Shalani's POVTulad ng dati para pa din akong nabubuhay mag-isa. Mas madalas wala si Papa at naiiwan ako mag-isa sa bahay. Kaya sa condo napili ni Papa kami tumira kasi mas safe daw ako kahit madalas syang di umuwi dahil sa work nya. Nasanay na din ako asikasuhin ang sarili ko. Di na kumukuha pa si Papa ng kasambahay dahil nadala na ito ng nakawan kami.
Maaga akong nagising para asikasuhin ang sarili ko. Nag-grocery na din ako kagabi para di ko na kailangan lumabas pa pag nagutom ako. Di naman nagkulang si Papa mag iwan ng budget at laging sobra pa. May extension din ako ng atm nya at credit card, incase daw may biglaan dapat bayaran at wala pa sya.
Naliligo na ako ng biglang pumasok sa isip si- Liam.
Hmp! Nakakainis. Bakit ba dyan pa sya nakatira sa kabila-
Natigilan ako sa huling naisip ko.
Ibig sabihin lagi ko sya makikita? Bahagya akong kinilig sa naisip ko.
My girlfriend na sya. Saka di naman pwedeng maging kami. Bigla akong nalungkot.
Ano ba pinagiisip mo Shani? Nababaliw ka na! Kahapon mo lang sya nakita tapos ganito ka na. Over! Maging kami agad iniisip ko? Waaaahhhhh...
Mukha ng baliw pero kinakausap ko sarili ko. Wala din naman kasi akong nakakausap dito.
Crush lang pwede 'yon! Di nya naman malalaman saka imposible talaga magustuhan nya ako kahit maganda naman ako. Hindi ako ang tipo nya. Si curly- 'yon Biancang 'yon ang girlfriend nya. Inoff ko na ang shower at tinuyo na ang sarili ko para makapagbihis na.
Simula ng matapos akong maligo at mag ayos wala na ako sa mood. Nalulungkot kasi ako sa mga naisip ko. Naglulumandi ako na parang ewan.
Paglabas ko sa unit ko ay nagmamadali na akong nagtungo sa elevator. Pasara na ito. Agad kong pinindot ang down button at swerteng umabot at nagbukas ulit ang pinto ng elevator.
Napangiti ako sa swerte ng umaga ko pero bigla din nawala ng makita ko kung sino ang nasa loob.
Si- si Liam.
Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko matatakbo palayo para magtago. Ewan ko ba! Gusto ko sya nakikita pero ayoko ng nakikita nya ako. Kinikilig ako isipin makasama sya pero naninigas ako pag nandyan na sya.
"Miss? Nangangalay na ako kakapress ng open button para di ka masarahan. Bababa ka ba o tatayo ka lang dyan" may inis sa himig nito.
Sa ikatlong pagkakataon, mukha nanaman akong tanga sa harap ni Liam.
Ano ba naman Shani? Di ka naman ganito? Mukhang nagiging slow ka na masyado ngayon!
"Kung di ka papasok isasara ko na'to." seryosong turan nya.
Nagmamadali akong pumasok at pumuwesto sa kabilang dulo. Feeling ko naman di nya ko makikita pag doon ako nakapwesto.
Ang init naman dito sa elevator! Reklamo ko sa isip ko.
"Hindi naman ah"
Nagulat ako sa pagsagot nya.
Shocks! Di ko na ba talaga macontrol ang pagsasatinig sa mga iniisip ko?
Napayuko na lang ako para makubli kahit paano ang pamumula ng mukha ko.
"Oo. Sige lang"
Muling narinig kong sabi nito. Napataas ang kilay ko.
Hay! Ano ba 'yan talaga bang lahat ng iniisip ko nasasabi ko ng malakas!
"Yes!" muling sagot nya.
BINABASA MO ANG
I Never Dreamed
Teen FictionCrush is paghanga sometimes nawawala. What if, hindi mawala at lalong lumala? Love na ba agad? Di ba pwedeng super duper or ultimate crushie lang muna? Eh paano kung di ka naman gusto ng crush mo? Ano na mangyayari sa lovestory na inaasam mo? Gagawi...