ARIELLE P.O.V
- ARAW NG LINGGO
Maaga akong gumising upang sumama sa palengke. Madaming mga gagamitin sa pagluluto na dapat bilihin para sa aming munting salo-salo na gaganapin mamayang ala-sais ng hapon.
Nais ko ay isa ako duon sa mamimili ng mga bibilihin at ihahanda.
Nauna na akong sumakay sa Van naming gagamitin.
Nagulat ako ng sumakay din si Charles."Oh' bakit ka nandito? " tanong ko ng makasakay siya.
Ala-singco pa lamang ng umaga at madilim pa ang buong paligid. Hindi ko alam na gising na siya ng ganitong oras.
"I'll go with you. " maikling sagot niya.
Lumapit pa siya sa akin at halos siksikin na ako.
"Inaantok pa ako. Tulog muna ako saglit." saad pa niya.Hindi na ako pumalag dahil bago pa ako makapagsalita ay ginawa na niyang unan ang aking balikat.
Muling bumukas ang pintuan ng Van at si Nay Sally at ang dalawang maids namin ang muling papasok.
Magsasalita pa sana sila ng senyasan kong wag maingay.
Tumango na lamang sila at dahan-dahang pumasok.Si Tay Lucas na lamang ang kulang dahil nandirito na naman si Kuya Macoy ang aming driver.
Maya-maya rin naman ay dumating na siya."Wala na-
Hindi rin niya naituloy ang kanyang sasabihin ng senyasan kong wag maingay at itinuro ko si Charles.
Tumango-tango naman si Tay Lucas na may pilyong ngiti sa mga labi.
Kumpleto na kami kung kaya pinaandar na ni Kuya Macoy ang sasakyan at nagsimulang baybayin ang papuntang bayan.
Trenta minuto ang itatagal ng byahe at heto na naman ako sinusumpong na ng antok.
Inayos ko ang aking pag-upo at inihilig ang aking ulo upang umidlip saglit.
-
- BAGONG PALENGKE
PAMILIHANG BAYANNagising ako ng maalimpungatan.
Bahagya akong nagulat ng mapansin na hindi na ako sa upuan nakahilig.Dahan-dahan kong nilingon ang ngayoy naka-yakap sa akin.
"Goodmorning. " bati niya ng nakangiti.
Bakit habang tumatagal parang lalo siyang pumo-pogi sa paningin ko.
Awtomatikong nag-init ang aking mga pisngi sa isiping iyon.
Ilang beses pa akong kumurap-kurap .Hindi ba kanina ay ginawa niyang unan ang aking balikat?
Paano nangyareng ako na yung naka-hilig sa kanya at nakatulog ?
Bahagya akong lumayo sa kanya.Napansin ko agad na kami na lamang dalawa dito sa sasakyan.
"T-eka, nasaan sila? " gulat na gulat na tanong ko at paikot-ikot na hinahanap sila.
Napadako ang tingin ko sa labas.
"Oh my gosh!!! " dali-dali kong tiningnan ang orasan ko.Ala-sais na at nandito na kami sa palengke.
Mabilis akong lumabas."Teka! " rinig kong sigaw ni Charles.
Kaya binalikan ko ulit ito.
"Nasaan na sila? " aligagang tanong ko sa kanya."Namimili na. Ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita pinagising." tugon niya.
Napahawak ako sa aking sintido.
"Aish! Baliw ka. Kasama dapat ako! " inambaan ko siya na hahampisin pero nginitian ako kaya hindi ko na naituloy .
"Tara hahanapin natin sila." aya niya sa akin.
Agad din naman siyang bumaba.
"Bagong Palengke ." basa niya sa nakasulat na sign board na napalaki.
"Mas maganda kung New Market." suhestiyon niya."Sari-sari ka. Tara na." wika ko at nauna ng maglakad papasok ng palengke.
Humabol siya at umakbay sa akin.
Kaya napahinto ako at tiningnan siya ng masama."What? " nakangiting tanong niya.
Hindi ba mauubos ang kakangiti niya?
"Charles nandito tayo para mamalengke. Wag kang makulit. " saad ko at tinanggal ang kanyang pagkaka-akbay.
Naglakad na muli ako .
"Eto na lang. " hinuli niya ang aking kamay.
"Holding hands. " saad niya."Ang kulit mo. " sabi ko na lamang at hinayaan na siya sa kayang gusto.
Una naming pinuntahan ang isdaan.
" Oh ganda! Halina dine mura lamang at sariwa ang isda! " alok ni Manong Tindero.
"Ganda areh mapula pa ang hasang bagong huli ." saad naman ng isa pa.
Nginitian ko na lamang sila at umiling-iling.
Luminga-linga ako para hanapin sina Tatay Lucas. Ngunit wala sila dito.
Napatingin naman ako kay Charles dahil humigpit ang kanyang hawak sa aking kamay.
"Wala sila dito. Duon tayo sa gulayan." Wika ko pero hindi siya nakikinig at sa iba nakatingin.Sinundan ko ang kanyang tingin at nakitang nanglilisik ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga tindero ng isda.
Type niya?
Kinurot ko siya ng mahina. Dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Sabi ko duon tayo sa gulayan. Hindi ka nakikinig .""Tss. Tara at baka makapanapak ako dito. " badtrip na sabi niya.
Anyare?
Hinila niya ako paalis sa isdaan."Wait ! Duon ang daan." pigil ko ng mahalatang sa iba siya papunta.
Nilingon niya ako.
"Bakit ang daming nagsasabi sayong ganda? " inis niyang tanong sa akin."H-ah? " maang na tanong ko.
"Tsk! Yung mga magi-isdang matatanda puro ganda ang tawag sa iyo! " singhal niya sa akin.
Natawa ako sa sinabi niyang iyon.
"Haist! Anong nakakatawa? " inis na tanong muli niya.Umiling - iling ako habang hindi mapigilan na hindi matawa.
"Ano ba? " sigaw niya.
Sasagot na sana ako ng mapansin sina Tatay Lucas.
"Charles ayun sila ! " wika ko at mabilis na tumakbo papunta kina Nay Sally.
"Arielle ! Im still talking to you! " rinig kong sabi ni Charles .
Huminto ako sa pagtakbo at binalikan muli siya.
"Oh baka sabihin mong iniwan na naman kita. Bumalik ako aa " pagkasabi ko niyon ay hinawakan ko ang kanyang kamay at isinabay sa pagtakbo kahit ayaw niyang magpahila."Tatay Lucas ! Nay Sally! " hiyaw ko habang kumakaway pa .
Hindi naman ako nabigo at napatingin sila sa gawi namin.Hingal na hingal ako ng makalapit sa kanila dahil itong isa ay talagang pinahirapan ako sa paghila sa kanya.