SXAM POV:
Pag katapos namin mag tanghalian ni Nanay ay pupunta kami ngayon sa palengke para bumili ng mga gulay at karne. Bukas kasi ay kaarawan ng aking Tatay kaya naman kahit kami kami lang naman ang kakain ay nag handa pa rin kami kahit kaonti lang. Every year naman namin itong ginagawa eh! Kahit din naman sa kaarawan ni Nanay ganito din ang ganap pero pag ako naman ang malapit na ang kaarawan ay syempre nag kakaroon kami ng bisita.
Malapit na din pala ang birthday ko. By next month ay ako naman ang bi-birthday. Hays! Bilis ng araw umeedad na ako HAHA!!! Etchoss lang dahil bata pa ako
Umupo muna ako sa sofa at hinintay si Nanay na lumabas mula sa kwarto. Ang Tatay ko kasi ay nasa trabaho ngayon at mamaya pa ang uwi niya bago mag alas tres ng hapon
Ilang minuto ang na kalipas sa wakas lumabas na din si Nanay kaya naman ay tumayo na ako at pumaunang mag lakad palabas ng main door. Hinihintay ko na lang si Nanay makalabas sa main door dahil ako ang mag sasara ng pinto pati na din ng gate
"Ale ito mag kano na lang ito" Duro ni Nanay sa isang bungkos ng saging na lakatan
"Iyan? 45 na lang ang kilo niyan" Sagot naman ng tindera
"Sige kunin ko na iyan" At nag labas ng pera si mama mula sa wallet nito.
Mayamaya pa ay natapos na din kami sa aming mga binili tulad ng karne, gulay, isda at prutas. Sunod naman naming bibilhin ngayon ay ang maliit na cake para sa pag blow ni Tatay para bukas. Abala si Nanay sa pag pili ng cake na maliit habang ako ay naka tayo lamang sa tabi niya bitbit ang bayong na may lamang pinamili namin. Sa hindi inaasahan ay nahagip ng mata ko si Ylonna. Kumurap kurap pa ako ng mata baka guni guni ko lang iyon pero ng tinitigan ko ito ay talagang si Ylonna nga ang nakikita ko
May kasama siyang isang lalaki at hindi ko kilala kung sino yun. Medyo malayo siya saakin ng kaonti kaya hindi niya ako makikita. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa may humintong kotse sa harap nila at may bumabang dalawang lalaki mula sa front. Habang may isang babae naman ang bumaba mula sa likuran
"Sxamantha" Halos mapatalon ako ng kalabitin ako ni Nanay. Gulat na gulat ang dalawa kong mata ng tumingin kay Nanay na salubong naman ang kilay nito
"Tapos naba tayo Nay?" Sabi ko agad
"Kanina pa kita tinatawag pero wala kang naririnig. Ano ba ang tinitignan mo doon" Tanong niya at dumapo ang mata nito sa kabilang gilid ko kaya naman sinundan ko ito
Naningkit ang mata ko ng wala nakong Ylonna na makita. Mukhang umalis na siguro sila at doon siya sumakay sa kotseng huminto
"Ah! Nakita ko po kasi yung kaibigan ko po dun Nay"
"Oh bakit hindi mo tinawag anak ng sa ganoon na kapag usap kayo"
"Ay hindi na Nay! Umalis na din po. May kasama po siya"
"Ganoon ba. Sa birthday mo invite mo ang mga kaibigan mo anak ng sa ganoon ay maging masaya ulit ang kaawarawan mo ha!" Masayang ani ni Nanay saakin
"Sige po Nay. Tara na po at pauwi na po yata si Tatay" Tumango si Nanay kaya naman sabay na kaming nag lakad papuntang sakayan ng trycicle. Masyadong mainit at buti na lang ay may dala kaming payong na malaki