Chapter 43

23K 712 69
                                    

[LUIS]

"L-luis!"  Napahinga ako ng malalim habang nakatingin kay Skyler. Nakapikit ang mata at sinisinok na. Ang baba talaga ng alcohol tolerance niya. Wala pa akong tama siya lasing na lasing na.

"I-ibalik mo ko sa p-pinas! G-gusto ko m-makita asawa ko!" Napakamot nalang ako ng ulo. Kanina pa siya ganito.

Buti naman at tulog na ang kambal sa kwarto namin. "Skyler nako. Sana hindi na tayo uminom. Hindi pa ako lasing. Lasing ka na" Natatawa kong singhal sakanya.


"M-mahal na mahal ko yon! M-miss ko na siya!" Paulit-ulit niyang sigaw.

Napangiti namana ako. Hindi nagbago ang puso niya kay Dawson. Sana si Dawson rin para hindi masaktan tong Skyler na 'to. Tama lang ang ginawa ko. Para rin sakanila 'to.

"T-tawagan mo! S-sabihin mo, sunduin a-ako!" Singhal niya sakin. Tawang-tawa naman ako habang pinapanood siya. Ibang-iba siya kapag naka-inom. "T-tawagan mo bilis na!"

"H-hindi siya pwedeng m-mapunta sa ate ko! Ako lang d-dapat! May k-kambal kami!" Napahalakhak na ako ng tuluyan sakanya.

Mabilis kong inilabas ang phone ko. Irerecord ko na sana ang ginagawa ni Skyler ng mapaiktad ako sa malakas na pagbukas ng pinto.

"My Sky!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita si Knight. Tuloy-tuloy siyang pumasok at nilagpasan ako. Mabilis niyang binuhat si Skyler.



"F-fuck! I finally found you!" Mahina niyang sabi. Boses na boses din ang pag-iyak niya. Napangiti ako ng ilang beses niyang hinalikan ang mga labi ni Skyler tila walang pakialam kung amoy alak 'to.


"Oh God! I m-miss you!" Singhal niya pa at paulit-ulit na hinalikan ang labi ni Skyler.

I think, tapos na ang trabaho ko. They are now happy. Ang sarap sa feeling na may natulungan ka para sumaya.


Tumalikod na ako sakanila. "Pare!" Napahinto naman ako ng tawagin ako ni Knight. Agad akong humarap sakanya.



Halos magmanhid ang pisngi ko sa sapak ni Knight. Tangna! Ang sakit!


Ilang beses ko ginalaw ng paulit-ulit ang panga ko. Nakita ko naman siyang binalikan si Skyler at inakay patayo. Bago ulit naglakad papunta sakin.


Tangna! Ang sakit ng sapak niya! "Tangna pre?! Para san yon?!" Galit kong singhal sakanya.


"You know what?! I want to kill you right now! I want to bury you alive!" Kinilabutan ako sa sinabi niya. Para talaga siyang papatay kahit anong oras.



Mabilis akong napa-atras dahil sa sinabi niya. "U-uy D-dawson! Ang b-bilis mo naman nakarating! L-lumipad ka ba?!" Napatawa ako sa sinabi ni Skyler.


Teka? Paano nga ba siya nakapunta agad? Kaka message ko palang sakanya kanina.


"Oo nga pare? Paano?" Tanong ko din sakanya.

Kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya. "Wag mong ibahin ang usapan! Ibabaon talaga kita ng buhay!" Napaatras pa ako ng isang beses ng sumigaw siya.


"Woah! Pare! Easy!" Natatawa kong sabi sakanya. Para talaga siyang papatay.

"Si Skyler na ang bahalang kumausap sayo. Tapos na ang trabaho ko dito" Nakangiting sabi ko.

"A-ang gwapo-gwapo ng asawa ko!" Nagpipigil naman ako ng tawa dahil kay Skyler.

"K-karga! K-kargahin mo ko!" Napangiti ako ng hindi nagdalawang isip si Dawson na kargahin si Skyler. "Hindi pa tapos ang trabaho mo. May panibago kang trabaho. Panghabangbuhay na trabaho!" Galit paring sabi sakin ni Dawson.

Magugustuhan mo rin ang

          

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Trabaho na naman?!

"Galit na galit pa din ako sayo. Gustong-gusto kitang ilibing ng buhay. Hayop ka!" Natawa naman ako sakanya. Galit na galit talaga siya pero nagagawa pa din niyang aluhin si Skyler na parang hindi siya galit. Para naman bata itong si Skyler. Kanina pa Dawson ng Dawson habang nakayakap sa asawa niya.



"Trabaho na naman?!" Singhal ko at napabuga mg hangin.


"Pumunta ka sa Sky's Villa" Singhal niya sakin at inabot key card.

"Aano ako don? Diba may-ari lang ang nakakapunta don?" Nagtataka kong tanong.

"Ganyan ka na ba kabobo para hindi mo malamang ako ang may-ari ng resort na 'to" May pagkasarkastiko niyang sabi.


Bagamat nagulat, hindi naman talaga imposible. "Anong gagawin ko don?!"



"Basta. Pumunta ka nalang. Matagal ka na niyang hinihintay. Goodluck!" Huling singhal niya bago ako lagpasan.


"Anong room number?"
Agad naman akong tumakbo at inihabol sakanya ang key card ng kwarto namin.


"356 pre" Nakangiti kong sabi.

Tinapik niya ang balikat ko bago ngumiti. "Salamat sa lahat. Congrats!"

_________________________________________________

[DAWSON]

"Don't bite me my Sky. You making me aroused!" Singhal ko sa asawa ko na ngayo'y buhat-buhat ko.

Sa wakas. Nasa mga bisig ko na siya. Ilang taon ang lumipas, pero hindi pa din nagbabago. Hindi ko na siya hahayaang makawala ulit. Kung kailangan kong siyang ikadena sa bewang ko, gagawin ko.


"A-are you r-real?!" Sinisinok-sinol na sabi niya habang tinutusok ang pisngi ko.

Agad ko naman siyang kinintalan ng halik sa labi. Nakakagigil ang kakulitan ng asawa ko. "Yes. Matulog ka na. Marami ka pang ipapaliwanag sakin bukas. Humanda ka talaga" Singhal ko sakanya. Bago hinalikan sa noo.


"A-alam mo bang miss na m-miss na kita?! Ha?!" Sigaw nito sakin habang tinuturo ang dibdib ko.


"Yes" Mahina ko namang sagot sakanya.

"I w-want to go back! P-pero wala na akong babalikan!" Mabilis kong pinunasan ang mga luhang kumawala sa maganda niyang mata.


"Shhh.. Stop crying now" Singhal ko bago isandal ang ulo niya sa balikat ko at mag lagay ng maliliit na halik sa leeg niya.



"I want you so bad. Pero ang l-layo mo sakin!" Umiiyak niya pang sabi.


We feel the same my Sky. I want you but I can't have you. But now? Hindi na tayo maghihiwalay pa.


"Arrgh!" Ungos ko ng bumaon ang ngipin ni Skyler sa leeg ko. Sobrang sakit! Gigil na gigil siya.


"W-what was that for?!" Tanong ko sakanya.


"Y-you kissed Skylie! I h-hate you! I h-hate you!" Sunod-sunod niyang sabi at pagpalo sakin.



"No! I didn't kiss her!"

"You kissed her! I saw you! I saw you!" I grab his face and kiss him. Ayon lang ang tanging paraan para tumahimik siya.

I don't care of somebody saw us. I just want to kiss my husband. For life.



"Shut your mouth. Meron ka pang kasalanan sakin. I told you not to become dancer and model right?! So you have to explain to me tommorow"




Hindi na siya sumasagot. Maya-maya pa ay narinig ko nalang ang maliliit niyang hilik. Napatawa nalang ako kasabay ng pag-iling.



Mabilis kong swinipe ang key card ng makarating kami sa kwarto.


Naglakad ako papunta sa isang kwarto. Nang makita kong walang tao, mabilis kong inihiga amg asawa ko.



"Don't leave me D-dawson" Mahinang bulong niya. Napatawa nalang ako. Don't leave me? Pero iniwan mo ko?


Mabilis ko siyang kinintilan ng halik sa noo. "I won't. Never" Nakangiti kong sabi.


Mabilis akong pumunta sa banyo at kumuha ng pag-hilamos. Pero namroblema ako sa ipapasuot sakanya.



Hinalungkat ko ang maleta pero damit lang na pambata ang nakita ko. Agad naman pumasok sa isip ko ang dalawang bata na kasama niya sa picture. Tinakbo ko palabas ang kwarto at lumipat sa kabila.

"Fuck? Sino ang mga batang 'to?!" Frustrated kong sabi at napahilamos ng mukha habang nakatitig sa dalawang batang magkayakap.

"A-anak ko ba sila?!" Mahina kong tanong kasabay ng pagtulo ng luha.


"D-daddy!" Nagulat nalang ako ng sumigaw ang isa sakanila at tumakbo palapit sakin.



Napangiti nalang ako at umupo at sinalubong siya ng yakap. "Daddy! A-akala ko hindi ka na naman magpapakita sa birthday namin ni kuya!" Umiiyak nitong sabi.


Mabilis ko naman siyang binuhat at pinagmasdan. Fuck! Kamukha ko siya!



"Stop crying now little man. Daddy is here. H-hindi na aalis ang daddy!" Natawa naman ako imbis na tumigil ay lalo pa siyang umiyak.


"Dad?!" Agad naman akong napatingin sa isang bata. Ganun nalang ang panglalaki ng mata ko kasabay ng pagtingin sakanila ng pareho.


"Dad!" Wala ako sa sariling napaupo nalang din at sinalubong ito ng yakap.

________________

Nakapamewang ako ngayon habang nakatitig sakanilang dalawa na nakaupo sa kama. Magkamukhang-magkamukha sila! Fuck! I have a twin?! Wala ako sa sariling napahilamos ng mukha dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"D-daddy? Hindi ka na masaya na nakita mo kami?" Agad naman akong napatingin sakanya. Siya yung anak kong laging nakangiti at masaya.



Hindi ko pa alam ang pangalan nila pero alam kong may pagkakaiba nila.


Agad akong umiling ng ilang beses at mabilis na lumuhod sa harap nila.

"No. Don't say that. Masayang-masaya akong nakita ko na kayo" Mahinang bulong ko sakanila kasabay ng.pagtulo ng luha ko.



"Ang s-saya ko. Sobrang saya" Huling singhal ko bago sila yakapin pareho.
Fuck! This is real! I have my twins!
"I miss you dad" Agad kong hinalikan ang noo niya. Siya yung anak kong laging seryoso ang mukha. "I miss you too. I love you" Singhal ko sakanya.


"Mahal na mahal kayo ni daddy. Hindi na ulit kayo iiwan ni daddy. Pangako"

"Promise?"

"Promise!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa labas ng sumigaw ang asawa ko kasabay ng pag-iyak niya ng malakas. "D-dawson! Don't leave me! I l-love you!"

____________
A/N:

Happily ever after na. Enjoy reading. 1 ud for today. Di kinaya ng powers ko dalawa. Pasensya.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon