"Doc, ang anak namin?" nababahala kong tanong sa kalalabas lang na doktor. Hawak-hawak ni Romir ang kamay ko habang nasa likod namin ang mga barkada namin.
Nakatanggap ng tawag si Manang Minda galing sa teacher ni Rovi at ayon dito, bigla na lang daw nagsusuka ang anak ko at sumasakit ang right upper abdomen nito at hindi nito kinaya kaya dinala nila kaagad ang anak ko sa hospital. Pagdating namin ay naghintay pa kami ng ilang sandali bago pa lumabas ang doktor na nag-asikaso sa kanya.
"Doc, kumusta ang anak ko?" tanong naman ni Romir. Lalo akong kinabahan nang ibang facial expression ang nakikita ko sa mukha ng kaharap naming doktor.
"He has a acute liver failure." Napatda ako sa narinig pati ang mga kaibigan naming nasa likuran namin, nakikinig lang ay nagulat rin sa sinabi ng doktor.
"I beg your pardon, doc," ani Romir na hindi rin siya makapaniwala sa narinig.
"May liver failure ang anak niyo and it's already acute."
Napaawang ang mga labi ko sa narinig kasabay ng pagtulo ng maiinit kong mga luha sa magkabila kong pisngi.
"That's not true," sabi ni Romir, "...napakabata pa niya para danasin ang ganyang bagay," dagdag pa niya at walang babalang dinakma niya ang doktor sa suot nitong hospital uniform, agad namang nagsiawatan ang mga kaibigan namin.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang. Sabihin mo!" galit niyang sigaw sa mukha mismo ng doktor. Napaatras ako dahil pakiramdam ko, umiikot ang paningin ko buti na lang at naging maagap si Labi na nasa likod ko at napahawak ako sa kanya.
"Are you okay?" tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko talaga, umiikot amg paningin ko, nahihilo ako.
"Dude, stop it!" narinig kong awat sa kanya nina Clark at Mark pero dahil nga siguro hindi makapaniwala si Romir sa lahat ng narinig niya galing sa doctor, hindi siya nakinig kina Clark at Mark hanggang sa tuluyan na akong hinimatay.
"Vence!" halos sabay-sabay na tawag sa akin nina Lani at Anton saka tuluyan nang nawala ang ulirat ko.
"Kung kailan, okay na sana ang lahat saka pa nangyari 'to kay Rovi," narinig kong sabi ni Lani na siyang dahilan nang pagkagising ng diwa ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at maputing paligid ang siyang sumalubong sa aking paningin. Nagpalinga-linga ako ay nakita ko ang mga kaibigan ko pati na ang biyenan ko.
"My God! You're awake!" bulalas ni Anton nang mapansin niyang gising na ako. Nagsilapitan naman sila kaagad sa akin.
"How are you?" agad na tanong ni Lola Rosalinda.
"Ang anak ko? Si Rovi?" mangiyak-ngiyak kong tanong na siya namang pagpasok ni Romir.
"Hey, sweetie. How are you?" tanong niya kaagad sa akin nang makalapit na siya sa kinahihigaan ko.
Pinilit kong umupo at banayad naman niya akong inalalayan.
"Si Rovi, kumusta?" Napatingin ako sa kanya at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa lahat ng nandu'n nang wala akong sagot na natanggap galing kay Romir. "Sabihin mong nanaginip lang ako. Sabihin mong hindi totoo ang lahat. Sabihin mo, Romir. Sabihin mo, please," umiiyak kong pakiusap sa kanya habang nakahawak ako sa kanyang braso at bahagya ko pa itong niyuyugyog.
"Inilipat na siya sa isang kwarto."
Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Romir. Napahagulhol ako ng iyak kaya niyakap na lamang ako ni Romir at kahit papaano, pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi ng mga oras na 'yon.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa iyon ng mga sarili kong mga magulang.
"Vence," agad na tawag sa akin ni Mama. Napakalas si Romir mula sa pagkakayakap sa akin at binigyan niya ng daan ang kararating ko lang na mga magulang.
BINABASA MO ANG
Fated to be with you
RomanceSi Vicenta "Vence" ay isang tomboy na umibig sa kanyang kaklase at kaibigang si Kenneth "Ken", isang bakla. Dahil sa isang gabing pagkakamali, nagbunga ito ng supling na siyang dahilan para si Ken ay lumisan. Si Romir, kaibigan nila na lihim na umii...