"Burning hatred"
Mabilis lang lumipas ang limang araw at July 31 na. Nakauwi na 'rin sina Tita sa bahay nung isang araw. Di pa 'rin nawawala sa aking isipan ang sulat na 'yun. Hindi ko 'rin naiintindihan kung bakit oras-oras sumasagi sa isip ko ang laman ng sulat na 'yon, na para bang palagi akong pinapaalalahanan.
May isa pang gumugulo sa 'kin, ito yung parang may gustong kumawala sa 'kin at palaging mainit yung pakiramdam ko. Sobrang init kahit mag-o-August na at madalas nang umuulan at bumabagyo. 'Gaya nalang ngayon, malakas ang ulan sa labas pero nakababad pa 'rin ako sa malamig na tubig. Pero di pa 'rin nawawala yung init na pakiramdam sa katawan ko. Naku kapag nalaman ni Tita pagsasayang ng tubig ko dito sa banyo nila, bubungangaan na naman ako no'n.
"Ate Flame? Ok ka lang ba d'yan? Kanina ka pa baka magkasakit na n'yan," pagtawag ni Trixie mula sa labas ng banyo.
"Sandali lang, lalabas na 'ko," at dali-dali akong nagbanlaw sa katawan ko. Nagbihis agad ako pagkatapos at lumabas na 'ko banyo. Pagkalabas ko wla na si Trixie kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko, kunting lakad lang sa 'di kalakihang hallway ng bahay at narating ko na rin ang kwarto ko sa Attic.
11:00 Nanatili sa isip ko ang oras ng masulyapan ko ito kanina sa antigong orasan sa may hallway. Malapit na magmadaling araw.
"Ano ba Flame, kalimutan mo na nga 'yon!" Malakas na bulong ko sa sarili ko. Tss! Malakas na bulong?
Tumonog ang pinto ng aking kwarto, napatingin ako dun at nakita kung unti-unti bumukas ang pinto, inulawa dun si Tito na nakangiti. Wierd, anong ginagawa ni Tito dito ng ganitong oras?.
"Ah . . . Tito may kailangan po ka 'yo?" Nagaalangang tanong ko kay Tito habang sinusuklay ang basa kong buhok. I don't like him here inside my room, it's creepy.
"Wala lang, gusto ko lang makipagkwentuhan sayo." nakangiting saad niya. Nang ganitong oras? Kwentuhan? naupo siya sa gilid ng kama katabi ko at alam kong may mali. Sa paraan pa'lang ng pagtingin niya sa 'kin, hanggang sa tunog Ng boses niya at paraan ng pakikipagusap niya sa 'kin. Kakaiba lahat ng mga ikinikilos niya.
Ibinaba ko ang suklay at alanganing ngumiti sa kanya, "H-hindi po yata magandang tingnan na n-nandito kayo sa 'dis oras ng gabi, bukas na lang po siguro . . ." kinakabahang sabi ko.
"Pinapa-alis mo na kaagad ako?" Hinawakan, correction, hinimas niya ang braso ko. Kinakabahang umiwas ako sa pagkatapos niyang himasin ang braso ko. May ideya na 'ko sa katutunguhan nito, at siguradong hindi 'yon maganda. I've always know that Tito Rick is creepy man pero never ko naman never naman hinawakan kaya hindi ko na Lang pinansin.
"G-gabi na po kasi," Hindi niya pinansin ang sinabi ko at marahas niyang hinawakan ang pisngi ko at sapilitan akong hinalikan, bago pa 'man niya magawa iyon ay naitulak ko na siya. "Ano bang ginagawa niyo!?" May bahid na kaba at galit na sigaw ko. Ano bang ginagawa niya? Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto para sana lumabas na, pero bahagya ko pa lang itong naibukas ay hinila na niya ang aking buhok pabalik at marahas akong itinulak pahiga sa papag.
"Pumayag ka na Flame. Kabayaran man lang sa pagampon at pagpapakain ko sa 'yo," may pagnanasang sabi niya at pumaibabaw siya sa 'kin.
Sa takot sa maaring mangyari ay tinulak ko siya sa pinakamalakas na kaya ko, pero nagulat nalang ako ng malakas ko siyang naitulak at nakitang namimilipit na siya sa sakit ng likod mula sa pakakabalya sa pader ng kwarto. "Paanong nagawa ko yun?" pagsasalita ko sa sarili ko. Baka adrenaline rush lang.
Napalingon ako kay Tito ng sumigaw ito, "Walang kang utang na loob!" Tila nasasaktang bigkas niya. Ako pa ang walang utang na loob? Matapos kong magpaalipin at magsilbi sa kanila buong buhay ko? Ano bang klaseng kademonyuhan ang pumasok sa isip niya at ginawa niya 'to. Nagdilim ang paningin ko sa iniisip kong 'yon. Mga walang kwentang tao, walang puso.
Sa mga oras na ito ay mas nag-init pa 'ko, dama ko na naman ang mainit na sensasyon sa kaloob-looban ko. Nagbigay ito ng pakiramdam na sasabog ako anumang oras kung hindi ko ito mailalabas agad, kaya Wala sa sariling itinaas ang kamay ko at tinutok ko sa tiyuhin ko.
Ang mainit na sensasyong ito ay dumaloy mula sa loob ko papunta sa mga palad ko, lumabas mula rito naglalagablab na apoy na kumapit sa buong katawan ni Tito. Napasigaw siya dun at talagang nakaka-aliw na makita siyang nasasaktan. Ang galit na matagal namalagi sa dibdib ko ay kumawala na. Sa sobrang galit ko ay gusto ko na lang Makita na syang di na humihinga.
"Anong ginawa mo sa asawa ko!?" Mula sa pinto ay natagpuan ko ang gulat na mukha ni Tita, hindi malaman kung tatakbo ba palapit sa mabagal na nasusunog na katawan ng kanyang asawa o tatakbo palayo sa 'kin.
"Kung anong nararapat sa demonyung katulad niya," walang paki-alam na sabi ko.
"Walanghiya kang Halimaw ka!" Galit na galit niya akong sinugod, hawak siyang . . . stick? Wand? "Ngayon hindi na ako magtataka kung bakit ibinigay ka nila ng gano'n kadali sa akin!" Galit na galit niyang turan habang itinutok sa akin Ang bagay na hawak niya. "I've always know that you're a monster, it's in your blood! Sana hindi nalang kita inampon! Hindi sana ako pumayag sa gusto nila!. Naguguluhan man ako sa mga sinabi niya ay hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin . . . "Kagaya ka rin ng mga magulang mo mga halimaw, mga walang kwentang tao!" Mas umusbong ang galit ko dahil sa mga sinabi niya.
Nang akmang ikukumpas niya ang bagay na hawak niya ay mabilis ko siyang nilapitan at marahas na hinawakan ang kamay na may hawak ng stick, sa pagkakadiin ko sa paghawak ng kamay niya ay nabitawan niya ito. Nang mabitawan niya na ang wand na hawak ay marahas ko siya isinandal sa may pader di kalayuan sa nasusunog na katawan ng asawa niya gamit ang kamay na nakasakal sa leeg niya.
"Hindi ko man kilala ang mga magulang ko wala ka pa ring karapatan na laitin sila, Lalo nako." Inilapit ko mukha ko sa may tainga niya at ibinulong ang salitang . . . "Die." Kasunod ng paglayo ko sa may tainga niya ay siyang paglabas ng mangangalit na apoy sa katawan niya na nagmula sa palad kong nakasakal sa kanya. Bitawan ko lang ito ng makitang hindi na siya gumalaw o sumisigaw.
"M-mama? P-papa!" Natauhan ako sa aking ginawa ng marinig ko ang boses ni Trixie sa may pinto. "T-trixie . . ." Pagbaling ko sa kanya masaganang luha ang dumadaloy sa mga pisngi niya na Alam kong ako ang dahilan.
Napansin ko ang mabilis na pag-gapang ng apoy sa buong kwarto mula sa walang buhay sa mga katawan nina Tita kaya dali-dali kong hinila si Trixie palabas ng bahay. Kaagad ko siyang hinarap ng makalabas kami dahil gusto kong