CHAPTER 9
Pagadating nila sa ospital ay hinanap kaagad ni Jenie ang doktor para umasikaso sa kanyang anak na may leukemia.
"Nars, may doctor naba na mag – aasikaso sa anak ko? May leukemia kasi siya at dehaydrated na."
"Opo, ma'am, tinawagan ko na po si doc at pababa na siya rito sa emergency room. Sa ngayon, mas mabuti pong sa labas muna kayo maghintay."
Pumanatag na lamang ang loob ni Paolo at Jenie ng lumabas ang doctor at sinabing maayos na ang lagay ng bata. Nakaranas raw ito ng matinding trauma kaya mas minabuting magpahinga muna.
"Doc, kumusta ang sakit niya? Hindi ba 'to lumala?" tanong ni Jen.
"Sa ngayon kailangan natin ng maraming dugo para abunuhan siya."
"Ako po, doc same blood type kami ng anak ko." singit ni Paolo
"Magaling, ipapaayos ko muna ang schedule para masimulan na natin ang pagkuha ng dugo mo."
Lumabas muna saglit si Jenie upang makakuha ng signal para kumustahin ang ina na nasa ospital rin.
"Hello, Mika?"
"Oh, Jenie, kumusta na? Nakuha naba ninyo si Jake sa hibang na Bianca na'yon?"
"Oo, andito kami sa ospital kasi na-dehydrate siya at sa ngayon ay inaabunuhan siya ng dugo ni Paolo. Kumusta na nga pala si nanay dyan?"
"Chomatos parin siya, Jen pero stable naman ang kanyang kalagayan sabi ng doctor kaya 'wag ka nang mag-alala dahil binabantayan namin siya lahat rito pati mga kapitbahay natin sa apartment ay nagtulong – tulong para mabili ang lahat ng gamot."
"Ganun ba...." Umiiyak ako habang narinig lahat ng sinabi ni Mika.
"Pakiabot na lamang ng pasasalamat ko sa kanila Mika, ha? Hindi ko pa kasi alam kong makakabalik ba kami diyan kaagad o hindi kasi hindi pa nahuli ang mga magulang ni Bianca."
"Hala, sige mag – iingat ka Jen at 'wag mo kalimutang magdasal, huh?"
Pinuntahan ni Ian si Bianca sa presinto kung saan siya dinala ng mga pulis dahil hindi maawat sa pagwawala.
"Hello, Bianca? Kumusta ka na?"
Ni hindi man lang siya kinibuan nito't patuloy ito sa pag-iyak, naka-upo abot ang dalawang tuhod at nakatingin sa pader.
"Pasensiya ka na at hindi ko sinunod ang mga plano mo, kasi akala ko hindi kasali dito si Jake."
Biglang napaatras si Ian ng biglang hablutin ni Bianca ang dala niyang bag.
"Ibigay mo sa'kin yan dahil gusto kong makausap si Paoloooo" pagmamakaawa niya.
"Bianca please stop it, nahihibang ka na!"
Tuloy – tuloy parin sa pag-iyak si Bianca at sa panahong ito'y nagsisigaw pawang si Paolo ang hinahanap. Kaya nagdesisyon na si Ian na tawagin ang pulis. May kaunting kurot sa puso niya ng makita si Bianca na nagwawala ng dahil lamang sa pag-ibig nito kay Paolo. Kinausap niya ang hepe at iminungkahi na dalhin siya sa isang espesyalista dahil sa tingin niya'y nababaliw na si Bianca.
While on the hospital.....
Habang nagtutulog si Jake ay nakabantay naman lagi si Jenie sa tabi nito at hinihimas ang ulo ng bata. Napansin niyang bumuka ang pintuan at bumungad si Paolo.
"Pasok ka, kumusta na ang pakiramdam mo?"
Hindi pa natapos si Jenie sa pagsasalita ng bigla siyang yakapin nito.
"I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat na'to. Kung hindi ako pumayag na pakasalanan si Bianca ay hindi sana tayo aabot sa ganito."
"Tumigil ka na at 'wag mo nang sisihin ang sarilli mo."
Kumawala si Paolo sa pagkakayakap at tinitigan si Jenie.
"I miss you....and i....love you...i always do."
Pagkatapos sabihin nito ni Paolo'y binigyan si Jenie ng mainit at mahabang halik. Naputol lamang ito ng nagising ang kanilang anak.
"Mama? Papa?"
"Anak!"
"I'm hungry."
"Ano ang gusto mong kainin?"
"Chicken,mama."
"Ok, anak kakainin tayo ng marami so we'll become stronger."
"Like papa?"
"Yes, like papa anak."
Nagkayakapan at naghalakhakan kami.
Matagal ring nag – antay ang mga pulis kay Bianca na lumabas sa CR kaya kinatok na lamang ito ni Ian. "Bianca, are you dear?" Binuksan nito ang pintuan at galit na tinitigan si Ian. Napansin ni Ian na parang may pinasok si Bianca sa bulsa pero hindi na lamang niya ito pinuna dahil baka issue pambabae lang ito.
"Pwede ba 'wag mo akong hawakan dahil kaya ko namang maglakad mag-isa."galit na pahayag ni Bianca sa pulis.
"Hayaan n'yo na lamang siya." Saad ni Ian.
Bago pumasok si Bianca sa sasakyan ng mga pulis ay tinawag muna niya si Ian, lumapit, hinaplos ang dibdib papaakyat sa mukha at nilalaro ang mga labi gamit ang mga daliri bago bumulong na.....
"You don't know me well" pagkatpos ay ngumiti at tumalikod. Naiwang napalunok si Ian dahil hindi niya alam kong ano ang ibig sabihin ni Bianca.
Hindi pa lang nailapag ni Ian ang mga gamit sa mesa ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Hello?"
"Is this Doc. Ian Reyes?"
"Yes, speaking, sino po sila?"
"Isa po akong pulis sir, at gusto ko lamang po na ibalita na 'yong suspect na babae na trinavel kanina ng mga kasamahan namin ay nakatakas."
"Anooooo? papaano po nangyari?"
"Tinambangan po ang sasakyan na sinakyan nila kaya patay po lahat ang nasa loob liban na lamang sa kanya."
Tinawagan kaagad ni Ian si Paolo upang ibalita ang hindi magandang nangyari. Sa kabilang banda, nasisi rin niya ang sarili dahil nagpadala siya sa drama ni Bianca."Napakatalino mo Bianca at naisahan mo'ko." Saad ni Ian sa kanyang sarili habang nagmamadali na nagmaneho papuntang ospital kung saan andoon si Jenie,Paolo at Jake.
Abangan: Alamin ang mas karumaldumal na aksyon ni Bianca para makapaghigante lamang kay Jenie at sa anak nito.
Please don't forget to vote and leave a comment. It means a lot :)
Thank you so much and God bless :)
YOU ARE READING
The Love
RomanceJen, a boyish and talented woman, meets Paolo, a "chinito and chicks magnet" are college sweethearts. But because of cultural tradition and family problems, Pao needs to leave Jen not knowing that she is pregnant. Bianca's family is so desperate to...