8:15 na pero wala pa ring prof. Nagkalat sa labas ng classroom ang mga kaklase ko na nagsasight seeing ng mga babaeng HRM na nasa kabilang building.Duda siya kung may nga natatanaw ng mga lokong iyon ,ang layo layo ng pagitan ng mga buildings ng bawat department. Madaling madali ako pumasok tapos late naman pala ang prof. Nagbabakasyon pa? Sabagay nakakatamad pa nga namang pumasok.
Nasa sulok ako ng unang row at nakapangalumbaba. Naisip ko ang nangyari kanina sa bahay.
Hindi naman ako nagalit o naoffend sa sinabi ng pamilya ko. They know that. I'm not so sensitive when it comes to them. Hindi lang ako makapaniwala na ipinupush pa din nila yung usapin na yon. I know my brothers love and accept me for what I am, kahit lahat sila ay lalaki hindi ako naiiwan sa pakikipagbonding. Lahat ng sports na kinaguhumalingan nila ay shine-share nila sakin. Madali akong matuto at kadalasan ay nauungusan ko pa sila.
Kung confident ako sa mga kapatid ko, medyo tagilid naman ako kay mama. Close kami of course, pero naiisip ko din na deep inside ay nadidisappoint siya na ang nag-iisang babae niya na dapat ay prinsesa ay ganito umasta. I think and I know that she's trying to understand, because she knows why.
I'm one of the boys, sa school man o sa bahay. Hindi ako pakikay katulad ng mga babaeng kaidaran ko. Ayoko din ng madaming arte sa katawan. Rugged pants, maluluwang na shirts at converse ang comfort zone ko sa pananamit kasama na ang bull cap ko. Nawawala lang talaga ako sa porma kapag suot ko ang skirt na uniform ng mga babaeng criminology students. Laging nakapusod ang buhok ko at tanging dog tag lang ang pinaka accessory ko sa katawan.
Sa sports naman, pinakahilig ko ang volleyball at basketball. I also play baseball and billiards. Sobrang neg-eenjoy ako sa mga sports na yon na pinilit kong ipaturo kay kuya ice since high school. At katulad ng mga kapatid ko, puro lalaki din ang kaibigan at kabarkada ko. Kung may kaibigan man akong babae ay mabibilang mo iyon sa isang kamay ko na halos mga pinsan ko pa. PERO-------kahit ganito ako, hindi ako nabibilang sa third sex. In short hindi ako lesbian. Babae ako at ang tamang term lang siguro para idescribe ako ay boyish.At kahit marami ang hindi naniniwala ay wala akong pakialam. Hindi ako kahit kailan papatol sa kauri ko. BUT I'm still one the boys. Kaya huwag kayong magulo. Haha.
Sa tagal ng pagmumuni muni ko ay hindi ko namalayang lumalabas na ng classroom ang mga kaklase ko. Walang dumating na prof. Tumayo na ako at nagtungo sa cafeteria.
" Ate Lucy, kape po. Cafe Blanca. " sabi ko at umupo sa single stool na nakaharap sa glass window. Oo bukid dito sa school pero huwag ka, may sari sariling cafeteria ang bawat college dito.
Natatandaan ko pa nung 2nd yr ako ng muntik na magwelga ang mga estudyante dahil sa iisang cafeteria lang meron ang school at palaging tumitirik ang mata ng marami dahil sa gutom. Kapag kasi lunch break ay parang pila sa LRT ang drama ng mga estudyante.inaprobahan ng school ang pondo sa pagpapatayo ng cafeteria sa bawat college. Napangisi ako dahil isa ako sa mga nagudyok ng welgang iyon. Mabuti at walang nagtangkang magsumbong kundi ay baka expulsion ang naging parusa ko.
Nawala lang bigla ang ngisi ko ng may maramdaman akong labi na dumampi sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang lapastangang gumawa non'.
"Tangna Perez! Gusto mo nang mamatay!" Malakas na sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Property of Megan Fox
Teen FictionI'm one of the boys. Pero hindi ako tomboy.Gets? Pero ang hindi ko magets ay nung dumating ang araw na narealize kong nagkagusto ako sa isang tao. Mas sumakit pa ang bumbunan ko dahil "(bakit?) hindi ako crush ng crush ko." Hindi ko akalain ng isa a...