Kinabukasan ng magising ako sa mahimbing kong pagkakatulog ay agad na akong nag inat at bumangon, dinig ko na ang ingay ni ate Emil at ate Abbie sa labas ng kwarto
"Talaga? Sagot mo na ang dress ko for tonight?" masayang tanong ni ate
"Yeah and to Jessy and tita too" magiliw na sabi ni ate Emil
"Ay mabuti naman ija. Salamat kung ganoon, pinagiisipan ko pa nga kagabi kung saan ba ako makakahagilap ng isusuot naming mag iina mamaya eh" tumatawang sabi naman ni mama
Inaayos ko ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto, natigil sila sa pagkwekwentuhan ng makita ako rito mula sa taas
"Jessy! You're awake" bati ni ate Emil
"Goodmorning"sabi ko at bumaba na
"Anak gumayak ka na agad, at sasamahan tayo ni Emil pumili ng damit na maiisuot mamayang gabi" nakangiti si mama, tumingin ako sa kaniya bago tumango, ng matapos akong maligo at magbihis ay umalis na kami ng bahay at pumunta sa isang mall
Kasunod lang kami ni ate Emil sa paglalakad hanggang sa tumigil siya at pumasok siya sa isang store "hi Jina!" bati ni ate Emil sa isang babaeng naroon sa loob
"Hi Emiilll!" magiliw na bati rin ng babaeng matanda na ng kaunti, lumapit siya saka yumakap at humalik kay ate Emil "anong maipaglilingkod ko Ms. Sivella?"
"Haha! You're so formal it's just me" sabi ni ate Emil habang tumatawa "I'm here to look some dress that would suitable for this three gorgeous girls" sabi ni ate Emil at ipinakilala kami sa hindi naman gaanong matandang babae, mga fourty seven years old lang siya ganoon!
"Hello!" bati ng babae na may pangalan na Jina "come, I'll show you my best designs" sabi nito at iginiya kami patungo sa loob
Pumasok kami sa isang room na maraming manekin at nakasuot sa mga ito ang magagandang dress, halos mapanganga ako sa ganda ng mga iyon, matagal ko ng pangarap makapagsuot ng mamahaling dress at gown
"It's one of my newest design, this silk is made in korea and if you noticed I use some expensive stones here" sabi ni Jina habang bahagyang hinihimas ang gold na maliliit na bato sa damit nito, napakaganda! Sana ay balang araw ay makapagsuot din akong ng ganiyang kagandang damit at sana sa araw na iyon ay maganda na ang hubog ng katawan ko
"Maganda kaso mukang ang mahal niyan, sa bato pa lamang ay halatang napakamahal na" sabi ni mama
"Ano ba tita, don't pressure about the cost you're free to pick one of the best for you and anyways it's mom and dad's treat naman" sabi ni ate Emil
Napangiti si mama habang hinihimas ang bawat parte ng damit "what do you think Mrs? It's beautiful right? I'm sure that one will suits you"sabi ni Jina
"Sige ito na lang" nakangiting sabi ni mama, sumunod namang ipinakita ni Jina ang isang tube silver dress
Napakaganda talaga!
"This one is my best design too but ginawa ko 'to six months ago, some find this very expensive so they didn't want to take it. Well I have no choice I patiently make that one, and anyways that silk is imported from japan so that was so really expensive " natatawa pa si Jina ng sinabi iyon
"Well, I think if mom and dad will hear that they don't care how expensive that one so Abbie take that one for me" sabi ni ate Emil, nakangiti, namilog ang mata ko. Napakamahal niyon ngunit binili pa din ni ate Emil para kay ate, hindi ko maiwasang mainggit, kung payat sana ako ay kasiya rin iyon sa akin.
"Wahh! Really Emil?" tuwang tuwa si ate, hindi ko pa din makakalimutan yung ginawa niya kagabi, hmp!
"Yeaah, I think that one will fit you" sabi ni Jina
BINABASA MO ANG
Because she was Hurt (ongoing)
Teen FictionJessy Rivera, is a fat woman and a daughter of a poor couple, wants revenge for the death of her parents. He will go through many trials until she finds out that it has a connection to the person she loves. She will do everything to find out the tr...