Kinabukasan, hindi ko inaasahan ang makikita sa harap ng building ng kompanya. Sobrang daming paparazzi. Halos mapuno na niyon ang harapan ng building sa dami ng naroon. Mayroon silang hawak na camera na tila ba makukuhanan kahit pa pagpikit mo.
Tumawag ako kay Tanya.
[Madame! Tatawagan na sana kita pero naunahan mo ako. 'Wag po muna kayo basta-basta papasok. Sobrang dami pong paparazzi dito sa labas. Gusto ka po nila ma-interview.]
"What? Para saan?"
[Hindi niyo po alam?]
"Ang alin?"
['Yung issue po ninyo, Madame. Kalat na kalat na po siya sa balita at sa social media.]
"What the hell? Just tell me, Tanya. Ano iyon?"
[Na sinaktan niyo raw po si Ma'am Portia. May mga pasa po siya sa braso at mukha. Noong isang beses po na pumunta siya rito, may nakawitness po.]
"What... the... actual.... fuck...."
[Madame, please. Magpapadala po ako riyan ng body guards at doon po kayo sa exit papasok.]
"Sige, we'll talk about this later."
Pinatay ko ang tawag. Napatitig ako sa kawalan. Wala akong ginawa na ganoon... Hindi ako gumawa ng kahit ano na alam kong magmamarka sa kaniya. Sinampal ko siya, oo. Pero hindi aabot sa puntong magkakapasa siya sa braso at mukha. I would never do that.
Dumating ang dalawang body guard na mukhang galing sa exit. Walang nakapansin sa kanila na paparazzi. May dala silang bullcap, aviator glasses at jacket. Mukhang ididisguise ako.
Sinuot ko iyon agad at nakatungong pumasok sa exit para hindi nila ako makita. Thank God walang nakapansin.
Umakyat ako sa first floor. Duh, hindi ko aakyatin ang hagdanan na ito patungong opisina ko. Mageelevator ako.
Pagpasok ko sa elevator, may nakasabay ako na iilang empleyado. Gaya ng dati, lumalabas sila kapag nakikita ako.
"No, it's fine." Ngumiti ako at bumalik naman sila sa kani-kaniyang pwesto.
Bakas ang kuryoso sa mukha nila, mukhang nagtataka rin siguro sa kumakalat na issue.
Nang makarating sa opisina, umupo ako sa swivel chair at napahilot sa sentido. My god! Ano na naman ba ang ikinalat ng babaeng 'yon?
Nakatulala ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Shaz.
[Maine, omg! Are you okay? Sinaktan ka ba nila? Super gigil talaga ako sa babaeng 'yon!]
"Hey, I'm fine."
[Mabuti naman kung ganoon. Magdeactivate ka muna ng social media accounts mo, please. Bago pa kumalat ang memes sayo.]
"Yeah, sure."
Agad kong dineactivate ang social media accounts ko. Ngunit hindi ko maiwasang magbasa ng mga comments nila at post sa timeline ko.
"What a bitch! Hinahangaan kita noon pero ngayon nalaman ko na ang kabasurahan ng ugali mo! Ew na lang!"
"Bitter siguro 'tong si girl. Ex niya kase ang boyfriend ni Portia. Hindi matanggap na si Portia na ang mahal! Yuck!"
"Hindi mo kinaganda ang pananakit mo ng kapwa babae!"
"She's a toootal freak! Rot in hell!"
"Aminin mo na lang kase na nalamangan ka ni Portia dahil nasa kaniya na ang ex mo!"
Halos hindi ko na kinaya ang pagbabasa. Mabilis kong dineactivate iyon kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko. I can't handle this. This... Kind of pain.
'Yung wala ka namang ginawang masama pero maraming galit sayo.
Hindi ako nakapagtrabaho ng maayos. Napagpasyahan ko na lang tawagan sila Shaz. Sinubukan ko rin tawagan sina Harriette at Rien ngunit hindi ko naman macontact. Even Icarus, walang paramdam.
Siguro'y busy din sila sa kani-kaniyang buhay at trabaho. I guess, haharapin ko 'to ng mag-isa.
Nang hapon na, wala na masyadong paparazzi roon. Mukhang hindi na nila nahintay. May iilan pa raw ngunit wala na sa harapan ng building. Pero bilang pag-iingat, sa likod pa rin ako dumaan.
Dumiretso ako sa club. Balak kong makalimutan lahat ng ito. Balak kong kalimutan ang sakit na ibinibigay ng ibang tao sa akin. They want me to feel pain. E 'di tatanggapin ko.
Umupo ako sa bar stool. Maingay ang loob ng club ngunit mukha namang walang paki ang ibang tao roon. Mukhang nagkakasiyahan ang lahat.
"Tequila please..." Unang shot, ininom ko na. Gumuhit iyon sa lalamunan ko pero I don't mind.
Pangalawa, pangatlo, pang-apat, hanggang sa hindi ko na nabilang. Inom lang ako ng inom. Gusto ko mamanhid.
Buong buhay ko, pinili ko maging masaya at magpasaya ng ibang tao. Kahit sa simpleng ngiti lang sa mukha nila, okay na ako. Then I met Alden. My greatest love of all. Pinasaya ako at pinaramdam na kaya ko sumaya kahit walang hinihinging kapalit. I was happy. I used to be happy with him.
Ngunit hindi ko akalain na darating sa puntong siya ang magiging kahinaan ko. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong nagmakaawa na ako ngunit hindi pa rin sapat para magstay siya.
At ngayon, nasasaktan na naman ako.
Si Mama lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko pero ayoko na bigyan siya ng problema. Nagpapalakas siya at hindi dapat siya mastress.
Ilang shot pa ang nainom ko nang medyo nahilo na ako. Tumayo ako ngunit bumangga lamang ako sa matigas na bagay.
Pabango niya ang bumalot sa ilong ko. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang pabango niya.
Tumingin ako sa kaniya gamit ang mapungay na mata.
"Hi ex," binuntutan ko iyon ng tawa.
Inalalayan niya akong umupo muli sa stool. Umupo naman siya sa kabilang stool at umorder ng whiskey. Balak ko pa sana umorder ng tequila ngunit pinigilan niya ako.
"Desisyon ka rin eh, 'no?" Ramdam ko na ang hilo habang pinipilit tignan si Alden.
At ngayong kasama ko na siya, hindi ko mapigilan ang luha ko. Siguro dahil sa impluwensya ng alak.
"B-Bakit ganoon... H-Hindi ko ginawa iyon. I-I w-would never do t-that..." Para bang kinukumbinsi ko siya na paniwalaan ako.
"I know..." Sagot niya.
"It hurts, Alden. H-Hindi ko kaya tignan o m-marinig ang sinasabi nila," umiiyak kong sabi.
"Then don't. Hindi ka nila kilala..."
Mas lalo akong napaiyak. Having someone in this kind of situation is a big deal for me. Kahit na nasasaktan ako dahil si Alden ito.
"I've been through a lot of pain, Alden. But this one, kasing sakit noong naramdaman ko three years ago..."
Naramdaman kong nanigas siya. Mukhang tinamaan sa sinabi ko.
"Lasing ka na, Maine. Tama na 'yan." Pilit niya akong inakay pababa sa stool. Wala na rin naman akong lakas kung kaya't sumama na ako.
Dinala niya ako sa balcony ng bar. Sariwa ang hangin doon at nakakarelax. Humilig ako sa railings at ganoon din ang ginawa niya.
May hilo pa rin akong nararamdaman ngunit dahil sa hangin ay tila ba nagigising ako.
Dahil sa sariwang hangin na iyon ay nanariwa rin ang lahat ng nararamdaman ko. Tila ba isang gatilyo iyon ng baril at ang kumalabit ay itong hangin na tumatama sa aking balat.
Pumatak ang mga bagong maiinit na luha sa aking pisngi. Nanikip ang dibdib ko at nagbara ang lalamunan.
"I still want to know, Alden. Why?" Basag ang boses kong sabi.
Hindi siya nagulat sa tanong ko. Mukhang alam na niya na itatanong ko ito.
"I'm asking, Alden. Why didn't you save us? Why?"
BINABASA MO ANG
Why Didn't You Save Us? - COMPLETED
Fanfiction"I'm asking, Alden. Why didn't you save us? Why?" - Maine.