RonKitang kita ko kung paano irevive si Eia.. Si Zandeia.. Napakaraming dugo ang nawala sa kaniya at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor sa operating room.
Tatlong oras na rin akong naghihintay na ibalita sa aking buhay siya. Tatlong oras na akong kinakabahan at nagdarasal na makaligtas siya.
"Sir! Kailangan niyo po munang magpahinga!" Sambit nong nurse na gumamot sa mga sugat ko.
Hindi ko ito pinansin at tahimik lang nakasilip sa pinto ng operating room. Pinunasan ko ang mga luha na dumadaloy sa aking mga mata ng maalala siya.
Napakatanga ko dahil hindi ko napansin na siya na pala ang babaeng minamahal ko at hindi si Eliana.
Hindi ko man lang napansin ang pagkakaiba nilang dalawa. Hindi ko man lang napansin..
Kaya pala tuwing nakikita ko siya ay hindi mapigilan ng puso ko ang tumibok ng malakas.
Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko at mukha ni Kris ang bumungad sa akin.
May benda siya sa ulo at balikat. Nagamot na rin ang mga sugat niya.
Nakatingin lang siya sa loob.
"Ang tanga natin noh?" Bulong niya at tumawa siya ng malungkot.
"Son!" Napalingon kami ng sabay ng sabay na dumating ang pamilya ko at ang pamilya ni Kris.
Pinigilan ko ang luha ko ng lumuluhang napatakbo palapit sa akin si Mommy at niyakap ako.
"I-I'm sorry if we're late! Patawarin mo kami anak." Humagulgol si Mommy habang nakayakap sa akin.
"S-She save us, M-Mom.." mahinang bulong ko.
Napakalas ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at bumungad sa amin ang doctor.
"Sino dito ang kamag anak ng pasyente?" Seryosong tanong ng Doctor.
"Me. I-I'm her.. I'm her m-mother." Nagulat kami sa biglang pagdating ni Tita Charlotte akay akay ang nanghihinang si Eliana.
Nagkatinginan kami ni Eliana pero agad akong umiwas ng tingin.
"Unconcious pa rin ang pasyente at kung hindi siya magigising ngayon, maari siyang humantong sa coma. Natanggal na namin ang bala sa balikat niya, ngunit ang malalim niyang saksak sa tiyan ang pinakadelikado sa lahat. Imo-monitor namin ang mga organs niya na naapektuhan ng malalim na saksak." Wika ng doctor.
Nanghihina akong napasalampak sa upuan.
God, please let her live..
Eliana
"We did our best, sana ay makicooperate ang katawan niya at lumaban siya." Dagdag nito bago nagpaalam na umalis.
Tears started flowing again into my face as Mom caressed my back and hugged me tightly.
I never thought in my entire life that I have a long lost twin.
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystery / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7