." natawa ako.

She chuckles. "Gaga ka talaga. Eh yung daddy mo? Ano ginawa sayo?"

Si Amastrude Jackson Diegos, o si  daddy ang pinakaterror sa lahat, I swear. Sigurado akong ayaw mo siyang maka-away sa debate. Hindi nauubusan ng sasabihin! Eh kasi naman, Prosecutor siya. Isa si daddy sa pinaka-on demand Prosecutor sa bayan. I remember, lumuhod sa kaniya yung isang client dahil gustong magpa-imbestiga sa isang krimen. Eh si daddy, busy that time, hindi niya inalok.

"Takot na nga ako eh. Baka sampalin ako nun ng libro sa law!" I chuckled.

"Hala ka diyan! Ihanda mo na utak at bunganga mo!" aniya.

Natawa ulit ako.

The following days, nagreport ang head ng Special Section na si Sir Gersen Manhattan, yung umusig samin sa office about sa pagbabalik namin sa school.

"Instead of one week, ginawa nalang 3 days." si daddy nagsalita, hawak ang diyaryo sa right side ng hand, at phone sa left side.

Ngumisi ako. Mabuti! Kasi nakakabagot dito sa bahay. At tsaka, pagod na katawan ko!

Noong nalaman ni daddy na isususpend ako ng one week, hindi siya nagalit. Guess what? Binilhan ako ng damit pang-linis at sinali sa ginagawa ng kasambahay! Three days akong naglinis at kumain ng alilabok, three days na paghuhugas ng plato na halos lahat ay basag, tatlong araw na mabaho ang damit namin dahil hindi ko na-ayos paglaba. Kasalanan ko ba eh hindi naman ako sanay?!

Magugustuhan mo rin ang

          

"Ligtas ka na sa trabaho." nagsalita si daddy.

Tumango tango ako. Pagdating sa kaniya, tameme bibig ko. Baka ipa-request niya kay sir Gersen na i-extend suspension ko! No way!

"I hope you learned something. I guess?" si mommy na.

Alam ko, nag-aalala siya sakin. Nong nakikita niya kong gumagawa ng gawaing bahay, gusto niya kong tulungan pero bawal. May cctv si papa! Masyadong matalino!

"Yes mom, dad. Minsan na lang ako tatakas." tumingala ako sa kanila. Nagulat sila. "Promise!"

Nasapo ni daddy ang noo niya. Nagpipigil sa tawa si mommy. What? Totoo yon! Siguro mga four times a week na lang? Para may one day akong rest. Maybe?

Kinabukasan, balik kami sa pagpasok. Nagkita kami ni Malice sa likod ng canteen, nagkwentuhan kami don. Nandon din si Alberto. Wait, akala ko ba break na? Baka malapit pa. Shutang relasyon yan. Kumakapit pa.

"Eh sayo. Ano sabi? Binawian kaba ng gamit?" sabi ko.

Umupo kami sa lumang bench dito. Wala namang gaanong dumadaan dito. May iilan, pero nilalagpasan kami. Eh kalat na sa whole campus eh, pina-stop daw kami sa pag-aaral! Diba? Grabe ang tsismis kung kumalat.

Tumawa siya. "Walang ginawa sakin. Actually, they just ignored me. Eh ano ba ini-expect ko sa kanila? They wouldn't even care about my freakin' life." nagkibit balikat siya.

I still know about her life, though. Kumpara sakin, her mom and dad were separated. Sa kadahilanang nakabuntis ng ibang babae ang daddy niya. Nakiusap pa nga sila sa daddy ko na tulungan sila na makulong yung daddy ni Malice, pero hindi yon magagawa ni daddy. Dahil bestfriends sila. Yung daddy ko at daddy ni Malice, hindi pa kami naipapanganak, magkaibigan na sila nang sobra.

That's why, minsan ay naiinis din ako kay papa. They need justice kasi! Tsaka, pwede namang dumulog sila Malice sa ibang ahensya pero hindi na lamang nila ginawa. Lalo pa't si daddy mismo nakiusap sa kanila na tigilan na ang lahat. Doon, ay mas sumiklab ang inis ko kay papa. How could he resist to not help them obtaining justice? Nakabuntis ang bestfriend niya sa ibang babae, tapos wala lang? Kung ako ang Prosecutor, I would the one to kill that man! Kaso hindi eh, masyadong madaya ang mundo.


"What's next? Billard tayo?" alok ko. Tinapon ang wrapper ng juice sa bench.

Humalukipkip si Alberto. "Hmm, pwede naman. Pero baka hindi kayo papasukin? They knew about your case, malapit lang ang billard sa school, remember?" aniya.

Nadisappoint ako. Oo nga naman. Few meters away lang yung billard dito, kaya gusto kong pumunta. Kaso, kalat na issue namin! Especially me! Yung apelyido ko!

Tumayo na ako.

"So saan tayo? Sa kabilang building ulit?" ani ko.

Binato ako ni Malice ng wrapper ng juice. "Shuta ka! Kakabalik lang natin, pinag-iinitan pa tayo nun!"

"Wait, si sir Gersen ba nag-usig sa inyo? Dapat ay hindi ganito kalala ang inabot niyo. He's not that disciplinary teacher, naaawa pa rin yon." si Alberto.

Nabigla ako don. Hindi niya alam na iba ang umusig samin. Pero umibabaw sakin ang galit na mukha nung lalaki! Siya ang nagbigay ng parusa samin! Siya nagsuspend samin! Siya yon!

"Ah uhm, oo siya. Hindi ko nga alam kung bakit eh." si Malice na sumagot.

I'm not good at lying.

Nagtaas siya ng kilay. "Oh? Ganon pala kagrabe ginawa niyo ha?" natawa siya. Lumandas dimple niya.

Ngumisi ako. "Y-yup? Ewan, baliw siguro yon." ani ko.

Wahid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon