C24: New Character

12 2 0
                                    

Chapter 24 - NEW CHARACTER

Sandara's POV

"Tama na, Sandara," awat ni Wilb.

"No! I won't stop not until I saw Lhorr's suffering!"

"Halika na, Jorge."

I won't let her feel unthreatened of what I can do to her. Hindi sila puwedeng basta-bastang umalis lang. Hinila ni Lhorr si Jorge paalis sa kinatatayuan nila. Nang magpantay kami ni Jorge ay napatigil siya.

"I warn you about this, Sandara, but you never listen," mahina ngunit puno ng pagbabantang sabi ni Jorge. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Tuluyan na nga nila akong nilagpasan na parang wala lang nangyari.

Hindi ako dapat matakot sa kaniya. Mas malakas ang alas na mayroon ako kumpara sa lalaking nakaharap ko kanina. Alam kong mapipilay ko rin si Jorge at hihintayin ko ang panahon na 'yon. Siguro nanalo sila ngayon, pero nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Paglingon ko ay nakita kong ang unti-unting paglaho nila Jorge at Lhorr. Naramdaman ko rin na nagkaroon na pala ng saglit na kumpulan ng mga tao dahil sa nangyari. Seryoso lang tumingin sa akin si Wilb. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya sa akin.

Wala na akong pakialam doon dahil alam kong pandidirihan na ng mga nakakita sa nangyari si Lhorr. I am happy to see Lhorr became the center of attraction. It was my pleasure to know that she was embarrassed.

"Akala ko nga mabait siya. Mala-demonyo nga pala talaga ang ugali."

"Totoo nga ang sabi ng iba na masama ang ugali niya."

"Nakakahiya naman nang ginawa niya. Akala mo kung sino umasta, mang-aagaw lang din pala."

"I don't idolize her anymore. Akala mo kung sino. Si Lhorr na ngayon ang idol ko."

"Sandara is a slut! Hahaha!"

Natigil ako. Akala ko ay marumi na ang pagtingin nila kay Lhorr pagkatapos nang nangyari. Hindi ko inasahan na ako pala ang kanilang pinag-uusapan. Nawalan ako nang kontrol sa sarili nang marinig ko ang isang dambuhalang babae na nakatayo habang tumatawa.

"Hoy, babaeng drumstick! Anong issue mo tungkol sa akin? Puwede ko bang malaman, huh?" Napatigil siya sa pagtawa nang magsalita ako. "If I were you, magpapayat ka muna bago ka manghusga ng iba, okay?"

"Mabuti na lang napatunayan mong bully ka at masama talaga ang ugali mo," sabat niya.

"­Aba't―"

"Stop it, Sandara! Gumagawa ka na naman ng gulo dito," pag-awat sa 'kin ni Wilb.

Plak!

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Namalayan ko na lang na dumampi na sa kaniyang pisngi ang aking kamay. Nararapat lang iyon sa kaniya.

"Akala ko magkakampi tayo... pero nilaglag mo rin ako!"

"Kahit kailan hindi tayo naging magkakampi, Sandara."

Natigil ako sa sinabi niya. Naiwan ulit ako nang umalis siya. Hindi ko matagong masaktan dahil pinagkaisahan nila akong lahat. Mas nangibabaw ang galit ko kay Lhorr. Hindi dapat ako ang nagdudusa. Siya dapat ang nagkakaranas nito.

"Deserve mo 'yan, girl!"

Nagsitawanan ang lahat. Hindi na ako nakapigil at biglang tumakbo palayo sa mga taong kagaya nila. Magtutuos din kami.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon