Kabanata 32

6 4 0
                                    

Kabanata 32

“Aray ko, ano ba!” sigaw na pabulong ni Lily. Nasa likuran ko siya at gumagapang kami ngayon sa maalikabok na kisame. Hindi ko naman inaasahan na ito pala ang daan ang tinutukoy ni Casmon. Ipinaliwanag niya na gagapang kami hanggang sa pinaka-dulo at bubuksan ang air vent doon. Nasa ikalawang palapag kami at tiyak na mataas ang babagsakan namin  kaya’t sinabi ni Casmon na wala raw kaming choice kundi ang gamitin ang grills sa bintana ng library upang tuluyang makababa dahil naghihintay daw roon ang kotse na dala ni Casmon. Iniisip ko pa lang, nanginginig na ang kalamnan ko. Ang taas taas non!

“Aray!” daing ko ng sumabit ang damit ko sa pako na nakausli at bahagyang nasugatan ang hita ko. Bwisit na pako!

“Ayos ka lang ba?” napalingon ako kay Casmon na tumigil sa paggapang para tingnan ang lagay ko. Tumango na lamang ako kahit ang totoo ay medyo mahapdi ‘yon at malay ko ba kung matetetano ako sa pako na ‘yon.

“Huwag mo akong itulak ano ba!” reklamo ni Lily at nag-eecho pa iyon sa buong kisame.

“Hindi kita itinutulak!” depensa ni Casper at hindi na lang siya pinansin ni Lily.

Tumigil si Casmon kaya’t ganoon din kami. Iniangat niya ang takip na plastic sa kisame at napag-alamang ang air vent pala iyon. Dahil ako ang kasunod niya ay nakita ko ang pagbukas rito. Nakakalula ang taas at hindi ko alam kakayanin ko bang bumaba. Oo, tumakas na ako noon at dumaan sa bintana ng kwarto ko pero mababa naman iyon. Hindi katulad ngayon na nasa may bubong na kami. Hindi naman pwedeng sa bintana nv kwarto ko kami dumaan dahil nakaharap ang bintana 'non sa harapan ng bakuran kung nasaan ang mga taong iyon.

“Mauuna akong bumaba. Hintayin mo ang hudyat ko bago ka bumaba.” ani Casmon at walang pag-aalinlangan na bumaba at naglambitin sa kahoy ng kisame. Pagkatapos magkaroon ng buwelo ay umapak sa grills ng bintana at maingat niyang inihawak ang isang kamay sa grills at pagkatapos ay isinunod ang isa pa niyang kamay.

Sh’t! Kaya ko ba yon? Jusko Lord wala sa lahi namin ang pagiging acrobatics!

Naghihesterika na ako sa aking isip at pinagpapawisan na ako sa kaba. Dito na ba ako mamamatay?

“Carol! Sumenyas na si Casmon. Bumaba ka na.” nagising ako sa reyalidad ng bumulong sa akin si Lily. Napa-sign of the cross pa ako bago ibaba ang kanang paa ko habang mabigpit ang hawak sa kahoy. Nanginginig na ang kalamanan ko at mas tumindi pa ito nang tuluyan na akong nakalambitin.

Tanginis na buhay ito!

Ipinikit ko ang mga mata ko at halos tawagin ko na lahat ng santong kilala ko bago iapak ang paa sa grills ng bintana ngunit sa kasamang palad ay dumulas ako rito at sa pagkabigla at napabitaw na rin ako. Isang pagkakamali!

“Kyaaah!” hindi ko napigilan ang tili na kumawala aking bibig dahil sa sobrang pagkataranta.

“Carol!”

Akala ko ay mababalian na ako ng buto o mababagok ang ulo ngunit hindi. May dalawang bisig na sinalo ako mula sa pagkakahulog. Napunta sa kaniya ang lahat ng pwersa ngunit hindi naman siya natinag man lang. “Ayos ka lang?”

Nagmulat ako ng mga mata at napagtantong si Casmon iyon. Puno ng pag-aalala ang mata. Ngumiti ako bilang tugon na ayos lang ako. Magdiriwang na sana ako dahil napostponed ang pagkamatay ko ngunit tila ipinahamak ko lamang yata ang aking sarili. Nakarinig kami ng mga yabag na nagtatatakbo papalapit sa amin at tila ba naging alisto bigla ang pandinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong narinig nila ang sigaw ko at sigaw ng tatlong kasama ko ng malaglag ako. Ang mga taong iyon!

Ibinaba ako bigla ni Casmon at hinila paupo. Namalayan ko na lamang na nakadapa na kami sa ilalim ng isang kotse at pigil hiningang pinagmamasdan ang mga pares ng paa na naglalakad na ngayon sa parteng ito ng aming bakuran.

Nakakapanindig balahibo hindi lamang ang mga paang nakikita ko kundi pati na rin ang mga boses na naririnig ko dahil nag-uusap sila.

“Narinig ko, may sumigaw! Tiyak andito lang sila!” para bang nanggagaling pa sa ilalim ng lupa ang boses na iyon. Napakalalim at malagong.

“Walang tao rito. Nag-aaksaya lang tayo ng panahon. Baka wala talagang tao sa bahay na ito. Umalis na tayo.” nakahinga ako ng maluwag sa narinig at nakikita ko na rin ang pag-alis ng mga paa kaya’t tinanggal ko na ang pagkakatakip ng sariling palad sa bibig. Wala na kaming naririnig na ingay kaya’t nagtanguan kami ni Casmon at akmang lalabas ng biglang tumambad sa akin ang ulo ng isang lalaki! Pabaligtad ito ngunit kapansin pansin na nakangisi ito sa amin. Duguan ang mukha at medyo kulubot na. At base sa suot niya, mukhang ang taong sinapian ng kaluluwang iyon ay isang call center agent.

“Sh’t.” napamura ako hindi dahil sa inis kundi sa takot. Bumulong sa akin si Casmon. “Huwag kang sisigaw.”

Sinunod ko naman iyon at pumikit na lang. Iniisip na namamalikmata lang ako ngunit nang buksan kong muli ang mata ko at tumambad pa rin ito sa akin. Muntik pa akong mapasigaw kung hindi ko lamang napigilan ang aking sarili.

Naninigas na ang katawan ko sa takot at pinagpapawisan ng malamig. Wala man lamang akong dalang pangdepensa---

Nagulat kami pareho ni Casmon ng unti-unting dumausdos ang lalaki hanggang sa tumama ang ulo niya sa semento. Bakas ang gulat sa mukha nito ngunit hindi na nakapalag pa dahil nangisay bigla ang katawan nito.

Mabilis kaming umalis ni Casmon sa ilalim ng kotse ngunit sa kabilang parte na kami dumaan. Naabutan naming nakatayo sa tabi ng kotse si Casper habang namumutla at nanginginig pang nakataas ang kamay habang may hawak na bakal kung saan may tumutulo pang dugo mula roon. Napatingin kami sa lalaki at doon namin nakumpirma ang nangyari. May saksak ito sa dibdib na tumagos pa hanggang likod nito at may crack ang salamin ng kotse.

“H-hindi ko s-sinasadya. Hindi ko sinasadyang patayin!” tila ba nababaliw na si Casper sa pagkabalisa. Nagulat siguro siya sa nagawa dahil kahit papaano ay tao iyong napatay niya.

“Tama ang ginawa mo.” saad ni Casper. And because of that, I realized that Casmon’s words has a big impact to Casper. He became calm and almost got to act like there’s nothing happened a while ago.

“Go, get Lily.” simpleng saad ni Casmon bago buksan ang pinto ng kotse at pinapasok ako roon. Umikot siya at pumasok na rin. Siya pala ang magd-drive at sana naman ay hindi siya biyaheng langit kagaya ng kakambal niya.

Sinuot ko ang seat belt ngunit habang ginagawa iyon ay halos mapahagalpak ako sa tawa ng makitang tinangkang saluhin ni Casper si Lily ngunit nang masalo niya ito ay nawalan siya ng balanse at parehong natumba.

Atleast, Casper tried. Haha!

Nakasimangot na pumasok si Lily sa kotse at sumunod naman si Casper na ngayon ay iniinda na masakit daw ang likod niya. Imbis na maawa ay binigwasan pa siya ni Lily. Napailing-iling na lang kami ni Casmon. Kung wala lamang kami sa ganitong sitwasyon, baka inasar ko na silang dalawa.

Casmon starts the engine of the car and I can’t help it but feel a little bit scared. Makakagaw kasi ng atensyon nila ang sasakyan at baka harangin pa kami.

“Pumikit ka.” utos niya at kahit nagtataka ay sinunod ko na lamang. “Huwag kang mumulat hangga’t hindi ko sinasabi.” dagdag pa niya.

Nagsimula ng umandar ang kotse at nagtataka ako dahil paminsan minsan kaming parang nabubunggo sa kung saan. Ilang beses ko ring narinig na nagmura sina Lily at Casmon. Maririnig ko rin  na parang naduduwal si Lily.

At dahil nac-curious na ako, binuksan ko ng palihim ang kanang mata ko at halos himatayin ako sa sunod kong nakita.

Parang naglalaro lang kami ng Zombie Highway dahil bawat duguang tao na haharang ay walang pag-aalinlangang binubunggo ni Casmon kaya naman ang ibang dugo nila ang nagtatalsikan sa bintana. Sh’t talaga.

Mas nakadagdag pa sa pandidiri ko ang mga lamang loob na nagtatalsikan. Lalo na iyong bituka na sumabit pa sa side mirror na nasa bandang may akin.

Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko at hindi ko inaasahang magkakatotoo ang pinaka nakakatakot sa lahat ng panagip ko.

Ngayon ay naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Casper kanina. Patawarin niyo kami, nakapatay kami ng mga kapwa tao.

Haunted by the Curse: 1826Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon