~~Chapter 30 (Is It Really The Happy Ending?!)~~
Limy’s POV
Tumingin ako sa kanya.
“Alam mo.” Pagpapatuloy ko, “Mahal na mahal namin si Veron. Kung nandito ka simula nung dumating ang 1[) sa school namin hanggang sa ‘mamatay’ siya, malamang makikita mong kung paano kami namatay kasabay ng pagsi – sink in sa isip namin na patay na siya.” Sabi ko sa kanya. “Lalung – lalo na si Harry.”
Totoo lahat yun.
Lahat kami nasaktan sa pagkamatay ni Veron.
Tinalikuran niya ako at naglakad na siya.
Naiiwan ako sa dance studio.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Zayn ‘to.
Matanggap niya kaya ako?
“…magpaliwanag ka lang tatanggapin ka niya…”
“…magpaliwanag ka lang tatanggapin ka niya…”
“…magpaliwanag ka lang tatanggapin ka niya…”
Tama! Nagtitiwala ako sa sinabi ni Veron.
Mahal ko si Zayn.
At mahal niya ako.
“Limy?”
Para akong tuod na nanigas sa kinatatayuan ko nung marinig ang boses na yun.
Naman eh! Kasasabi ko lang eh.
Hindi pa nga ako ready magconfess eh.